CHAPTER 3
"CHANDER! Tapos kana bang maglinis!" Iritadong sabi ni Karla.
"Tapos na." Sabi niya habang naghahalo ng mga rekado sa niluluto niya.
"Labahan mo tong mga damit ko."Sabi nito sakanya saka ibinababa ang mga damit nito sa sahig.
"Teka lang, linawin ko lang ha, may i remind you na asawa ako dito at hindi katulong, at saka magpapalaba ka ang lakas kaya ng ulan saka gabi pa." Taas kilay niyang sabi dito.
Ito ang unang beses na dito namalagi ang malanding higad na to habang wala si Thaddeus dito sa bahay, kadalasan kasi pagkatapos nito dito sa mansion, sumasabay din ito umalis sa asawa niya.
"Aba't sumasagot ka na, wait till Thaddeus knows about this, sisiguraduhin kong palalayasin ka niya." Sabi nito at nilayasan siya.
"Hmm, higad na to nanakot pa, Samahan pa kita, as if naman, hindi pa ako sanay sa kasungitan ng asawa ko." Sabi niya saka ipinagpatuloy ang niluluto.
Narinig niya ang sasakyan ni Thaddeus mukhang dumating na ito, nagtatakang napatingin siya kay karla na nagmamadaling pumasok sa kusina at parang may hinahanap, nang makita nito ang kutsilyo ngumiti sakanya ito nang nakakaloko.
"Oh, anong gagawin mo diyan?" Matapang na sabi niya dito.
"Kung hindi din naman maniniwala ng walang proweba, why not see it himself." May malademonyong ngiti ito sa labi at hinila ang kamay niya.
Sa bilis nang pangyayari namalayan niya nalang na ibinaon na nito ang kutsilyo sa sariling sikmura habang hawak nito isang kamay niya at sa pagkakahawak nito sa kamay niya ang labas nang makakakita sakanila parang sinaksak niya ito.
"What the fuck!" Boses ni Thaddeus ang dumagundong sa kabahayan.
Sobrang daming dugo nanginginig ang katawan na inagaw niya ang kamay niya sa pagkakahawak ni karla.
Tumigin ito kay thaddeus. "Thaddeus." Bulong nito at unti-unting bumagsak at nawalan ng malay.
Agad na binuhat ni Thaddeus si karla at isinakay sa kotse at umalis, nanginginig naman at dahan-dahan siyang napaupo sa sahig.
Ano bang problema ng babaeng yun, bakit niya sasaksakin ang sarili niya?
Mag-iisang oras pa rin siyang nakupo nang marinig ang sasakyan ni Thaddeus, agad siyang tumayo para salubungin ito at itanong kung anong kalagayan ni Karla.
"Thaddeus okay lang b-" hindi niya natuloy ang sasabihin ng lumipad ang isang palad nito sa pisngi niya.
Nawalan siya ng balanse at tumuba sa sahig, Parang na-alog ang buong utak niya sa sampal nito nalalasahan niya ang sariling dugo sa gilid ng labi niya.
"Damn it! You Bitch, ganun ka na ba kadesperada at pati ang babaeng mahal ko pagtatangkaan mong patayin!" Galit na Sabi nito sakanya.
"Hindi totoo yan! Wala akong ginagawang masama!" Balik sigaw niya dito.
"Don't deny it! Sinabi na sakin ni karla ang nangyari, Ganun ka na ba talaga kadesperadang babae ka! I'm done with this life. kahit mawalan na ako ng mana, Wala akong pakealam. Ayokong magkaruon ng Asawang mamamatay tao."
Gulat siyang napatingin dito at nagmamakaawang tinignan ito saka lumuhod at kumapit sa binti nito.
"No, Thaddeus hear me out, please I'm begging you." Nagmamakaawang sabi niya dito, pero binaklas lang nito ang kamay niya nakahawak dito at umalis sa harapan niya.
Ng bumalik ito dala na nito lahat ng gamit niya. "Get out of my house, bago pa kita kaladkarin palabas."
"No, Please Thaddeus hear me out please, please i didn't do it, wala akong ginagawang masama please maniwala ka." Pagmamakaawa niya pero hindi siya nito pinakinggan, hawak nito sa kabilang kamay ang maleta niya at hinila siya nito at kinalakad at pabalibag na ihinagis palabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You(Completed)✔️
Tiểu Thuyết ChungA love that isn't seem to be fair, regrets and pain have surrounded everything will chander be able to be happy? Or will her story end up with sadness and tragedy. Mature Content / R-18 The Pain Of Loving You By MisslazyAuthor All Rights Reserved.