Chapter Two

7.7K 300 20
                                    

JV's POV

Maaga palang may kumakatok na sa kwarto ko kainis. Nagtalukbong ako ng kumot pero tuloy parin ang kumakatok.

"Ohh! Ano ba?! Natutulog pa yung tao e!" Nakabusangot na sigaw ko. Grrr.

"Hoy JV! Unang araw mo ngayon sa eskwela! Baka naman gusto mo nang bumangon diyan!"  Kainis naman oh!

"Waaa! Kuya naman bakit di mo sinabi?! Kainis oh!" Magpapakabait na ako eh. Ayaw ko dun sa Beijing. Nandun si Mama eh. Tsaka hindi ako sanay dun baka mapagsabihan pa ako ng hindi ko maintindihang salita. Dudugo ilong ko. De joke lang, alam ko naman language nila e kaso kaunti lang.

"Ako kaya yung kanina pa kumakatok dito at hanggang ngayon hindi mo parin binubuksan ang pinto!" Oh-ow, oo nga pala. Jusmiyo JV nakikitira ka na ngalang tapos pinto hindi mo pa mabuksan? JV magtino ka!

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Pagkabukas ko, yung itsura ni Kuya, parang gusto na akong patayin it ibitin sa puno. Para siyang mangangain ng tao. Galit na nga ang dragon.

"Hehe" alam niyo yung awkward smile? yun ang iniharap ko kay Kuya ngayon.

"Maligo kana at kumain kana dun sa dining. MALELATE KANA! 8:00 ang klase mong bata ka!" Yung feeling na di pa natatapos ni Kuya ang sigaw niya nadampot ko na ang twalya ko at nakapasok na sa banyo. Kaaalala ko lang na 8:00 pala ang pasok ko hutangenemes.

Mga 5 minutes lang siguro akong naligo tapos 2 minutes na nagpalit pagkatapos kumaripas na ako ng takbo papuntang dining. Jusmiyo naman kasi tong mahabang hagdan na to sarap gawing eskaletor.

Padating ko sa dining patapos na si Tito at Tita pati rin pala si Kuya. Sana pala nagset nalang ako ng alarm ko.

"Bilisan mong kumain diyan, ihahatid pa kita sa school mo" sabi ni Kuya sabay tayo. Kumuha nalang ako ng tinapay at chuckie.

"Bye po Tita, Tito malelate na ako e"

"Ingat ka JV" sabi ni Tita

"Huwag ka na kasing manuod hanggang madaling araw" pahabol naman ni Tito. Napakamot naman ako ng ulo. Ang ganda kasi nung pinanunuod ko kagabi Tito, pasensya na.

"Sige po. Punta na po ako." Sabi ko at tumakbo papuntang garahe. Pinapaandar na ni Kuya yung kotse kaya binilisan kong sumakay.

--

Naiinis na ako ngayon. Kasi naman ang lawak pala ng school. Paano ko hahagilapin ang room ko dito? Daig ko pa ang nasa ibang bansa. Yung uniform naman maganda na sana maikli lang yung skirt niya kulay blue yung blaser niya tas white sa loob yung polo tas yung skirt kulay light brown.

" Excuse me miss" sabi ko dun sa babaeng dumaan sa harap ko.

"Why?" Medyo masungit na sagot niya. Sampalin ko kaya mukha nito? Wag nalang pala, kawawa naman.

"Where is the principal's office?" Pakabait ka muna JV

"Right wing. Turn left. Second floor. Turn right. Middle door." Ha? Hanudaw?

"Ahh okay. Thanks" sabi ko sabay bow. Pero yung bow ko parang handa nang suntukin tong masungit na babaeng to. Pasalamat nalang siya kasi sinagot niya tanong ko.

"Tsk" sabi niya saka siya umalis. Aba't talagang masasampal ko na talaga ang pagmumukha ng babaeng yun.

