Chapter 27

1.2K 17 0
                                    

Yhassie POV

Natapos ang mag hapon na ang kasama ko ang kaybigan ko at si vince ay ang mga kaybigan nya at si Cassandra a.k.a Slut

Hapon narin at uwian na pinauna kona umuwi sila jane para makapag palit

Naka Motor ako at balak kong pumunta sa Locker para magpalit dahil may riot kami ngayon

Hindi pa namin alam kung sino ang makakalaban namin

Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi sinasadyang makita ko si Vince at Cassandra na naglalandian

Nakasandal si Cassandra sa pader habang si vince ay nakatuon ang dalawang kamay sa pader dahilan para makulong si Cassandra sa mga bisig nito at parang biglang nag slow motion ang lahat

Dahil unti unting nilapit ni vince ang muka nya kay Cassandra at nag lapat ang mga labi nila

Parang gusto kong makapatay  ngayon

Parang gusto kong magwala at pakiramdam ko ay nag iba nanaman ang kulay ng mata ko

Umalis na ako sa hallway at dumaretsyo sa locker para magpalit baka kapag nanatili pa ako doon ay baka kung ano pa ang magawa ko

Vince POV

Nakita ko naman sa hindi kalayuan si Yhassie kaya agad kong hinila si Cassandra at isinandal sa pader at itinuon ang mga kamay ko sa magkabila ng ulo nito

Saka dahan dahang inilapit ang muka ko sa muka nito at naglapat ang labi namin

Labag man sa loob ko na gawin kay Cassandra  yun pero dahil sa puot at galit na nararamdaman ko ay hindi ko mapigilan lalo na sa mga narinig ko mula sa kanya

Na kahit konti ay hindi pala ako nito nagawang mahalin at pinaglalaruan nya lang ako

Nakakainis bakit ba ako ganito kaapektado sa kanya ngayong alam ko na sya ang pumatay sa kapatid ko

Nakarinig ako ng mga footsteps papalayo kaya umalis ako sa posisyon namin ni Cassandra at walang emosyon na naglakad

Kaylangan kong maghanda dahil may laban kami mamaya siguro sa kalaban ko nalang ibubuntong ang galit ko

Yhassie POV

Narito na kami ng kaybigan ko sa  Arena at iniintay lang na dumating ang makakalaban namin

Nagpaalam muna ako na iihi dahil nakakaramdam ako ng tawag ng kalikasan

Habang nasa Cr ako ay rinig ko ang mga sigawan sa labas

Siguro ay nasa Battle stage na ang makakalaban namin

Hindi na ako nag abala pang mag suot ng Maskara ngayon dahil alam narin naman nila kung sino talaga ako

Agad ko naman inayos ang sarili ko

Nakasuot ako ng maikling short at kulay Gray na sando na may tatak ng Blood Roses at naka leader jacket at naka black boot's

Naglakad na ako palabas ng Cr at parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko para bang may mali

Nang makabalik ako ay pumasok na ako sa Battle stage dahil naroon narin sila Mitch katulad ko ay wala din silang maskara

Nakita ko naman ang 4 na lalaki siguro sila ang makakalaban namin mga nakatalikod sila sa amin kaya hindi ko malaman kung sino sila pero para bang familiar silang lahat

"Lady's and Gentleman ngayon ang mainit na gabi sa gabing ito ay walang rules na mangyayari dahil ngayong gabi ang kauna unahang maglalaban ang Blood Roses at Ang Dark Angel"-sabi ng Mc

Nagsigawan naman ang lahat para namang nabingi ang tenga ko sa narinig ko Dark Angel ibig sabihin sila ang makakalaban nakin

Humarap naman yung 4 na lalaki

Nanlaki ang mga mata nila ng makita ako

Wala silang maskara katulad namin

Napasmirk ako ng makita ko ang gulat na muka ni Vince

"K-kayo"-utal na sabi ni ken

"Babe"-sigaw ni lucy

"Teka ikaw lucy"-hindi makapaniwalang sabi ni zyrus

Third Person POV

Habang gulat na gulat ang grupo ni Vince at Ni yhassie sa mga nalaman nila ay meron namang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanila

"Ganan nga mag away kayo at hindi magtatagal ay magiging akin karin Vince"-bulong nito sa sarili at tumawa ng malakas n akala mo ay demonyo

Vince POV

Bahagya akong nagulat dahil blood roses pala ang makakalaban namin

"Pre ayoko na susuko na ako"-sabi ni liam

"Ako din ayokong saktan ang Babe ko"-sabi ni Zyrus

"Me too ayokong masaktan ang mahal kong si Jane"-sabi nito

Napahinga nalang ako ng malalim

Sabagay tama sila kahit ako ayokong lumaban ayokong saktan si Thassie kahit na galit ako sa kanya ay mahal ko parin sya

Napahinga nalang ako ng malalim at tinaas ang kamay na nagpapahiwatig na sumusuko na ako saka tumalukod na

Maglalakad na sana ako palabas ng may biglang tumawa

"Oh bakit naduduwag kaba Vince  hindi pa nag sisimula ang laban sumusuko kana"-cold na sabi ni yhassie

Lumingon naman ako sa kanya

"Ayokong lumaban"-sabi ko at lalabas na sana ng Battle stage ng mag salita ito

"Oh bakit naman diba ako ang pumatay sa kapatid mo at pagkakataon mo na ito para makapag higante"-malumanay na sbi nito

Parang biglang nagpintig ang tenga ko sa narinig ko at marahas na tumingin sa kanya

"Ganyan nga Vince magalit ka kamuhian mo ako"-nakangite nitong saad

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya at bumulong

"Makikipag laban ako sa paraang masasaktan ka talaga"-cold na sabi ko dito at naglakad na paalis

"Talo kami kaya sila na ang panalo"-sabi ko doon sa Mc bago ako bumaba ng Battle stage

Someone POV

"No bakit hindi sila naglaban ahhh nakakainis dukutin nyo si Vince at dalhin sya sa Hide out at gawin syang pain para mapatay ko ang pesteng si yhassie"-sigaw ko sa mga tauhan ko

Agad naman silang umalis

Ngayon hawak na kita sa leeg yhassie at sisiguraduhin ko na ako ang mananalo sa larong ito

Tumawa ako ng malakas sa naiisip ko

Remember the King of Badboy(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon