12

181 10 0
                                    

Janea'sPOV

Monday na. Grabe! Di pa rin talaga ako maka-move on dun sa ligaw ligaw chuchu ni Jungkook. Hays kung sa Korea lang talaga ako nakatira e. Siguro matagal ko na nirape si Jungkook (joke lang)

Pumasok ako nang naka tsinelas. Langya naman talaga kasi si Brent. Kahit kelan talaga pahamak e. Nakasalubong ko nanaman siya sa corridor. Naka ngiting aso nanaman hays. Kelan ba talaga to titigil muhkang ewan amf

Naglakad sya.. papalapit sakin. Pero nilagpasan nya ako. Aray. Nag-expect nanaman ako. Ano ba naman yan Janea. Muntik pa naman akong mag Hi buti nalang talaga hindi.

Kaya naman siguro hindi ako pinansin ni Brent e dahil di ko kinwento yung panaginip kong napaka imposible mangyari. Tska nakaearphones nanaman kasi ako kaya siguro baka isipin nya snob nanaman ako

Binuksan ko muna locker ko. Nakakamiss si koyang naglalagay ng letters sa locker ko. Nakakakilig talaga haha.

Pagkabukas ko, as expected may letter nakalagay "Hindi ka ba napapagod? Kasi maghapon ka nang tumtakbo sa isip ko e! Good morning! ( ^∇^)"

ugh! Kahit korni yung pick-up line nya, benta sakin haha. Kahit kelan talaga. Sino kaya 'to nakoo yayakapin ko talaga 'to ng todo.

Dinala ko yung sulat sa room at sinalubong ako ni Brenyt tas hinablot yung letter

"Uyy!! Nice may secret admirer" di ko alam kung matutuwa ba ako o madidisappoint e. Matuwa kasi napapansin nya ako, disapointed kasi hindi pala siya yung nagsusulat ng letter sa locker ko

"baliw" yun lang sinabi ko. Aba! Im jus returning the favor no! matapos nya akong isnabin sa corridor kanina! letse

Pagkaupo ko, dinikit ko yung sulat sa desk ko. Magawa ngang motivation to sa test mamaya. Sana lang talaga nasa room sya para kahit papano mapasaya ko sya.

Lumapit sakin si Sean. Yung PIO namin. Kaibigan ko rin pero hindi ganun ka close. Baliw rin yan e.

"Nice!! May secret admirer haha qtt sino yan?" wahndusnsi hahahahahaahhaahah patawa to amf

"Baliw! Secret admirer nga e! Tas tatanungin mo kung sino? Baka alam ko ๏̯͡๏﴿"

"Ay oo nga! hahaha"

Tamo! Lahat nalang ba nang makikilala ko baliw? Mamaya mahawa ako. Ay hinde nauna pala ako maging baliw hehehehe^̮^

Lumabas ako sandali. Wala pa kasi si Eryl. Kainis lagi nalang late yun. Dun pa naman ako nagpapaprint ng assignment hehehehehe

Paglabas ko, may nakita akong sophomore. Familiar yung muhka nya ʘ‿ʘ Ang.... angelic ng mukha! Shems ang .. perfect nya Waaaaah!!!! Yung puso ko nanaman!!!!! Tapos tapos... Yung buhok nya waaah ang perfect!!!!

"uy pare manghiram tayo sci-cal mamaya naiwan ko e" sabi nung kaibigan nya. Andito lang ako sa pinto nakatambay di ako makalabas. Nahihiya ako e

Teka teka!?! Lumalapit siya sakin. Sheeeet ang pogi nyaa! Di ko na kaya! Lord diba lab mo ko? Wag mo muna ako kunin please.

"Uh, ate! may Sci cal po ba kayo?" tanong sakin ni kuya pogi ughh!!!! Yung boses nya!! Smexy!! Huhu bakit ba ganon? Kahinaan ko talaga yung mga taong may sexy na boses ugh(ಥ_ಥ)

"ah e.. Teka lang po ah" grabe!! muhka nanaman akong baliw! Ano ba yan Janea!!! Umayos ka ngaa!

"Yan po hehe" tumigil ako "pwede po pakibalik mamayang break? Kailangan din po kasi namin e"

tumawa naman sila.. Siguro kasi may nahiram na sila?

"Sige po. ah, ano po ba pangalan niyo?" emeghed!!! This is it!!! Tinanong nya pangalan ko ugh❤

What it feels to be friendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon