Aaron Chess' P.O.V
Umalis na ako nang mayakap ko na si Samantha, yun lang ang kailangan ko sa araw na ito. Marami kasing nangyari kanina, dumating ang kapatid ng daddy ko at ang pamilya niya. Nagkagulo kami dahil sinisi ni Tita ang daddy ko sa pagkawala ni Lola. Ganyan naman talaga eh, magsi-sisihan kung saan huli na ang lahat. Inintindi namin siya dahil mahigit isang dekada niyang hindi kasama si Lola at ang mauuwian niya lang ay ang walang buhay na mommy niya. Kasalanan ba namin kung hindi siya umuwi nung buhay pa?
Pagdating ko sa bahay, nakasalubong ko sina Kyle at Rich. Naninigarilyo silang dalawa, tumango lang ako sa kanila at pumasok na sa bahay. Dumiretso lang ako sa kwarto para maligo, gusto kong mahimasmasan ang sarili ko.
Wala na talaga akong pag-asa! Bulaslas ko isipan ko.
Wala akong planong sabihin sa kanila ang nalalaman ko. Kailangan si Sam ang mag sabi nito. Wala akong karapatan na sabihan sila, hindi ko alam ang rason niya. Every mistakes has valid reasons. Hintayin ko siya na magsalita, siguro sasabihin niya naman.
Pagkatapos kong maligo ay inaya ko si Lyster na pumunta sa hideout. Matagal-tagal na akong hindi nakapunta doon namin simula nung nagka misunderstanding kaming lahat. Siguro dahil sa isang babae lang, lahat nagbago na. Sabi ng mommy ko kahapon nung nag-usap kami kailangang may mag sakripisyo. Kung sakali ako, kaya ko ba?
F.L.A.S.H.B.A.C.K
"Nak, are you okay?" Tanong ni mommy habang kumakain kami.
Kami nalang dalawa ang natira or hinintay niya talaga akong bumaba.
"Y-yes mom," nauutal kong sagot.
"Pero ang nakikita ko sa mga mata mo ay hindi... Sige na anak, makikinig ako." Sabi niya kaya naglakas loob akong mag open-up sa kanya.
"Kasi mom, gusto ko si Sam at gusto rin ito ni Sammuel. Because of that, nagka misunderstanding kami and no one speak first." Kwento ko kay Mommy.
"Gaano ba kahalaga ang pagkakaibigan niyo?" Tanong ni Mommy sa'kin.
"Sobra Mom! Sobra... Ayokong magka-sira kami ni Sammuel, he's like my brother." Sagot ko.
"Anak, sa laro ng pag-ibig kailangan may magsakripisyo lalo na sa sitwasyon niyo ngayon, ayaw mong magka-sira kayo diba?" Tumango lang ako. "Bilang ikaw na mas nakakaintindi, siguro kailangan ikaw ang magsakripisyo." Sabi ni Mommy.
"M-mom, I can't!" Sabi ko. Iniisip ko palang na ipaubaya si Sam ay parang nadudurog ang puso ko.
Hindi ko kaya!
"Acceptance anak, ito ang susi para maging okay ka sa magiging desisyon mo." Sabi ni Mommy at iniwan akong nakatulala sa mesa.
E.N.D O.F F.L.A.S.H.B.A.C.K
Nasa hideout na kaming dalawa ni Lyster. Maayos kaming nagpaalam kay Mommy kanina. Naninigarilyo kami habang umiinom ng fundador. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, kaya ko ba talaga? First time kong ma in love. Kay Samantha lang talaga, she's my childhood crush. Nakakabakla pakinggan pero iyon ang totoo.
"Ano bro? Nakapag desisyon ka na?" Tanong ni Lyster at bumuga ng usok.
"Oo bro. I know, wala na talaga akong laban ni Sammuel." Sabi ko sabay buga ng usok ng sigarilyo.
Nagpatuloy kami sa pag-inom nang bumukas ang pinto sa kwarto ni Sammuel. Nandito pala siya? Akala ko nandun sa bahay. Tinawag ko siya at halatang nabigla ito.
"Inom ka muna," aya ko. Tinanggap niya naman.
"Bakit kayo nandito? Wala na bang bisita dun?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
STUCK WITH YOU
Teen Fiction(Story Completed) Nagmahal ka na ba sa isang lalaki? Handa ka bang masaktan para sa kanya? Ano ang pipiliin mo, ang taong noon pa man ay gusto mo na o taong minahal mo dahil napapasaya ka niya? Subaybayan ang kwento ni Samantha, sa isang tagpo lang...