Chapter Twelve

4.5K 230 15
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas mula noong nahanap ako nila Rionne. Araw-araw akong alerto sa paligid ko. Mabuti na ang nag-iingat. Mahirap mabilanggo ng apat na buwan sa kamay ng pisting Rionne na yun.

"Oy Ate Jace!" Tawag sakin ni Rhynee. Oo feeling close na sakin yang multong yan mula noong nagpustahan kami at higit sa lahat 'Ate Jace' ang tawag sakin. Mas cool daw yung Jace kaysa sa JV. Mga pakulo nitong batang 'to.

"Bakit?" Tanong ko dito habang naghahalungkat ako ng makakain sa bag ko. Asan na ba yung...ayun!

"Tara kain tayo sa canteen" magyayaya yan tapos ako magbabayad. Kaya minsan tumatanggi na ako diyan. Alam kong anak mayaman 'to e!

"Tapos ako magbabayad? Ay hayop" sabay nguya ko ng nova. Nakikita na ngang may kinakain ako.

"Tara na kasi! Alam ko naman na hindi yan kasya sayo, ang baboy mo kaya" minsan nagtataka na rin ako kung paano kami naging close nitong multong 'to. Pati mga classmates namin, napapatingin samin kapag nag-uusap kami. Minsan pa nga pinagbawalan na siya ni Malditong Lalaki/Jon na lumayo sakin e makulit na bata 'to, lapit ng lapit sakin. Ang alam ko siya ang pinakabata dito sa section na ito. 17-18 y/o na kami tapos siya kaka-15 palang niya noong nagpustahan kami. Sabi niya kaya ayan din ang alam kong sabihin.

Kaya pala ang laki nung pusta niya noong nagpustahan kami kasi kabibigay daw yun noon ng papa niya sa kanya para sa birthday niya pero ang batang 'to ipinusta lang. Nakakagigil jusko! Kung ako lang nanay nito nabatukan ko na. Nakakaburyo.

"Tara na nga! Batang 'to"

"Hehe" tapos ngumiti siya sakin ng labas ngipin. Yung parang bata talaga na inosente ganun? Hayyy ano bang nagawa ko at dumidikit sakin 'tong batang 'to?

Habang nagkakalad kami sa hallway bigla na namang nagsalita 'tong batang multong 'to.

"Ate Jace, masama na naman ang tingin sayo kanina ni Jon." Sabi nito habang NGINUNGUYA ang NOVA KO. Oo! Kinuha niya. Buraot tsk.

"Alam ko. Lagi naman tss"

"Siguro type ka niya hehe"

"Che! Type-type, type patayin oo!" Tapos nauna na akong naglakad sa kanya.

--

Habang naglalakad ako pauwi, ramdam kong may nakasunod sakin. Bakit ba nila ako sinusundan?

Pagdaan ko sa isang iskinita ramdam kong dumami ang mga sumusunod sakin. Naging dalawang grupo. Hanep pre! Para akong artista na sinusundan kaya ang ginawa ko pumasok ako sa pangalawang iskinita na madadaanan ko.

"Bakit niyo ba ako sinusundan?" At humarap ako pero...

"Ano na naman ba Rionne?!" Putek 'tong gagong 'to type na type akong sundan.

"Wala lang JV. Gusto lang naman namin na magkaroon ka ng pasa pag-uwi mo. Sugudin siya!" Powtek! Sila ba yung dalawang grupo na sumusunod sakin?

"Tamaan niyo mga bobo!" Hanggang ngayon ba Rionne mahihina parin ang mga minions mo? O sadyang lumakas ako? Haha partida ang dami niyo pa mga zer!

"Teka! Hoy! Isa-isa lang!" Kasi naman sabay-sabay na silang paparating sakin. Buti sana kung wala silang 2×2 na kahoy.

May nakita akong mahabang kahoy sa kanan ko kaya dali-dali ko itong kinuha tapos ginawa ko na ang balak ko. Akala niyo ba malalagyan niyo ako ng pasa huh? No way bro.

Pinaikot ko sakin 'tong kahoy kaya napaatras sila at ako naman ang lumalapit sa kanila habang iwinawasiwas paharap at palikod ang kahoy na hawak ko. Buti nalang naaral ko ito noon.

