Chapter 2

1.8K 36 0
                                    

*1 month later*

Jake POV

Isang buwan

Isang buwan na ang nakalipas ng matagpuan ko ang babaeng ito at hanggang ngayon ay wala parin akong alam at hindi ko rin alam kung tagasaan sya kung may pamilya ba ang nag hahanap sa kanya at hanggang ngayon ay wala parin syang malay

Magaling na lahat ng sugat nito at wala naring mga peklat dahil pinapahiran ko ito ng Sebo de Macho

Isang buwan narin na hindi ako lumuwas ng Manila dahil sa babaeng ito

Trabaho at bahay lang ako

Hindi ko naman pwedeng pabayaan ito dahil na guguilty ako baka may mangyare sa kanya kapag lumuwas ako ng manila para mag aral

Nag eextra ako sa pagbubuhat sa palengke sa umaga pagdating ng tanghale uuwi ako dito sa bahay para linisan ng sugat yung babae tapos babalik ulit ako sa bayan para mag trabaho naman sa restaurant bilang waiter 3 oras yun tapos pupunta pa ako sa isa kong trabaho para mag deliver ng mga Beer sa mga tindahan

Sa isang buwan na puro ganon masasabi ko na sobrang hirap at ang sakit sa katawan pero naka ipon narin ako at naibili ko na ng mga damit,short at underwear ang babaeng ito

Kasi hindi naman pwede na gamit nya lagi ang damit ng inay ko

Hindi muna ako pumasok sa trabaho para maka pag pahinga muna at mabantayan ko itong babaeng ito

Lumabas muna ako para mag sibak ng kahoy hapon narin kaya hindi na mainit dito sa bundok

Hinubad ko naman yung suot kong damit dahil hindi ako kumportable na may suot na damit

Habang nag sisibak ako ay may narinig akong tumili mula sa loob kaya agad akong tumakbo papasok ng bahay

Remember the King of Badboy(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon