May iibigin din kayong babae!
.
.
.
.
.Kinabukasan kinwento ko kay Yana ang nangyari sa akin kahapon, OA nga maka react eh. Sinabi ko rin may mga grupong pang kalaban ang mga knights pero para sa akin ay alam niya na. At sinabi ko rin sa kanya ang pinagsasabi ko sa Knights...
"What? Samantha, anong ginagawa mo?" sigaw niya sa akin.
"OA naman nito. Sinabi ko lang naman eh! Tsaka take note Yana, nakatunganga sila pagkatapos ko yun sinabi. Baka narealize nila na tama akong maghanap sila ng babae para matigil na ang kalokohan nila" pabilib kong sabi.
Napapout nalang si Yana.
"Pero Yana, impossible kayang ma inlove ang mga Knights?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo naman siguro na tao lang din sila, may mga puso. Siguro may panahon talagang nagkakagusto sila pero hindi nila pinapakita kasi nakakasira sa reputasyon nila. Ang alam kasi ng lahat na matapang sila at walang kinatatakutan pero lahat naman siguro tayo merong kinatatakutan, siguro sa kanila ay mga babae." pahayag niya.
"Pa'no naging weakness nila ang mga babae Yana, Ang babae pagdating sa lalaki nanghihina." Sabi ko naman.
"Kala ko ba wala kang alam sa mga pag-ibig na yan? Something fishy ka ngayon Sam ha" sabi niya at ngumiti lang ako.
Lumakad narin ako papunta sa next subject ko, Arts iyon kaya nasa college department pa. Dadaan ako sa likod ng aming building para hindi ako gaano masilayan ng araw. Sayang ang maganda kong kutis. HAHAHAHA Dadaanan ko rin ang likod ng Grade 12 building kaya medyo kinakabahan ako. Makikita ko na naman ang mga demonyo!
Fifteen minutes nalang ay magsisimula na ang klase namin sa arts. Habang lumalakad ay kinapa ko ang bag ko kung naroon lang ba ang materials ko para sa Activity namin. Crap! Wala ang materials ko dito, hinalughog ko ng mabuti ang bag ko para ma check ng mabuti bahala may nakakakita nang mga estudyante. Wala talaga.
Panigurado akong nasa Grade 11 room yun kaya doon ako pupunta ngayon. Tumakbo ako ng mabilis. Nang may mabangga akong tao, hindi ko kilala yun at hindi ko na aalamin kasi nagmamadali ako.
"Sorry po kuya"
Sabi ko patuloy takbo. Nang nakarating ako sa room ay wala tao kaya agad na hinanap ko ang materials ko. Mabuti nalang at nasa upuan ko lang. Thank you Papa G!
Ten Minutes more! Kaya pa ito kaya nagmamadali lang akong lumakad. Bitbit ko ang materials ko.
"Hi Ate!" sabi niya sabay kuha ng mga materials ko.
"Ate ka diyan? Mas matanda ka pa sa'kin! Akin nayan." sabay abot ng materials ko pero di ko maabot kasi matangkad tong lalaking to.
"Sinabihan mo akong Kuya kanina eh, kaya ate narin ang itatawag ko sayo" sabi niya.
Medyo naiinis na ako, "Ate your face! Sakin nayan sabi ehh, malalate na ako sa subject ko"
Patuloy ko pa ring inaabot ang mga materyales ko. "Nakakainis ka ha? Sa'kin na nga yan" Alam kong namumula na ang ilong ko dahil sa inis.
"Aar"
Napatigil ako sa ginawa kong pag-aabot ng mga materials ko at lumingon. Pati rin si Aaron ay napatingin din.
"Anong ginagawa mo Aar?" Tanong ni Lyster.
"Wala naman!" Sabi ni Aaron.
"Sa akin na nga to sabi kasi malalate na ako. Kainis kang Monggol ka, Feeling close," kunwari galit kong sabi sabay kuha sa mga gamit ko.
Umalis akong padabog sa kanila. Narinig ko ang kantsaw ng mga Knights kay Aaron dahil sa sinabi kong Feeling close. Buti nga sayong lalaki ka, nakakainis ka. Late na talaga ako nito.
BINABASA MO ANG
STUCK WITH YOU
Teen Fiction(Story Completed) Nagmahal ka na ba sa isang lalaki? Handa ka bang masaktan para sa kanya? Ano ang pipiliin mo, ang taong noon pa man ay gusto mo na o taong minahal mo dahil napapasaya ka niya? Subaybayan ang kwento ni Samantha, sa isang tagpo lang...