Strongly Agree. Agree. Neutral. Disagree. Strongly Disagree.
Mga choices 'yan sa Survey Questions na ginawa ko para sa final requirements ko sa major subject. Pagkatapos mong gawin ang cellphone ko, nag-text ulit ako sa'yo na gagawin kitang respondents sa survey na 'yon. Agad-agad ka naman nag-reply at nag-sabi ng Oo.
Nagpa-sama ako sa kapatid ko para maibigay sa'yo yung survey na 'yon, mabuti nalang at may kasama ka sa inyo at mabuti nalang may tee shirt kanang suot. Pinasagot ko na din ang mga kasama mo, kasi sayang naman ang pag-upo nila, kaso bigla silang umalis ang masaklap pa, nakalimutan kong mag-pakuha ng litrato para sa Appendices ko.
Ikaw nalang ang huling sumasagot, hindi ko alam kung bakit ang bagal mong sumagot. Tinitignan kita habang nagche-check ka, para kang nage-exam dahil sa ekpresyon ng mukha mo na para bang paulit-ulit mong binabasa ang bawat statements na nakalagay doon. Napansin ko na din na natigil sa number five na may porn na nakasulat. Inaamin ko, binantayan ko ang magiging sagot mo.
At bago ako umuwi ng bahay, tinanong kita kung pwede tayo magpa-picture. Nagulat ka, kasi sabi mo di ka pa naliligo. Natawa lang ako sa dahilan mo kaya pinaliwanag ko na para sa Appendices ko 'yon. Tumago-tango tsaka ka pumayag.
Ang una nating picture together. Naka-school uniform ako at halatang-halata ang eyebags ko, katabi kita na halata ding di ka pa naliligo. Naka-saad sa appendices ang una nateng naging litrato na naka-print pa sa isang bond paper, at napunta pa sa prof ko.
Unang litrato naten na kasama appendices na makikita ang mga ngiti naten, sa mga ngiti na dala-dala pa naten hanggang ngayon.