52: STUCK WITH YOU

147 14 0
                                    

One year after...

Nasa room ng hospital kami ni Zaza ngayon. Isang taon na siyang walang malay, isang taon ko na siyang hindi nakaka-usap. Graduating na ako, habang si Zaza kung magigising siya ay papasok pa lang sa grade 12. Hindi na rin niya nakitang nag-debut ako at hindi namin siya nakitang sumasayaw sa 18th roses niya.

She's my best friend cause that's my best friend's heart.

"Anak, sigurado ka bang dito ka lang  magco-college?" Tanong sa akin ni Mommy.

Kasama ko sina mommy, daddy, Sammuel, Lanze at daddy ni Zaza ngayon sa loob ng room.

"Yes po, hindi ko na po siya iiwan ulit." Seryosong sabi ko nang hindi sila tinitignan.

"Mas better doon sa U.S, nak." Sabi naman ni Daddy.

"Kami na muna dito, Yana. Magigising din naman siya, pero hindi pa siguro ngayon." Sabi ng daddy ni Zaza.

Bumuntong hininga ako, "Ayoko munang mag-aaral nang hindi siya gumigising." Walang gana kong sabi.

"Anak, alam mo namang ikaw ang magmamana sa kumpanya natin. Kailangan kang mag-aral," sabi ni Mommy.

Tumayo ako at nagpaalam sa kanila na kakain muna ako, sinamahan ako ni Lanze. Dumiretso kami sa pinakamalapit na cafè, si Lanze ang nag-order para sa amin at tahimik akong naghihintay sa kanya.

Na-miss ko rin si Marga:(

Simula nung aminin niya lahat ay hindi na namin siya nakikita. Alam na rin ng buong estudyante na hindi talaga siya si Zaza. Sabi ni Manang ay nasa Pilipinas lang naman si Marga, hindi nga lang nagpapakita kahit sa kanya. Alam kong hindi maganda ang huli naming pagkikita kaya nga gusto ko siyang makausap at mag simula ulit kami ng pagkakaibigan.

Natanaw ko na si Lanze na pabalik sa  table namin na dala na ang pagkain. We order some hawaiian pizza and iced tea. Napag-usapan namin ang tungkol sa pag-aaral ko. Gusto niya akong mag-aral sa U.S dahil mas maganda raw dun, nasa ROU pa rin siya nagco-college. He's taking Mechanical Engineering.

"Babe ano na? Pumayag ka na," sabi niya ulit.

"Pa'no bestfriend ko, babe?" Nag-alalang tanong ko.

"Nandito lang naman kami para sa kanya... Tsaka si Sammuel, nandun naman parati." Sagot nito.

"Baka nga hindi si Sammuel ang hahanapin niya. Ano ang sasabihin natin?" -Ako

"H-hindi ko rin alam," sabi nito.

Kumain na kami at inubos namin ang isang buong pizza, ganyan kami ka-buraot kung kumain. Nagpasya akong 'wag muna bumalik sa hospital at magpalipas muna ng oras. Wala kaming ibang ginawa kundi mag-asaran, kilalang pikon kasi si Lanze kaya ang sarap asarin.

"Kainis kana, Yana!" Sabi nito at tumawa ako ng malakas.

Parang pikon na 'to dahil hindi na niya ako tinawag sa endearment namin. Pumigil lang ako ng tawa nang  tumawag si Mommy.

MOMMY CALLING...

"Hello, anak?"

"Yes?"

"S-si Zaza... Bilisan niyo!"

Hindi ko na pinatapos si Mommy at tumakbo na ako palabas sa Cafè. Sinundan lang ako ni Lanze, hindi na ako nakapag-explain dahil kinakabahan ako para kay Zaza. Lumuluha akong pabalik sa hospital at dumiretso sa room niya. Tahimik ang labas ng room kaya napatigil ako.

No, this can't be happening!

Huminga ako ng maluwag bago pumasok sa loob. Naabutan pa ako ni Lanze pero hindi ko siya kina-usap. Pagpasok ko ay tahimik lang silang lahat, nang tinignan ko ang kama ni Zaza ay napahawak ako sa dibdib ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na talaga ako.

STUCK WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon