32

110 8 0
                                    

"Torpeng Lalaki + manhid na babae = NGANGANG LOVE STORY."

32

Janea's POV

Its been a week since nakita ko yung blue ballpen at notepad na yun. Hindi na rin ako kinaka-usap ni Brent. Which is masaya at nakakamiss.

Wala pa akong sinasabihan tungkol dun sa nakita ko. Ayokong mag-assume nanaman mamaya kasi mapahiya nanaman ako. Ayoko!

Malapit na mag February 28. Malapit na birthday ko. 1 tulog nalang 16 na ako. Magsosophomore na ako. May possibility na lilipat na ako sa Korea.

28 din ang last day ng classes namin. Gagawin ko na. Oo, kadiri sabihin pero magtatapat na ako. Oo ng feelings ayoko na magtaguan ng feelings. Nakaka bagot. Hindi ko mahanap kung pati siya may feelings din.

Si Sean. Absent. Hanggang end of classes na yata. Baka may sakit. Nakakamiss na siya. Sila Zai, Eryl at angela naman. Baliw uli. Lagi naman silang ganun.

Wala namang mga nagbago. Ako siguro oo. Kasi feeling ko ang sama sama ko.

Oo inaamin ko talaga na nagkacrush ako sa kanya.

First day palang nun naggwapuhan na ako kasi parang prince yung muhka nya. Hindi man siya si Jungkook, nagwapuhan ako. Hindi naman sa nagpapansin ako, pero gusto ko talagang mapansin nya ako. Ayoko naman maging attention seeker.

Grabe nga nung nalaman kong crush nya si Eleana. Feeling ko ang pangit ko. Pero duh! Imposibleng magkacrush din siya sakin kasi ang gwapo nya, tapos ang ganda ni Eleana. Diba? Bagay!

Nakaka-asar nga eh! Kasi kailangan nya pang turuan si Eleana na sumayaw. Hindi naman sa nagiging hipokrita ako pero sana ako nalang yun.

Di nga ako naniniwalang cute ako eh! Aba. Kailan ba ako naging aso?! At saka, mas gugusuhin ko pang sabihan ng pangit na alam kong totoo kesa naman purihin ako kahit niloloko lang ako.

Minsan sumagi rin sa isip ko. Paano kung naging kami? Paano kung wala si Kuya Lance? Paano kung wala si sean? Hindi lang naman sa kanya umiikot yung mundo ko.

Napakalandi nya kase. Nahuhulog ako lalo. Nasanay ako nang may laging magtitirintas ng buhok ko tapos biglang guguluhin. Nakakamiss yung magshashare kami ng earphones kasi either pulubi ako o siya

Sana nga masaya nalang, winish ko na sana hanggang friends nalang. Kasi ang hirap pala lalo na kapag umaasa ka sa wala. Muhka kang tanga. Minsan iniisip ko rin kung nagmumuhka na ba akong tanga kasi feeling ko ang papansin ko kapag kasama nita si Paige.

Yun pa. Isa pa si Paige. Wala naman akong masamang feelings kay Paige pero nakaka-asar. Akala ko pwede na. Hindi pa pala. Lalo na nung kumanta siya ng statue..akala ko para sakin. Kay paige pala.

Buti nalang may Sean. Sinabi nya saken non na marami pa namang lalaki dyan. Hindi lang si Brent. Wag ko raw uubusin yung oras ko sa mga taong binabalewala ako.

Sana nga naging si Sean nalang eh. Pangit no? Rebound. Ayoko nun. Kaibigan ko rin siya ayokong mabago yung tingin nya sakin.

Sana nga hindi ko nalang nakilala si Brent eh! Nababaliw na ako kakaisip e! Minsan sweet, tapos bukas iisnab nya ako. Diba?! Tapos ako ba, sobrang feelingera ko! Umaasa ako na may sparks pero sa panahon yata ngayon welding nalang ang may sparks!

Ayoko na. Gusto ko ng sumuko. May iba pa naman dyan. Baka sa Korea makita ako ni Jungkook at magingkami (char)

Friends lang naman kami diba? Diba?



What it feels to be friendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon