Ano ba 'tong My Day na'to? Tanong ko sa sarili ko. Sa totoo lang naninibago ako sa messenger dahil hindi ko naman masyadong ginagamit ang app na'to. Madalas kasi SMS pa din ang gamit ko. Ang saya kayang mag-text.
Dahil nacurious ako sa pakulo ng messenger na'to, nag-try ako. To be honest, medyo epic ang naging result ng My Day ko dahil ang nagawa ko ay selected ang mga tao na makaka-view neto. Naenganyo naman ako kaya ayun view lang nang view ng My Day. Hanggang sa napunta na sa My Day mo.
Nakita ko sa My Day mo ang puro building, tapos sky, may puno din syempre. Tsaka ko nakita ang reply sa baba, kaya tinanong kita kung saan 'yon. Paano nga ba kasi kita tinanong? Sa pagkaka-alam ko ganito: "Kuya, saan 'to?"
Nakaka-amazed ka kasi ang bilis mong mag-reply. Ang sabi mo sa Ayala, Makati 'yon. Kasunod 'non ang tanong ko kung anong ginawa mo doon, akala ko mamasamain mo ang tanong na 'yon pero sinagot mo naman yon, ang sabi mo naghahanap kayo ng kasamahan mo kung saan pwedeng mag-intern.
Kaya ang reply ko ay thumbs up nalang.
Sa totoo lang hindi ko alam kung kakamustahin ba kita o hindi. Pero nagulat ako nang nag-chat ka sa akin.Madaling araw na 'non at naghahanda ako para sa pag-pasok ko, biya-biyahe pa kasi ako. Kinamusta mo ako, at natuwa naman ako dahil hindi ako ang unang magcha-chat. Sinagot ko naman ang tanong mo, tsaka ko binalik sa'yo. Sabay ko na din tinanong kung bakit gising ka pa ng alas-4 ng umaga.
Ang sagot mo saken kasi inaayos mo ang laptop mo at hindi ka pa natutulog. Kaya naman nagtaka ako hindi ko din napigilan ang sarili ko na tanungin ka kung may insomnia ka. Dahil, ayoko nang makipag-deal sa may mga insomnia na lalaki.
Pero ang sagot mo ay: Wala, sadyang hindi ka lang makatulog kasi inaayos mo ang iyong laptop.
Hindi ko din alam kung ano ang trip mo kasi nag-puyat ka para ayusin ang laptop mo, dahil hindi ka makatulog?
My Day: Ang araw na kung saan natuto ako kung paano mag-post ng My Day at dahil sa isang My Day, nag-umpisa na naman ang isang taong natigil na ating pag-uusap.
At dahil sa My Day na 'yon napansin mo din ang mga hugot-hugot ko.
At dahil sa My Day, ito ang ginagawa nating dahilan para makapag-usap.