Lemuel John's POV
Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagsisi. I can't even protect them! Nagsisisi ako na wala man lang akong nagawa.
I hate myself.
Sa bawat taon na lumipas, isa lang noon ang kahilingan namin ni Jemuel. Ang mahanap ang nawawala naming kapatid. Pagkatapos naming malaman noon ang nagyari kila Papa ay agad kaming nagpumilit na bumalik dito sa Pinas.
Agad naming tinapos ang pag-aaral namin noon at kinumbinsi si Tita na bumalik na kami. Doon lang din nalaman ni Tita ang nagyari kina Papa kaya pati siya ay sumama narin.
Pagdating namin noon sa bahay ay wala na. Wala na ni kahit isa sa kanila. Nakita namin si Mama na nakahandusay sa sahig. Doon bumagsak ang luha namin ni Jemuel.
Bakit nila pinatay si Mama? Ano bang nagawa niyang kasalanan?
Nagtaka kami noon kung bakit wala ang housemaid namin at si Jace. Pati si Papa wala pero marami kaming nakita na bakas ng dugo na hinila palabas. What did they do to my family?
Simula noon ay hinanap namin sila matapos mailibing ng maayos si Mama. May babaeng dumating noon at sambit niya ang nga salitang...
"I'm so sorry Anwyn. It's all my fault. I'm so sorry. I promise, I will find her and give you the justice."
Nagtataka ako noon kung bakit siya humihingi ng tawad kay Mama. Anong kinalaman niya sa nangyari?
Not until this things happen. Now I know why did she killed my mother, our mother. Ang babaeng biglang dumating ay ang babaeng humihingi ng tawad noon sa kabaong ni Mama. Gisèle.
"Kuya tama na" pigil sa akin ni Jemuel. Mas matanda ako sa kanya ng ilang segundo kaya tinatawag parin niya akong Kuya.
"Ang tanga ko! Sana hindi nalang tayo sumama! Sana h-hindi si-la nandiyan ngayon" tuluyan na akong bumagsak. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami dito sa ospital.
"Wala kang kasalanan Kuya. Naniwala lang tayo na siya ang nakahanap kay Papa" sabi niya pero umiling lang ako
"Kasalanan ko parin. Dapat hindi nalang ako naniwala"
"Naniwala ka dahil alam kong miss na miss mo na si Papa. Ako din, naniwala din ako kaya wala kang kasalanan." Sambit nito na paiyak narin.
"If we could just found them earlier. Kung naniwala lang sana ako sa kanya noong sinsabi niyang kapatid natin siya. Argh! Damn this!" Iniuntog ko ang ulo sa pader. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga kong Kuya. Wala akong silbi!
Napatayo ko bigla nang nagkagulo sa loob ng operating room. Anong nangyayari? Lumabas ang doktor at tinanong ko siya kung anong nangyayari sa loob.
"Biglang nawalan ng pulse ang isa sa mga pasyente. Excuse me" nagmadali siyang tinawag ang isa pang doctor ay bumalik din sila agad sa loob ng OR.
Tumakbo bigla si Jemuel kaya hinabol siya. Nang maabutan ko na siya ay tumigil siya sa church ng ospital.
Lumuhod siya at nag-umpisang magsalita.
"I don't want to lose them. I stopped believing in you but now, I'm giving you all my trust. Please, save them. I know, this is just a trial but please, don't get them yet. We still need them." Umiiyak na dasal nito. Tumabi ako sa kanya at lumuhod din.
"I thought, praying will not help a person but I'm wrong. I know you have your plans for us. I know that you never let us do a challenge without you. I believe in you. I'm giving all my trust in you so please, save them." Umupo kami at tumulala lang sa bible na nasa harap namin.
BINABASA MO ANG
Ang Basagulera ng Last Section
SonstigesUNEDITED As an agent, Jace Veniz did everything to fulfil her duty to her agency. She did everything she could and never stopped chasing people who were hiding and running away with their sins. The next mission for her is to find a certain person wh...