Pagkatapos ng isang pagdiriwang namin sa isang university. Bakas pa din ang henna na ginawa namin ng kaklase ko na malapit sa puso ko.
Henna na nakalagay sa batok ko, pero hindi ko inaasahan na makikita mo yun dahil nakalugay ang aking buhok noong nagkita ulit tayo.Paalis na ako sa isang lugar na kung saan madalas tayo magkita tuwing Linggo. Pagkatapos ng preaching ng Pastor, nakikipag-usap ako sa mga kasama ko. Pag-lingon ko kasama mo ang kapatid mo at pinsan mo na ang turing mo ay barkada mo. Hindi kita masyadong pinansin noon kasi randam ko ang awkward na nangyari sa atin, isang taon na ang nakakaraan.
Kinamusta ako ng mga kasama ko.
Tulad ng inaasahan "ayos lang ako" yun ang sagot ko.
May mga nag-sasabi na mas gumanda ako.
Sa mga nakausap ko, walang nakapansin ng henna na nakalagay sa batok ko — ang araw ng kapakanakan ko.Inilagay ko 'to para ipaalala ang sarili ko na mahalin ko muna ang sarili ko at ipahinga ang puso ko. Isang taon na din ang lumipas nang makita ko ang sarili ko at malaman ko na hindi na pala ako masaya.
Sa muli nating pag-kikita pagkatapos ng isang taon, sa kabila nang pakikipag-usap mo sa mga tao sa paligid mo, napansin mo pala ang henna na nakalagay sa batok ko.
Napansin mo din ang mga kalungkutan sa mga mata ko sa kabila ng mga ngiti ko.
At napansin mo din ang maling numero na nabigay ko sa'yo noon.XVII