Pag-uwi namin halatang naiinis parin si Kuya. Ako nga rin hindi ko ine-expect yung nangyari kanina. Kung nag-aasar kami kanina bago dumating yung ka-meeting ni Tita pero nang dumating na yung kameet niya, ayun na nagsimula nang mag-iba ang ihip ng hangin. Nakakainis lang kasi eto na naman, nagsasabay sabay ulit lahat e.
"Ikaw?!" Sabay na sigaw namin ni Kuya sa dumating. Bakit siya pa? Yung lalaking nagtangka sa buhay ko. Oo, tandang-tanda ko pa lahat. May iisang bagay lang na di ko matandaan.
Kung paano namatay si Papa.
"Tita, kilala mo ba siya?" Nangangatal na tanong ko. Bumalik na naman ang galit ko sa kanya. Sa ilang taon na nilimot ko lahat ng yun, eto, bumalik. Pero yung bebe mo di na bumalik bleh.
"Siya yung kasosyo namin bakit? Bakit ganyan ang itsura niyo?" Tanong ni Tita. Oo nga pala, hindi niya alam na itong lalaking to ang nagtangka sa buhay ko kasi nasa Canada noon sila Tita at si Kuya Ire lang ang unang sumaklolo sakin kasi wala si Mama sa tabi ko. Ano pa bang aasahan ko kay Mama?
"Mama kelan pa kayo magkasosyo?" Bakas parin ang galit at inis sa boses ni Kuya. Hindi ko naman siya masisisi.
"Last week why?" Gulong-gulo parin si Tita.
"Bawiin mo na ang transaction niyo ngayon" maotoridad na sabi ni Kuya habang masama parin ang tingin niya sa lalaki habang nakatulala ito samin.
"Bakit?" Naguguluhan na tanong ni Tita. Hindi ako makaimik dito sa pwesto ko ngayon, di dahil sa wala akong masabi kundi dahil sa galit na nananalaytay ngayon sa puso ko. I hate this feeling but I can't do anything to stop this. I want to take revenge but part of me saying not to.
"Sa bahay nalang ako magpapaliwanag Ma. Baka makapatay pa ako dito." Akala ko nakulong siya?
Kaya umuwi na kami at iniwan doon yung lalaki. The man from my past. My past that I don't want to remember anymore.
"Ma bakit nakipagkasundo ka dun sa lalaking yun?" Galit na tanong ni Kuya at alam ko ngayon ang nararamdaman niya. Frustrated niyang ginulo ang buhok niya.
"Ano ba talagang nangyayari? At bakit ganun nalang ang reaksiyon niyo?" Sobrang naguguluhan na si Tita.
"Ma...hindi mo alam ang nangyari noon. Ma intindihin mo kami please, lalo na kay JV," kita ko ang awa sa mga mata ni Kuya sakin. Don't pity me Kuya.
"An-ano bang nangyari?"
"Six years ago, kinidnap niya si JV noong nagbabakasyon kami sa Batangas. Si Tita Janiz, wala siya noon sa tabi ni JV kaya madali siyang nakuha ng lalaking yun. Nagulat nalang ako nang may tumawag sakin at may sinabing address kaya pinuntahan ko agad. Buti nalang at naabutan ko si JV bago pa s-siya patayin nung lalaking yun. Just a meter away, nakita kong kinuha nung lalaki ang kutsilyo sa isang mesa. Balak na niya talagang patayin noon si JV buti nalang at nagtawag ako ng mga kasama ko at tinulungan nila ako. Pinakulong namin ang lalaking yun, pero hindi ko alam na nakalabas na pala siya sa rehas at natatakot akong pagtangkaan niya ulit si JV lalo na't isa pala siya sa penerahan noon ni Tita Janiz." Mahabang kwento ni Kuya. Noong ikinwekwento niya yun, muling nagbalik sakin ang lahat ng ala-ala noong araw na yun.
Takot. Yan lang ang nararamdaman ko noon. Tutal ako naman daw ang anak ay sa akin nalang ibubunton ang galit niya. Kung bakit ba naman kasi ang hina ko noon tss.
"A-ano? Oh my gosh JV! Sorry, patawarin mo ako kung wala akong alam. I'm so sorry" umiiyak na si Tita habang niyayakap ako. Hindi ko naman siya sinisisi na wala siyang alam. Isinekreto naman talaga namin ni Kuya noon yun.
"Wala kang kasalanan Tita. Okay na ako" kahit hindi. Ngayon, kaya ko na ang sarili ko. Mabuti nalang at tinulungan nila ako.
"Sige po Tita, Kuya magpapahinga na po ako" tapos umakyat na ako sa taas. Hindi ko maiwasang lumuha. Umaasa ako noon na dadalawin ako ni Mama sa ospital pero wala siya. Yun pala, may iba na naman siya at siya pa ang dahilan kung bakit ako pinagtangkaang patayin nung hayop na lalaking yun. Kaya nagmula noon, hindi na ako naging malapit kay Mama. Lumayo ang loob ko sa kanya. Parang hindi ko siya nanay ang asta niya. Puro pera lang ang nasa isip niya ni di man lang niya ako kinakamusta kahit isang beses lang kada linggo.
Wala e, mas importante sa kanya ang negosyo at bago niya.
That was the day I've hated my own mother and I don't know if I can still forgive her.
I know, everyone deserves forgiveness but the resentment in my heart keep growing.
On the other side, I manage to make myself stronger. I found a way how to get my revenge in a better way. Yet, as he said, revenge is not the only option.
"Ay pocha naman kasi! Bumalik ka pa e! Tapos makikisabay pa yung nga yun pisti na yan" sigaw ko sa kwarto ko sabay gulong sa kama ng paulit-ulit. Para akong baliw sa ginagawa ko.
"Sa tamang oras" huling bulong ko bago ako tinamaan ng antok. Nakakaantok pala kapag marami kang iniisip? Well, minsan hindi, lalo na kapag puro anxiety lang.
---
@UglyJollyMeee
BINABASA MO ANG
Ang Basagulera ng Last Section
RandomUNEDITED As an agent, Jace Veniz did everything to fulfil her duty to her agency. She did everything she could and never stopped chasing people who were hiding and running away with their sins. The next mission for her is to find a certain person wh...