Chapter 30

1.3K 24 0
                                    

Yhassie POV

*4 Months later*

4 na buwan ang nakalipas at marami naring nangyari
Si liam at si Jane official na mag gf/Bf ganun din si Mitch&Ken at si Zyrus&Lucy at si Mr,Yu ay nakulong pero hindi nag tagal ay nabaliw ito kaya nasa mental na sya at si Tita At Tito nalaman ko na ako pala talaga ang ipapakasal kay vince tapos si Jake ay sa bahay narin nila tito nakatira dahil kapatid pala ito ni vince

Nakalipas na ang 4 na buwan at narito ako sa hospital habang hawak hawak ang isang kamay ni Vince

Tumulo nanaman ang isang luha mula sa mata ko

4 na buwan na ang nakalipas at hindi parin nagigising si Vince

Ako lang ang narito

Bukas na ang 18th Birthday ko at hindi manlang ako masaya dahil narito si Vince sa Hospital at wala kaming ideya kung kailan ito magigising

"Vince gumising kana birthday ko na bukas"-mapait na sabi ko at pumatak nanaman ang isang butil ng luha sa pisngi ko

"Lord tulungan nyo naman ako kahit ngayong birthday ko pagbigyan nyo ang hiling ko"-mahinang bulong ko

Narinig kong bumukas ang pinto

Kaya agad kong pinahiran ang luha ko at lumingon doon sa bagong dating

Nakita ko si Tito at Tita na mga nakangite
Sila ang mga magulang ni vince nalaman ko rin na ako pala yung tinutukoy ni tita na ipapakasal kay vince dati noong panahon na sinampal ako nito

"Oh ija magpahinga kana 18th Birthday mo bukas dapat mong pag handaan yun"-sabi ni tito

"Sige po Tita at Tito uuwi na po ako"-sabi ko at tumayo saka ngumiti

"Oh sige mag iingat ka sa pag uwi"-sabi ni tita

Tumango lang ako at lumabas na ng pinto

Gusto ko muna mag pahinga dahil birthday ko bukas

Vince POV

Iminulat ko na yung mata ko ng narinig kong bumukas yung pinto

"Kaylan moba balak sabihin sa kanya anak"-sabi ni Mom at umupo sa sofa

"Gusto ko syang isurprise bukas Mom"-nakangite kong sabi at umupo

"Hayy naku vince"-sabi ni Dad at umiling iling

Ibinigay naman sakin ni Mom ang dala dala nya

"Oh kumain kana vince dahil lalabas kana mamaya"-sabi ni Mom at ibinigay sa akin yung isang mangkok nang pagkain

Isang linggo na akong gising
Nagpapanggap parin akong comatose para sa birthday nya

Gusto ko syang supresahin

Nakangite ako habang kumakain

Remember the King of Badboy(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon