Chapter 20

1.3K 19 0
                                    

Yhassie POV

Maya maya pa ay tumigil ang mga naka maskara na kulay blue sa malapit sa motor ko at bumaba silang lahat

Sa tingin ko ay nasa 10 sila

Napa smirk nalang ako dahil maganda gandang mag practice kapag marami

"Nawala"-sabi ng isang lalaki

"Narito lang yun"-sabi ng isang lalaki na bumunot ng baril

"Pag nakita nyo sya patayin nyo"-sabi ng isang lalaki

At naglakad sila kaya tumalon ako sa baba

Wala namang ingay ang pag baba ko kaya hindi nila ako napansin

"Ako ba hinahanap nyo"-sabi ko sa kanila at ngumisi

Lumingon naman silang lahat sa akin

May dala silang tubo at yung iba dagger at baril

Inaantok na ako kaya bago pa man maibaril ng isa yung hawak nyang baril ay walang kahirap hirap akong nakalapit sa kanya at kinalas ito

Ganun din ang ginawa ko sa ibang baril

Mga naka tulala silang lahat kaya pinag sisipa ko sila sa sikmura kaya namilipit sila sa sakit

Naramdaman kong may nakatutok na baril sa ulo ko

"Sige gumalaw ka at sabog ang bungo mo...itaas mo ang kamay mo"-sabi nang nasa likod ko

Kaya dahan dahan kong itinaas ang kamay ko

Agad naman akong lumilis at hinawakan ang kamay nya

Kaya sa kasama nya naipuyok yung baril

Napasigaw naman yung kasama nya

Nakipag agawan ako sa kanya
Pero ayaw nya magpatalo kaya sinipa ko yung sikmura nya

Kaya nabitawan nya naman ang baril

Kaya ngayon hawak ko na yung baril

Pinaputukan ko naman sya sa mga hita nya

Kaya napasigaw ito sa sakit

May mga susugod pa sana kaso pinaputukan ko sila sa kanilang mga hita at braso

Naramdaman ko nalang na may mahapdi sa tagiliran ko

Pagtingin ko ay umaagos na yung dugo at may hiwa

Kaya lumingon ako sa likod at hindi nag dalawang isip na binaril ito sa ulo

Tsk bwisit may sugat tuloy ako
Haystt

Agad naman akong sumakay sa motor ko at pinaharurot ko ito

Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ng ganito

Kaya napag desisyunan kong sa condo ko muna ako uuwi

Meron akong condo
Binili ko ito last year bihira ko lang itong puntahan dahil nga sa parents ko baka magtaka sila kung bakit lagi akong wala

Nang maka rating ako sa condo ko ay agad kong ipinarada ang motor ko at agad na pumasok sa loob ng elevator dito sa may parking lot

Agad kong pinindot ang 4th Floor

Ito yung inuupahan din ni Vince at ni Jake nasa no.23 ako isang kwarto lang ang pagitan ko sa kanila

Nanghihina na ako at ang dami naring dugo ang nawawala sa akin

Vince POV

Nakasunod lang ako sa leader ng Blood Roses may gusto lang akong ikumpirma sa kanya

Nakita ko lahat pati ang mga nangyaring eksena sa park nakita ko yun at nakita ko rin na may hiwa sya sa tagiliran nya

Kaya naka sunod lang ako dito

Hanggang sa pumasok ito sa parking lot

Napatingin naman ako sa building

Teka dito rin yung condo ko ahh

Agad nitong ipinarada ang motor nya ganun din ako

Pumasok ito sa elevator

Kaya agad akong lumapit doon

Sa 4th floor sya pupunta

Kaya agad akong pumasok sa kabilang elevator at pinindot ang 4th floor

1
2
3
4

*Ting*

Bumukas na yung elevator at nakita ko naman ang leader ng Blood Roses na naglalakad at naka hawak sa tagiliran na ang daming dugo

Habang naka sunod ako sa kanya ay matutumba na ito ng agad akong lumapit at sinalo ito

Wala itong malay kaya agad ko itong binuhat at dinala sa condo ko

Nang makapasok ako sa condo ko ay agad ko itong inihiga sa kama ko at kumuha ng First aid kit

At agad na lumapit sa leader nang blood Roses at

Hinubad ko ang suot nitong pang itaas

Suot suot parin nito ang maskara nya

Nang mahubad ko ang damit nito ay nagulat ako dahil nakita ko yung tatto na kaparehas nang kay France at malapit doon ang sugat nito

Medyo mahaba din yung hiwa nya sa tagiliran

Kaya agad akong kumuha ng bulak at alcohol at nilinis ang sugat nya at nilagyan ng betadine

Iniligpit ko naman ang mga ginamit ko sa kanya at kumuha ng damit ko sa closet

Agad ko namang isinuot sa kanya ang damit ko

Pinaltan ko rin ang pang ibaba nito

Napapalunok nalang ako dahil sa ginagawa ko

Nang maisuot ko na sa kanya ay tumayo na ako

Nag dadalawang isip ako kung tatanggalin ko ba ang maskara nya o hindi

Sa huli ay napag pasyahan kong tanggalin na lang yung maskara nya

Nagulat ako nang makita ko kung sino ito

"F-france"-bulong ko

Si France ang Leader ng BR hindi ako maka paniwala na ang girlfriend ko ang nangungunang Gang sa Gangster World

Napa upo nalang ako sa kama
Dahil hindi ako maka paniwala sa mga nangyayari

Kaya pala Queen ang tawag sa kanya ng mga kaybigan nya dahil sya pala ang matagal nang hinahanap ng nga sindikato para patayin

Kaninang sinusundan ko siya ay may sumunod din sa kanyang mga lalaki at mukang naka tunog ito kaya pumunta ito sa park at duon ito inatake

Haystt napahinga nalang ako ng malalim at humiga sa tabi nito at iniisip ko parin ang mga nalaman ko kanina

Maya maya habang iniisip ko parin ang tungkol kay yhassie ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako

*Block out*

Remember the King of Badboy(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon