Mica POV
Hinubad ko na yung damit at short ko para magpalit nang kinuha kong pantulog
Nang susuotin ko na yung pajama
"Mica kakain na"-sabi ni Jake
Kaya napatingin ako sa may pinto
At nakita ko si jake na kakapasok lang
O_O
Nanlaki naman ang mata nito habang naka tingin sa akin
Tinignan ko naman ito nang nagtataka
"Bakit"-nagtataka kong tanong
Tumalikod naman ito sa akin
"Isarado mo naman yung pinto may kasama kang lalaki dito"-sabi nito habang naka talikod
Kaya tumingin ako sa katawan ko na naka underwear habang naka suot yung isang paa ko sa pajama
Ahh kaya pala
"Para yun lang"-sabi ko dito at sinuot na ang pajama at damit ko
"Paano kung marape kita"-sabi nito
Tumaas naman ang isa kong kilay
"Okay lang pogi naman ang mang rarape sakin"-malambing at pilya kong sabi saka lumapit sa kanya saka sya niyakap
"Tumigil ka nga kababae mong tao ihh"-pag sasaway sa akin nito
Tumawa naman ako"Okay po"-sabi ko dito
Pumunta naman kami sa kusina
Kaya bumitaw na ako kay jake at umupo sa upuan
Parang nakaramdam na ako ng gutom
Kaya sumandok na ako ng ulam at tinikman yung sabaw
"Wow ang sarap naman nito"-sabi ko
Kaya nagsimula na akong kumain ganun din naman sya
"Oo nga pala jake ano yung tawagan natin"-bigla ko nalang natanong
Nasamid naman ito kaya kumuha ako ng tubig at ibinigay sa kanya
"Bakit mo naman natanong"-sabi nito ng maka inom na ng tubig
"Diba mag nobya/nobyo tayo at dapat may tawagan tayo?"-sabi ko dito at kumain na ulit
"Mahal ang tawagan natin"-sabi nito at kumain narin
Hmmm Mahal sounds good
Nang matapos kaming kumain ay nag prisinta ako na ako na yung mag huhugas ng pinggan
Pumayag naman ito at pumunta na sa kwarto
Kaya sinimulan ko nang hugasan ang pinggan
Habang naghuhugas ako ay biglang dumulas yung basong hawak ko sa sahig kaya nabasag ito
Agad ko namang pinulot ito
"Aww"-daing ko dahil nahiwa yung daliri ko
Jake POV
Habang nasa kwarto ako ay may narinig akong may nabasag
Kaya agad akong tumayo at pumunta sa kusina
Nakita ko naman si Mica na nagdudugo ang daliri at may mga basag na baso
Agad naman akong lumapit dito at hinawakan ang kamay nito dahil hahawakan nanaman nya
yung basag na baso"Sabi ko naman sayo ako na ih"-sabi ko dito at itinayo siya
"Kaya ko naman ah"-sabi nito at tumingin sa akin
Umiling nalang ako at hinila na sya papunta sa kwarto dahil nagdudugo yung daliri nya
Pinaupo kanaman sya sa kama at kumuha ng isang band aid at bulak saka alcohol
Bumalik naman ako sa kama at umupo sa tabi nya
"Bakit kasi hindi ka nag iingat"-sabi ko dito
Nakatingin lang ito sa akin at hindi nagsasalita
"Sorry Mahal"-malambing na sabi nito
Napahinga nalang ako ng malalim ng banggitin nya ang 'Mahal'
Bakit ba binuhay ko sya sa katauhan ng dati kong Kasintahan na matagal ng namatay
"Uyy Mahal galit kaba"-rinig kong sabi nito
Kaya na balik ako sa realidad
Umiling lang ako para sabihin na hindi ako galit
"Galit ka yata ih"-pagkukulit nito sa akin
Matapos kong linisin at lagyan ng band aid yung sugat nya ay niligpit kona yung ginamit ko at pumunta sa kusina para linisin ang mga nagkalat na bubog
"Uyy Mahal pansinin mona ako oh"-sabi nito habang kinukuhit yung likod ko
Hindi ko naman ito pinansin at nilinis na ang mga bubog sa sahig at itinapon sa likod ng bahay
Nakasunod lang ito sa akin na kinukulit ako pero hindi ko parin ito pinapansin
Gabi na at inaantok na ako
Dumaretsyo ako sa kwarto at kumuha ng damit saka nag bihis
Kinuha ko rin ang isang kumot at panlatag sa cabinet
Doon ako matutulog sa sala
"Teka saan ka pupunta"-pag tatanong nito sa akin
Hindi ko ito pinansin at palabas na ng pinto ng higitin nya ang isa kong kamay kaya nabitawan ko ying kumot at panlatag
Napahiga ako sa kama dahil itinulak ako nito pahiga saka pumatong sa akin
Shit ano bang ginagawa nito
"Saan ka pupunta?"-pag tatanong nito sa akin
"Sa sala doon ako tutulog"-sabi ko at itutulak ko sana sya pahiga ng hawakan nya ang dalawa kong kamay
"No hindi ka doon tutulog...dito ka matutulog katabi ko"-sabi nito
"Ano bang sinasabi mo"-sabi ko dito at nag pupumiglas
Pero malakas pala ito dahil mas diniinan nya ang pag kakasandal ng kamay ko sa kama
"Bakit wala namang malisya diba please tabi tayo hindi ako sanay"-sabi nito sa akin na hindi parin binibitawan ang kamay ko
Napahinga nalang ako ng malalim
"Sige pero bitiwan mo muna yung kamay ko"-sabi ko dito
Binitiwan nya naman ang kamay at umalis na sa pagkakapatong sa akin
Kinuha ko na yung kumot at panlatag na nasa sahig at binalik sa cabinet
Humiga na ako sa kama at tumalikod kay Mica
Hindi naman pwedeng sa kanya ako naka harap lalo na at buhay na buhay ang alaga ko
Naramdaman ko naman na yumakap ito sa akin
Tatanggalin ko na sana ito ng mas lalo nya itong hinigpitan kaya pinabayaan ko nalang ito at pumikit
*Block out*
BINABASA MO ANG
Remember the King of Badboy(Complete)
Romance"Shit France"-rinig kong sigaw ni vince Nang hihina akong tumayo dahil ang sakit ng likod ko tumama ito sa metal Agad naman akong tumayo kahit masakit ang likod ko Hahawakan na sana ang kamay ko ni Vince nang makarinig ako nang pag sabog sa likod...