Bago pa man ako makipag-away dito nagpunta nalang ako sa HM's office. Pagdating ko doon, nadatnan kong nagtitipa sa laptop ang head ng school.

"Good day sir! I'm the new student from Saint Academy" sabi ko at nakatayo parin sa harap niya

"Good day too Miss Cortez. Ah here's your room number, section and schedule for the whole year.'' Sabay bigay sakin ng papel na naglalaman ng mga sinabi niya

"By the way, on Wednesday Miss Cortez I expecting you to wear your ID. For your ID, i'll give it to you tomorrow morning"

"Yes sir!"

"You can go" para namang nagpapalayas ng aso to. Nagbow nalang ako saka umalis.

Tinignan ko muna yung schedule ko. Monday 8 subjects na sunod-sunod. First subject ang English. Tuesday naman 6 subjects lang. Wednesday 6 subjects ulit pero first subject ay P.E. and second ay taekwondo. Thursday and Friday ay 4 subjects nalang.

Sunod kong tinignan yung room number at section ko. Pagkakita ko parang nagulantang ang buo kong sistema Lagot kang bata ka, patay kang JV ka. Pero sabi naman ni Kuya na alam niyang sa last section din naman ako mapupunta. Relax JV. Inhale. Exhale.

Room number: 226
Section: Last Section

Lagot na talaga. Waaa! Animnaput putingtupa!

Dya na na na na na na

"Pusang kinalbo ng ina mo!" Poya naman tong selpon kong to! Nanggugulat!

Hala! Syeteng malagkit! Tumatawag si Kuya Ire!

"H-hello?" Sagot ko habang nginangatngat ang kuko ko. Linakabahan ako bakit ba? Kahit sure si Kuya na sa last section talaga pero kinakabahan parin ako. Nakakahiya kasi. Hala JV, May hiya ka pala?

"Oh? Anyare sayo at parang kinakabahan ka ha?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Ah wala naman Kuya hehe" remain calm please JV

"Binigay na ba sayo yung schedule at room number pati section mo?" Shoot!

"Opo Kuya, kakukuha ko lang b-bakit?" Cross fingers.

"Saang section ka?" Nyawa na yan. Alam mo naman Kuya e nagtanong ka pa. Poya naman oh.

"Shit. Kahit alam mo naman poya ka." napamura nalang ako. Ayaw kong sabihin huhu! Baka sabihin niya kila Tita nakakahiya!

"Minumura mo ba ako JV?!" Lahhh

"Hala! Hindi Kuya! Sige Kuya papasok na ako ha! Bye!" Sabay patay ko dun sa cellphone ko. Kamuntik na! Bago pa man ako SOBRANG malate sa first class ko tumakbo nalang ako papunta fourth floor. Nasa second floor kasi ako at wala naman akong nakikitang 226 dito. Base sa numero, nasa hulihan itong section at room ko.

Nang makarating ako sa tapat ng room, nag inhale at exhale muna ako. Nakakakaba naman! Kala mo di ka ano JV ha? Hanep. Tinatablan ka pala ng kaba?

Nag knock nalang ako ng three times. Agad namang may bumukas dito. Ito yata yung teacher.

"Good morning sir! I'm the transferee from Saint Academy"

"Oh. Come in miss and introduce yourself to everyone" saka niya ako pinapasok sa loob ng room. Maganda naman ang room. Parang sa China rin noon. Yah, una kong naging school dun. Unfortunately sa Beijing, kay mama. Kaya nangyari yun e. Pisti nevermind.

"You have a new classmate class so please be quiet! Go on Miss" sabi ni sir

"Ahh..Good morning everyone. I'm Jace Veniz Cortez from Saint Academy. Please be good to me that's all." May pasabi-sabi pa akong 'please be good to me' eh baka ako pa magsimula ng away.

"You can occupy the seat in the middle" nagbow nalang ako. Naadopt ko na kasi yun sa Beijing. Ewan ko ba.

Pag-upo ko...

"Fvck!" Lutong pre.

Ang Basagulera ng Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon