CHAPTER 2

13.2K 281 14
                                    

CHAPTER 2

"Bata, bakit ka umiiyak?" Tanong ng limang taong gulang na batang lalaki sa apat taong gulang na batang babae na nakaupo sa swing.

"Y-ung classmate ko kasi, he tried to kiss me." Humihikbing sabi ng batang babae.

"Bakit ka niya ikikiss?" Sabi nito saka umupo sa katabi niyang swing.

"He want to marry me pag lumaki na daw kami."

"Gusto mo ba?"

"Ayaw." Sagot nito na umiiling.

"Ganito nalang, para hindi ka na niya pilitin sabihin mo ako nalang ang magpapakasal sayo."

"But sabi ng mommy ko, when two persons got married that means they love each other." Tumigil na ito sa pagiyak. "Love mo ba ako?"

"Oo naman."

"Bakit mo ako love?"

"Kasi pretty ka."

"Talaga!" Umaliwalas ang mukha ng batang babae.

"Oo, ako love mo ba ako?"

"Oo naman."

"Bakit?"

"Kasi Cute ka."

"Handsome kaya ako."

"Oo na, Handsome kana."

"Pag kinasal na tayo, Mamahalin kita at aalagaan para maging happy kana at hindi na iiyak ulit."

"Promise?"

"Here take this." Binigyan ng batang lalaki ang batang babae ng isang bracelet saka ito isinuot sa kamay nito.

"Ano to?"

"It's my gift for you." Sabi nito Sabay halik nito sa pingi ng batang babae.

"Bakit mo ako in-kiss?"

"To sealed our promise." Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti.

Thaddeus keeps on thinking about that dream, what was that all about? it was a long time ago, halos hindi niya na rin naalala ang bagay na yun.

Siguro ito na ang karma niya, dahil hindi siya tumupad sa pangako nila, Ngayon nakulong siya sa isang kasalang hindi niya naman ginusto.

"Mr.Montemayor, are you with me?"
Sabi ng Boses na nagpabalik sakanya sa kasalukuyan.

"Yes, continue." Sagot niya sa malamig na boses, Mierda, he almost forgot that someone is discussing business in front of him.

Taimtim lamang siyang nakikinig sa sinasabi ng kaharap niya nang may mahagip ang mga mata niya na bulto ng tao na kakapasok lang dito sa Cafe na kilalang-kilala niya.

Chander, what the hell is she doing here?

Hindi siya nito makita dahil nakatalikod ito sakanya, mukhang may hihintay ito kanina niya pa ito tinitignan at matagal na itong nakaupo at patingin-tingin sa orasan nito.

May pumasok na isang lalaki na mukhang Half filipino din kagaya niya at malaki din ang pangangatawan nito.

"Babe!" Sigaw nito na nakatingin sa asawa niya, lumingon ang asawa niya pero hindi siya nito nakita dahil nakaharang ang bulto ng lalaki sakanya.

Nagpunta ang lalaki sa table ng asawa niya tumayo ang asawa niya at sinalubong ito ng yakap.

So, i see that your having an affair huh, sabi niya sa isip niya.

The Pain Of Loving You(Completed)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon