Diana Alegre's P.O.V
Handa na kaming lahat at hinihintay lang namin dumating ang bus. Tinignan ko sila Aaron at Samantha na magkahawak ang kamay. At last nasabi na rin ni Aaron, ipinaglaban niya rin si Sam. Masaya ako sa kanila at magiging masaya din ako nina Zaza at Sammuel.
Hindi nagtagal ay dumating din ang bus, hindi gaya ng dati ang sitting arrangement namin. Sina Lyster, Aaron at Samantha ay nasa unang bus. Habang ako, si Lanze, Zaza, Sammuel at Edrian naman ay nasa pangalawang bus. Nauna nang umalis ang bus nila Sam kaya naghihintay kami saglit ng ilang minuto.
Kapansin-pansin ang naka-itim na lalaki na nasa likuran ng bus nila Sam. Kinabahan ako, masama ang kutob ko sa kanila. Sasabihan ko sana si Ms. Fourth pero huli na dahil pinasakay na kami sa bus.
"B-babe, sina S-sam." Hindi malinaw-linaw na banggit ko.
"Ano babe?" Tanong sa akin ni Lanze.
Tinignan ko ang bus nila Sam kaso malayo na ang bus nila sa amin. Tumayo ako dahil nababahala talaga ako.
"Anong nangyari sayo babe?"
"Babe, may nakita akong mga naka-itim sa bus nila Sam. Masama ang kutob ko!" -Ako
Tumayo rin si Lanze at tiningnan ang unang bus. Tinawag niya si Sammuel at lahat na kami ay nakatingin na sa bus na sinasakyan nina Samantha.
"Ms. Fourth, sino ang kasama na teacher sa unang bus?" Natataranta na tanong ko.
"Wala, si Sir Slowly ay sinundo ng asawa niya."
"What?!" Walang preno kong sigaw kaya naalarma siya.
"Ano bang nangyari, Ms. Alegre?" Tanong ni Ms. Fourth
Hindi ko siya nasagot at pinuntahan ko ang driver ng bus namin. Nagmakaawa akong bilisan ang maneho niya para mahabol ang unang bus.
"Sh*t!" Bulaslas ni Sammuel nang makita na ang bus nila Sam.
"B-bakit?!" Tanong ko.
"I saw Alex... May masama siguro silang binabalak." Sabi niya kaya mas lalo akong kinabahan.
Alex?!
Ito ba ang kapatid niya?
"Manong, harangan niyo ang unang bus." Sigaw ni Sammuel.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Zaza sa tabi niya.
"It's just a piece of sh*t, Zaza!" Sagot ni Sammuel at umalis.
Iniwan din ako kay Lanze at sumama kay Sammuel. Nilapitan ko si Zaza na kanina pa pinisil-pisil ang mga kamay.
"This can't be happening," bulaslas ni Zaza na hindi man lang ako napansin sa tabi niya. "No, no! Please," patuloy niya.
Nang hinawakan ko siya ay parang gulat na gulat siya. Tumigil lang siya nang nakita na niya ako, niyakap niya ako bigla. Ano na naman ang nangyari nito?
"Sana walang mangyari sa kanya, hindi pwede."
"Magiging okay din siya, sila." Sabi ko at hinimas-himas ko ang ulo niya. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng puso nito.
Ritz Samantha Paraiso's P.O.V
Kapansin-pansin si Aaron na hindi mapakali sa upuan niya. Parang may tinitignan siya sa likoran kaya pasimple ko rin itong tinignan. Wala naman akong napapansin na kakaiba kaya hindi ko nalang siya pinansin.
"Pwede palit tayo?"
"S-sure!" Sabi ko at nagpalit kami agad.
Nasa tabi na ako ng window ng bus, sinuot ko nalang ang head phone ko at nakinig nalang sa mga music. Habang nakikinig ay tumingin ako sa mga nadaanan namin, ang bilis pala ng takbo ng bus namin. Tumingin ako sa rear mirror ng bus, masamang nakatingin sa akin ang driver ng bus kaya medyo kumunot ang noo ko at tinanggal ang headphone. Ngayon ay tumayo na si Aaron, kaya tumayo rin ako para makita kung sino ang nasa likod.
BINABASA MO ANG
STUCK WITH YOU
Teen Fiction(Story Completed) Nagmahal ka na ba sa isang lalaki? Handa ka bang masaktan para sa kanya? Ano ang pipiliin mo, ang taong noon pa man ay gusto mo na o taong minahal mo dahil napapasaya ka niya? Subaybayan ang kwento ni Samantha, sa isang tagpo lang...