Nang masiguro ko na malapit na kami sa pwesto ni Rionne ginawa ko na ang matindi kong tira. Inikot ko ang kahoy na hawak ko ng mabilis pagkatapos ay iwinasiwas ko ito sa kanila kaya nagkatumba-tumba sila kasama na si Rionne.

"Bleh! Mga tangina niyo! Kala niyo malalagyan niyo ako ng pasa! No way bro!" Tapos nagbelat pa ako sa kanila pero may napansin ako sa labasan ng iskinitang 'to. Shit! Rhynne! Kasama niya sila Jon! Nakita nila. Shit shit!!!

Tatawagin ko na sana sila pero nagsitakbuhan na silang lahat. Anong gagawin ko? Nakita nila! Napanood nila! Pano na!?

Dahil sa inis ko sinipa ko sa mukha si Rionne kaya mas napa-aray pa ito. Paki ko sayong --grr! Dahil sayo nakita nila ang hindi nila dapat makita!

Lumabas ako sa iskinita at hinanap ko nasa malapit lang sila pero wala na. Nakaalis na sila kaya wala akong pagpipilian kundi umuwi.

Pabagsak akong humiga sa kama ko pagdating ko sa bahay. Buti nalang wala si Kuya at hindi rin nagtanong si Tita. Ang ipinagdadasal ko nalang ngayon ay sana huwag malaman ni Kuya ang ginawa ko na namang gulo.

"JV bumaba ka na at maghahapunan na tayo" tawag sakin ni Tita mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Opo Tita, susunod na po ako"

Ano nalang ang gagawin ko bukas? Siguradong may gagawin na naman yung Jon na yun kapag hindi nila ako mapapaamin kung bakit ganun ako kanina. Paano nalang kung sabihin nila ako kay Rionne? Lalao na't may galit sa akin yung malditong yun. Paano nalang kung makuha na naman ako nila Rionne sa puder nila? Ano nalang ang gagawin ko? Aalis na naman ba ako sa bansang 'to? Ilang bansa nalang at malilibot ko na ang lahat ng bansa sa mundo dahil sa katatakas ko at sa mga gulo ko. Ano ba naman kasi yan! Mga sakit sa ulo!

Noong nakuha ako nila Rionne sa puder nila, hindi alam nila Kuya Ire noon yun. Ang alam lang nila ay nag-aaral ako noon sa Japan pero apat na buwan akong nawala na hindi nila nalalaman.

Ngayong mas malakas na ako Rionne, sisiguraduhin ko na hinding-hindi mo na ako makukuha. Hinding-hindi mo na ako mahahawakan ni kahit isang hibla ng buhok ko.

Noong nasa puder ako nila Rionne ay minsan na niya akong pinagtangkaan noon na halayin. Dahil sa ginawa niyang yun ay parang may tumulak sakin para labanan siya...para bugbugin at halos patayin na siya. Parang hindi ko kilala ang sarili ko noong mga panahon na yun.

Noong nawalan na ng malay si Rionne ay iyon naman ang panahon ko para tumakas mula sa puder niya. Napunta ako sa South Korea noon at nalaman yun ni Mama kaya kinuha niya ulit ako sa puder niya sa Canada at pinag-aral na naman ako doon. Hindi ako nagtino noon sa puder niya kaya pinadala niya ako sa Europe. Dun sa Croatia. Natrauma naman ako noon doon dahil hindi ko alam ang mga salita nila at puro mura lang ang sumbat ko noon kaya napunta na naman ako noon sa Manaus, South America. Malapit noon yun sa Amazon kaya lagi akong tambay sa Amazon noon. Sa America kasi kahit anong gawin mo pwede hindi parang dito sa Pilipinas na may bawal. Oo may bawal naman doon pero may freedom ako noon doon pero wala akong kaibigan dahil ang tapang-tapang ko noon. Noong nandoon ako ay tinawagan noon ako ni Mama na pumunta sa South Korea para hanapin yung pinsan ko at doon ko nakilala si Malditong Lalaki.

Sa ngayon, mas kailangan ko pang magpalakas mula kay Rionne. Papayag naman siguro sila Tita kapag mag-aaral ulit ako ng taekwondo, judo, at boxing. Gusto kong e-defence ang sarili ko. Ayoko nang maging mahina. Nakakasawa.

----
UglyJollyMeee

Ang Basagulera ng Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon