12: STUCK WITH YOU

250 38 0
                                    

Kinabukasan nagising ako sa sariling alarm, nagpa-alarm ako bago matulog kagabi para magising ako nang maaga. Hobby ko na ang mag-exercise tuwing umaga para fit na fit. Char!

Pagkatapos kong mag daily exercise parang ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko. Siguro, dahil ito kahapon. Dumiretso akong banyo pagkapasok ko sa aking kwarto. Six am pa kaya mabagal-bagal ang galaw ko. Pagkalabas ay nagbihis na ako, syempre complete uniform para makapasok ako sa classroom namin. Mahirap na baka sa labas pa ako ng room mag-aaral, jusko! 'Di ko kere...

Nang malapit na ang sasakyan sa School, nakita ko si Edrian na parang may hinihintay. Nang nakalagpas na kami roon, "Manong, paki bagalan lang ng konti please!" sabi ko kay Manong Kolas. Binagalan naman ito. Parang kinabahan ako pero di ko alam kong bakit. Tinignan ko si Edrian at saktong pagkalagpas ng kotse namin ay may parang tinawagan siya sa phone. Weird!

Binalewala ko yun, paliko na ang kotse namin at... Nakita ko naman si Lyster at pareho kay Edrian may tinawagan din siya sa phone niya. Nagkataon lang siguro!

Pagkababa ko sa kotse, nakita ko naman si... Aaron sa malayo may kausap sa phone niya. Whoa! Seriously?

Lumakad na ako papuntang classroom ko nang may sumabay sa akin... Ang bango naman! Lumalandi pa talaga ako ha?

"Ang seryoso natin ah!"

"Ang aga-aga Lanze ha? 'Wag mo naman akong bwesitin." padabog kong sabi.

"Grabe ka naman Sam, minsan na nga lang ako nakikisabay sayo, Sinusungitan mo pa ako," sabi niya.

"Ewan ko sayo..." binilisan ko nalang ang paglalakad ko.

"H-hoy, Sam! Teka lang naman may f-favor sana ako!" parang nahihiyang sabi ni Lanze.

"Ano?!" pagalit kong sabi pero 'di naman talaga ako galit.

"T-tungkol kay D-diana," medyo nag-blush si Lanze pagkasabi niya sa pangalan ni Yana. Siya'y kinikilig'

"Ewan ko talaga sayo Lanze, kung may gusto ka doon sa kanya ka pumunta, wag ako! Sabi nga ni Ivy Aguas_ 'WAG AKO! Kaya please lang, malapit na ang klase ko," sabi ko sabay alis.

"Sam!" Habol niya sa akin.

"Ano?!" ngayon totoo nang galit ako, naiinis o ano ba basta nakakainis lang.

"Utos ni Sam na lalaki, punta ka daw sa likod ng building mamayang recess. Seryoso na ako, may importante kaming sasabihin." Kung kanina makulit ang expression ng mukha niya, ngayon seryoso na talaga siya.

"K." tipid kong sagot sabay alis.

Nakarating ako sa room namin. Maingay pa kaya sigurado akong wala pa si Sir Slowly. Si Yana naman tahimik na nagce-cellphone sa kanyang upuan. Ano kaya ang inaatupag niya? Or Sino kaya ang ka-text niya? Hmmm! I will find out. Imbis na dumiretso ako, lumabas ako sa entrance at doon na exit pumasok. Palapit na ako pero hindi parin naramdaman ni Yana ang presensya ko, busy talaga sa ka-text niya.

Yana:

Puntahan mo nga si Sam bago ako makikipagdate sayo!

Bunawi ko ang cellphone niya at binasabasa ang text text nila pero pilit na kinukuha ni Yana ang phone niya. Sorry sa kanya, matangkad ako kaya 'di niya ako maabot. Hahaha!

"Sa'kin na yan Sam, please naman oh.. Maawa ka sa'kin." Pagmamakaawa niya.

Hindi ko na pinatagal, okay lang naman kasi nabasa ko ang mga text text nila. Tama nga ako! May something fishy ang dalawa.

Kita siguro ni Yana ang expression ko kaya, " Sam, wala lang 'to" kinabahan niyang sabi.

"Yana, okay lang naman. 'Wag mo nang itago okay?" Sabi ko at unti-unti siyang ngumiti.

STUCK WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon