Ritz Samantha Tan Paraiso P.O.V
Nainis ako sa aking sarili. Dahil hindi pa din ako nakabawi sa naalala kong sitwasyon. Nadagdagan pa nung nag text si Sixth. Kung patuloy ko siyang pinapansin o papansinin ay masasaktan lang ako.
Papunta akong canteen ngayon. Nandoon na si Yana kasama ang boyfriend niya. Nang nasa hallway ako sa Music Hall may narinig akong tugtug ng drum at may mahina na boses pero tama na para marinig dito sa labas. Dahil curious ako, pupuntahan ko yun. Magaling kasi at cool ang boses niya.
Papasok na ako. Medyo madilim pa at tanging sa stage lang ang mayroong lights. Hindi ko pa nakita kung sino ang tumugtog kasi may wall pang nakaharang doon. Nang nalagpasan ko na. Lumaki ang mata ko dahil napagtanto kong sino ang tumugtog. Hindi niya ako nakita dahil busy ang mga mata niya sa drum set. Nakita ko si Sixth na tumutugtog. Kitang-kita na sanay na siya dito kasi pina-ikot-ikot niya ang drum stick habang tumutunog pa. Mas lalo siyang guma-gwapo dahil dun. Tahimik akong nakatitig sa kanya nang biglang...
"Kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya ipauubaya
At hayaan sumaya ka sa piling niya"
Buti nalang at hindi narinig ni Sixth ang ringtone ko. Sinagot ko agad ang tawag ni Yana. Siguro nagtatakang wala pa ako dun.
Yana:
Sam, saan ka na? Pinag-alala mo ako ha?
Ako:
Sige na papunta na diyan, may nadaanan lang ako. Bye!
Pinutol ko agad ang tawag baka marinig pa ako ni Sixth. Napagtanto kong tapos na siya at baka marinig niya ako. Nagmamadali na akong umalis doon. At dumiretso na sa canteen. Naabutan ko si Yana at Lanze na magkatabi at ang iba pang Knights. Nakatitig silang lahat sa'kin pagkapasok ko.
"O, ba't parang hinahabol ka ng kabayo?" Bungad sa akin ni Yana.
"Sino bang humahabol sayo?" Tanong naman ni Aaron. "Dito ka na umupo" aya niya.
Ngumiti lang ako sa kanila at dumiretso sa sinabi ni Aaron na upuan which is magkatabi kami. Ngumiti ng malapad si Aaron at binigyan ko naman siya ng weird na ngiti. Baliw lang!
"Ang tagal mo ata? Kanina pa kami naghihintay sayo dito?" Serysong tanong ni Aaron.
"At namumutla ka pa." Dagdag ni Lyster.
"Ah... Wala. Sige kain na tayo," pag-iiba ko ng paksa.
Kumain na kami. Parang hinihintay nila talaga ako dahil hindi pa nakukuhanan ang pagkain nila. Maliit lang ang nakain ko dahil wala akong gana. Bakit kaya siya nadun? Nandito naman ang tropa niya. Hindi ba siya sasabay sa amin?
"Ahhh... Nasaan si S-sixth?" Pag umpisa kong sabi.
"Umuwi. May emergency daw sa bahay nila." Diretsong sabi ni Lanze.
What!? Are you kidding me Lanze? May emergency sa bahay nila ehh, nandoon lang siya sa MH. Luminga-linga ako sa table. Busy na si Edrian sa pagkain, si Lyster naman ay naglalaro na ng phone niya at sina Lanze at Yana ay naghaharutan.
Masyado kayong PDA! Pasigaw na sabi ko sa aking isip.
"Nakita niyo siyang umalis?" pag-usisang tanong ko sa kanila.
Tumango sina Lanze at Lyster. Ewan ko sa inyo, walang kwentang kausap. Uminom ako ng tubig at tumingin kay Aaron. Nakatitig siya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa mga oras na ito. Ang nakikita ko lang sa mga mata niya ay... Selos?
"Ako. Nakita ko siyang umalis, nagmamadali nga!" Cold na sabi ni Aaron.
"Ahh okay!" Sabi ko nalang.
Maya-maya pa ay nagpaalam na ako sa kanila. Mag-isa na naman akong naglalakad dahil busy na si Yana sa boyfriend niya. Pag ako nagka-boyfriend hindi kita papansinin!
Ang swerte naman ng improktita kong kaibigan, naka jackpot sa lalaki. Ang gwapo-gwapo! Bihira nalang sa negative activity niya. Dahil kukunin ko ang mga puppets para sa puppet show ay dadaan ako sa likod ng Grade 12 building kaya mapapasubok na naman ako. Pwera nalang pag walang Knights. Pero kaibigan ko na sila!
BINABASA MO ANG
STUCK WITH YOU
Teen Fiction(Story Completed) Nagmahal ka na ba sa isang lalaki? Handa ka bang masaktan para sa kanya? Ano ang pipiliin mo, ang taong noon pa man ay gusto mo na o taong minahal mo dahil napapasaya ka niya? Subaybayan ang kwento ni Samantha, sa isang tagpo lang...