Chapter 29

1.3K 24 0
                                    

Yhassie POV

Hindi na ako nakapag pigil sa galit na nararamdaman ngayon

Kaya lumabas ako sa tinataguan ko

Nagulat naman sila ng makita ako

Pinindot ko naman ang ang nasa tenga ko

"Patayin nyo sila"-cold na sabi ko at tumingin kay Cassandra

"Nagulat ba kita Cassandra"-mapang asar na sabi ko dito

Maraming bantay dito sa loob at mga armado at nakatutok iyon sa akin

At sabay sabay silang sumugod at pinaputukan ako kaya maliksi akong umiwas sa mga bala at pinaputukan din sila

Maya maya hingal na hingal akong tumayo dahil ang dami ko ng napatumba

Agad kong binuot ang isang dagger at inihagis sa pwesto ni Mr,Yu

Natumba naman ito sa sakit dahil bumaon yung dagger sa hita nito

Lumapit ako kay Vince at kinalagan ito

Nakita ko naman si Cassandra na tumakbo kaya mabilis naman akong tumakbo at hinigit ang buhok ni Cassandra at kinaladkad saka iniumpog sa sahig

Hindi ko na kayang pigilin ang galit ko ngayon

Gusto ko syang patayin dahil sa mga ginawa nya at ng demonyo nyang ama sa pagpatay kay Abi

Iniumpog ko lang ito sa sahig hanggang sa dumugo na ang buong muka nito

"Ano masarap ba huh"-mala demonyong sabi ko dito

"T-tama na"-nahihirapang sabi nito

"Oh bitch kulang pa yan sa ginawa nyo kay Abi hinding hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa nyo sa kanya"-sabi ko dito at iuumpog ko sana ito ng biglang may yumakap sa likod ko

"Tama na yan yhassie"-medyo paos na sabi ni vince

Kaya natigilan ako at dahang dahang binitiwan ang buhok ni Cassandra

Itinayo naman ako ni Vince

"Sorry yhassie Dahil sinisisi kita na pumatay sa kapatid ko...hindi ko manlang inalam ang nangyari"-sabi ni vince at yumuko

"Ok lang ano kaba ang importante alam mo na hindi ko magagawa yun at ligtas kana"-sabi ko at niyakap naman ako nito

Vince POV

Habang yakap ko si yhassie ay nakita ko naman na tumayo si Cassandra at may binunot

Isang baril at itinutok iyon kay yhassie

No hindi

Bago pa man maiputok ni Cassandra yung Baril ay agad kong hinigit si yhassie dahilan para mag palit ang pwesto namin

*Bang*

Umalingawngaw ang isang putok at pagsakit ng aking likod

Yhassie POV

*Bang*

Umalingawngaw ang isang putok

Kaya napatingin ako sa kamay kong may mga dugo at nagulat ako ng biglang sumuko ng dugo si Vince at natumba

"NOOOOO"-sigaw ko at pumatak ang nga luha ko

Binunot ko yung baril at pinaputukan si Cassandra ng sunod sunod

Sumusuka naman ito ng dugo pero hindi ko sya tinigilan

Natumba naman ito kasabay ng pagka ubos ng bala ng baril ko

Nang maubos yung bala ko ay agad akong lumapit kay Vince at hinawakan ang kamay nito

"Please Vince lumaban ka please para sa akin"-sigaw ko

Hinawakan naman nito ang muka ko

"I-ingatan mo a-ang s-sarili m-mo m-mahal n-na m-mahal k-kita"-nahihirapang sabi nito at ngumiti

Pumatak na ang mga luha sa mga mata ko

"No please vince wag mo akong iwan dadalhin kita sa hospital lumaban ka vince"-sabi ko at pilit na binubuhat ito

Nakita ko naman na lumapit sa akin sila Kira

"Tulungan nyo ako dalhin natin sya sa Hospital"-sigaw ko

Kaya agad naman nila akong tinulungan na buhatin si Vince

Nang makalabas kami ay agad kaming sumakay sa van at agad na pinaharuruot ni Zyrus

"Lumaban ka vince"-sabi ni Ken

"Kaya mo yan pre"-sabi naman ni liam

Maya maya pa ay nakarating kami sa Hospital kaya agad naming ibinaba si Vince at isinakay sa stretcher at agad na inasikaso ng nurse papuntang ER

Napa upo nalang ako sa labas ng ER

Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Vince

"Kasalanan ko ang lahat ng ito"-sabi ko at tumayo saka sinuntok yung pader

"Ano ba tumigil kana yhassie walang may kasalanan"-sabi ni mitch at niyakap ako

Ganun din sila lucy

"Makakaligtas si Vince magtiwala ka"-sabi ni kira at niyakap ako

Nakita ko naman sila zyrus na may kausap sa Cellphone

Napahagulgol na lang ako at umupo sa upuan

Nakakainis naman ih bakit ba ganito ang tadhana ko
Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito

*Fast Forward*

Maya maya lumabas ang doctor

"Nasaan ang parents ng Patient?'-tanong ng doctor

"Ako po ang girlfriend ng patient"-sabi ko

"Tatapatin na kita Miss pero malala ang natamo nito at malaki ang porsiyento na ma comatose ang patient"-sabi ng Doctor

Para naman akong binuhusan ng  malamig na tubig

"Gawin nyo po ang makakaya nyo doc"-rinig kong sabi nila Liam dito

Nakita ko naman na bumalik sa loob ng ER yung doctor

Nag unahan namang bumagsak ang luha ko at napaupo ulit sa upuan

"Ok lang yan magiging maayos din si vince"-sabi ni shane at hinagod ang likod ko

Napahagulgol nalang ako sa kanila

Agad naman nila akong niyakap

Remember the King of Badboy(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon