Fvck. Sira ang cellphone ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari, kanina lang gamit-gamit ko pero nung may napindot ako ayaw nang sumindi. Napabangon ako sa panic dahil naalala ko ang mga school papers ko baka mawala lang. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, dahil wala akong balak banggitin sa parents ko ang nangyari.Inilagay ko ang cellphone ko sa drawer ko at hinayaan ko lang. Makalipas nang dalawang oras ganun pa din. Naiinis ako dahil hindi lang sira ang cellphone ko kung hindi, may check-up pa ako dahil kaoopera ko lang, isang linggo na ang nakakaraan.
Bago kami umalis sinabi ko sa kapatid ko ang nangyari sa phone at nabanggit niya ang pangalan mo. Napapikit ako nung una kasi nahihiya ako, dahil sa nangyari. Pero nag-iwan naman sa akin ng ngiti na walang dahilan kung bakit ko nagawa yun.
Hiniram ko ang cellphone ko sa Nanay ko, tsaka ko kinuha ang number mo sa kapatid ko. Paano nga ba kita ite-text? Saan nga ba ako mag-uumpisa? Formal ba ang gagawin ko? Nakailang-type ako sa mga keypad at naka-ilang pindot ako sa delete. Sinubukan kong ic-construct ang sentence ko sa paraan na masasabi ko ang dapat kong sabihin.
Nag-text ako sa'yo ng umaga, hinintay ko ang reply mo. Para akong tanga na kinakabahan sa reply mo. Excited ako sa reply mo, maski ang sagot lang naman ay posibleng Oo at posibleng Hindi. Bawat tunog ng phone na hiniram ko sa Nanay ko, agad-agad ko namang kinukuha ito. Sa ilang oras na pag-hihintay ko ng sagot mo. Natanggal ni 8080 ang nararamdaman ko sa pag-reply mo.
Pauwi na ako galing sa hospital na kung saan ako inoperahan. Hindi ko ginalaw ang cellphone na hawak ko, hanggang sa makasakay ako ng bus.
1 new message.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan mo, agad-agad kong pinindot ang read button. Nang nabasa ko ang sabi mo napangiti ako dahil tama ang spelling ng pangalan, at syempre mas napangiti ako dahil pumayag ka na gawin ang cellphone ko. Tinanong sa akin ni Mama kung bakit ako ngumingiti, ang sabi ko naman "Wala lang."
Kinabukasan, dumeretso ako sa inyo. In-explain ko kung ano ang nangyari, feeling ko tuloy non, parang nagre-report ako sa isang pulis. Napaka-detalye nang kwento ko tungkol sa pangyayari na 'yon. Pero sinigurado ko talaga 'yon, para di ako ma-destruct sa half-naked mong hitsura.
Mabuti nalang hindi ako namula, kasi nangingibabaw pa din sa isip ko kung naligo kana ba o hindi dahil sa tuwalya na nakalagay sa balikat mo. Inabot ko na ang cellphone ko tsaka ka umupo. Maglalaro ka nga pala kasi ng Pokemon Go.
Aaminin ko kumunot ang noo ko dahil ngayon lang ako nakakita na naglalaro ng Pokemon Go na nakaupo at nasa tapat ng laptop. Kaya di ko din napigilan na sabihin na sa lahat nag-lalaro ng Pokemon Go ikaw ang naiiba. Tinanong pa kita kung bakit di ka man lumabas, natawa ka sa sinabi ko. Doon ko narealized na umandar naman ang bibig ko. Pero hindi ako nag-sorry, kasi totoo naman ang sinabi ko, pero nagpa-thank you naman ako dahil sa pag-payag mo na ayusin ang cellphone ko.
Ilang araw din ang lumipas, bago ka mag-text tungkol sa cellphone ko. Siguro dahil busy ka din sa pag-aaral mo, alam ko naman na nag-aaral kaso hindi ko alam kung ano ang kurso mo. So, ayun na nga nag-text ka sakin na ayos na ang cellphone ko. Pero nag-decide ako na kunin nalang kapag umuwi ako dahil nasa boarding house ako. Gabi noon, nung tinext mo ko.
Natutuwa ako dahil ayos na ang cellphone ko, pero mas natatawa ako dahil pati ang wallpaper ko na Spongebob napansin mo. Ang cute 'no? Nagtaka ka din siguro kung bakit hindi ko wallpaper ang mukha ko.
Bigla kong naalala na kailangan ko ding iformat ang phone na 'yon dahil gusto ko lang. Tinanong mo pa ako kung sigurado ako. Ang sagot ko:
Oo, sigurado na ako. Gusto ko nang makalimot.