Chapter 24

1.2K 19 0
                                    

Vince POV

Narito parin ako sa Bar at kasama ko na ngayon sila Ken dito

Pinipigilan naman nila akong uminom pero hindi ko sila pinapansin

Nakaka 3 bote na ng beer ako pero hindi pa ako nalalasing

Narinig ko naman ang pag bukas ng pinto kaya napatingin ako doon

Nakita ko ang babaeng ayoko pang makita ngayon

Parang bumalik nanaman ang alaala ng muka ng kapatid kong si Abi bago malagutan ng hininga

Nanlilisik ang mata ko habang nakatingin kay France

Yhassie POV

Kakarating lang namin dito sa bar malapit lang ito sa University kaya dito nalang kami pumunta

Pagpasok namin ay nakita ko sila Vince na mga nakatingin sa amin habang naka upo malapit sa Bartender

Nagtama ang paningin namin ni Vince

Puot at galit ang makikita mo sa mga mata nito at nanlilisik habang naka tingin sa akin

Iniiwas ko naman ang tingin ko dito

"Doon tayo"-sabi ko kila Shane at itinuro yung dulong table

Tumango naman sila kaya naglakad na kami papunta doon sa table na napili namin

Nag suggest naman sila Kira at Shane na sila na daw ang oorder kaya tumango lang kami

Kahit tanghali palang ay marami naring tao dito sa bar kalimitan ay mga students ng AU

Napahinga nalang ako ng malalim

Ano bang problema ni vince bakit ganun nalang ang ibinibigay nyang tingin sa akin

Maya maya dumating na sila Kira dala dala ang dalawang bote ng whiskey

Natuwa naman kami dahil masarap sarap na inuman ito

*Fast Forward*

Naka 3 baso na ako at ang pakiramdam ko ay nag iinit ako tumutulo narin ang pawis ko mula sa noo kaya agad ko itong pinahiran hindi pa naman tumatama ang amats sa akin

Iinumin ko na sana ang isang baso ng whiskey ng may humawak sa kamay ko

Kinuha nito ang hawak kong baso at inilagay sa lamesa

Iniangat ko naman ang ulo ko
Nakita ko naman ang maitim na aura ni Vince

Sapilitan ako nitong hinigit

Nagpahigit lang ako dito hanggang sa makalabas kami ng bar at dinala ako nito sa likod ng bar hanggang sa pumasok kami sa gubat

Mariin naman akong isinandal ni Vince sa Malaking puno at sinuntok ang puno na nasa gilid lang ng ulo ko

Tinignan ko lang ito ng Bored look tss ano bang problema nya

"Ikaw ba ang pumatay sa kapatid ko"-diing sabi nito sa akin habang nanlilisik ang mata na nalatingin sa akin

"Ano bang sinasabi mo"-walang gana kong sabi dito at tinignan lang sya

"Ano ba yhassie wag ka nang mag sinungaling alam kong ikaw ang pumatay sa kapatid ko 3 years ago"-galit na sigaw nito

Nagulat naman ako sa sinabi niya ngayon nya lang ako tinawag sa second name ko at yung nangyari 3 years ago

"K-kapatid mo si A-abi?"-gulat na gulat kong tanong dito

"Ako nga!!!masaya kaba na pinatay mo ang kapatid ko at ngayon hindi kapa nakuntento plinano mo ang lahat ng ito"-galit na sabi nito habang naka tingin sa akin

Tumutulo ang mga luha nito

Hindi...Hindi ito totoo

Napailing nalang ako at nag simula naring tumulo ang mga luha ko

"Plinano mong mapalapit ka sa akin at para ano para patayin ako"-galit na sigaw nito sa akin

"Hindi totoo yan"-halos pabulong na sabi ko habang tumutulo ang luha ko

"Wag ka nang mag kaila yhassie bakit hindi mo nalang aminin na wala ka talagang amnesia dahil nasa plano mo ito at ano gusto mo din akong patayin"-sabi nito sa akin

Umiling lang ako sa mga sinasabi nya sa akin

"Hindi totoo yan mahal kita at totoong may amnesia ako at hindi ko intinsyon na saktan ka"-sigaw ko dito habang umiiyak

"Ano ba wag kana mag sinungaling pa wag kanang umaktong magsinungaling dahil kitang kita ng dalawang mata ko yung mga mata mo kanina na Red at Blue at yung naka maskara na kaparehas ng kaparehas ng pumatay sa kapatid ko"-mahabang sabi nito

"No hindi ko magagawa yun kay Abi kaya kong ipaliwanag sayo ang lahat"-sabi ko at hahawakan ko na sana sya ng tabigin nito ang kamay ko

"Wala ka nang dapat pang ipaliwanag sa akin at mula ngayon wag na wag ka nang lalapit sa akin at mula ngayon ay wala ng tayo"-sabi nito at iniwanan ako dito habang naka tulala

Napaupo nalang ako sa mga dahon dito sa gubat at paulit ulit sa akin ang salitang

'Wala ng tayo'

'Wala ng tayo'

'Wala ng tayo'

Parang nag eko naman sa utak ko ang sinabi nya

Bakit ganito bakit kahit hindi ko sya naalala nasasaktan ako sa sinabi nya na 'wala na tayo'

Maya maya nang maka recover ako ay napag pasyahan ko nalang umuwi sa Condo ko

Remember the King of Badboy(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon