CHAPTER 4

13.6K 307 13
                                    

CHAPTER 4

NAKATULALA sa kawalan habang nakaupo sa kama sa loob ng Condo ni Haven si Chander, this is the new her after what happen.

Haven let her borrow his Condo for a while, She met his wife Andrea, mabait ito at masayahin pero wala siyang maramdaman na kasiyahan, She's pregnant kaya naman mas naiiyak siya, everytime she look at her tummy, she can't stop herself to imagine that what if her baby is alive, lalaki din ba ito sa sinapupunan niya kagaya ng laki ng bata sa tiyan ni Andrea?

But she know that's way much too impossible to happen now, because her baby is dead, wala na ito, wala na ang bagay na nagpapasaya sakanya, wala na.

Hindi niya magawang ngumiti sa kahit na kanino, parang manhid ang buong katawan niya, kasamang namatay ng anak niya ang pag-asa niya na mabuhay pa at magpatuloy sa paglaban.

Paano nga naman siya mabubuhay kung ang bagay na nagbibigay pag-asa sakanya ay wala na?

This all their fault, kasalanan nila! Kasalanan ni Thaddeus at nang babae niya, sana sila nalang ang namatay.

She will never forgive them namatay ang baby niya ng dahil sakanila, Umagos muli ang masasaganang luha sa mga mata niya.

Ang tanga din kasi niya, bakit ba lumaban pa siya, dapat una palang sumuko na siya, para hindi siya nasasaktan ng ganito, dapat una palang hindi na siya umasa.

Hindi na dapat siya umasa na mamahalin siya nito at maa-alala nito ang nakaraan, sino bang niloloko niya? Kahit kailan hindi siya mamahalin ni Thaddeus kagaya ng pagmamahal niya.

"Babe, kumain kana please, kailangan mong lumakas." Kakapasok lang ni haven sa kwarto at may dala itong tray.

Hindi siya umimik nakatingin pa din siya sa bintana ng kwarto kung saan kita ang buong syudad sa harapan niya.

She never eaten something, thinking that this is one of the ways to punish herself dahil sa pagkamatay ng baby niya, saka gusto niya din tapusin ang buhay niya, she will let herself starve to death para makasama niya na ang baby niya.

"Please, Chander maawa ka naman sa sarili mo, Mag iisang linggo ka nang ganyan." May pagmamakaawa nitong sabi pero, hindi niya ito pinansin.

"Kung ayaw mong kumain, kahit uminom ka nalang ng tubig." Sabi nito
Pero ni sulyap dito hindi niya ginawa, nang sumuko na ito dahil hindi talaga nito niya papansinin, tinungo nito ang pintuan saka lumabas ng kwarto.

Nang makalabas ito sa kwarto napalingon siya sa pagkain na dinala nito wala siyang gana pero kinuha niya ang tubig at ininom ito.

Pagkatapos niyang uminom ay natulog siya Pero pag pikit niya ng mga mata niya ang alaala ng pagkaka-aksidente niya ang pumapasok ulit sa panaginip niya.

Napabalikwas siya ng bangon Nang magising siya, madilim na ang paligid naglalabasan na din ang mga makukulay na ilaw sa syudad kitang kita niya ito mula sa bintana ng silid kung nasaan siya.

Ayaw niya ng liwanag kaya nakapatay ang ilaw sa loob ng kwarto, naaalala niya lang ang bagay na huling nakita niya bago tuluyang nawala ang baby niya, ayaw niya din maligo at hindi din siya naga-ayos, maghapon lang siyang nakaupo sa kama nakatingin sa kawalan matutulog saglit pero magigising pag madilim na at magdamag na iiyak dahil sa pagkawala ng munting anghel niya, kaya halos ang laki-laki na ng mga itim na nakapabilog sa ilalim ng mga mata niya.

Morning came, same routine, walang nagbago para parin siyang isang taong walang buhay at malapit nang mabulok.

"Baby." Dinig niyang pagtawag ng dalawang taong kakapasok lang nagsilaglagan ang mga luha sa mga mata niya ng mapagsino ang mga ito.

The Pain Of Loving You(Completed)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon