Chapter 14

58 0 3
                                    

"O sige tuturuan kitang magmaneho pero mag iingat ka ha?dahan dahan lang tayo.",rinig kong sabi ni Manong Berto

"Sige po salamat!",sabi ng isang batang lalaking todo and ngiti habang tumatalon.

Agad naman silang pumasok sa kotse at naghanap ng lugar na di gaanong marami ang tao upang dun siya turuan.Nagpunta sila sa isang kalsada malapit lang sa subdivision nila.

"O siya dito tayo mag ensayo,tara palit na tayo."sabi niya sa bata

Kaya ayun at dali daling nakipagpalit ang bata na todo parin ang ngiti.Sumakay na siya kaagad at hinawakan ang manibela ng kotse.

"Teka lang ha?magdahan dahan lang tayo baka mamaya mahuli tayo ng daddy mo."paalala ng matanda

"Sge po."magalang na sagot nung bata

Ayun na nga at tinuruan na nga siya nung lalaking kasama niya,di maitago ang tuwa sa mukha nung bata habang dirediretso siyang nagmamaneho hanggang umabot sila sa isang kantong paliko.

"Ang bilis mo talagang matutong bata ka."sabi ni Mang Berto sabay gulo sa buhok ng bata

"Paano po yan dito?"inosenteng tanong niya

"Mukhang ang aga pa para matutunan mo yan."

"Sge na po pleasee"pagmamakaawa ng bata

"Sge ganito yan.."sinabihan siya ni Mang Berto kung paano yun gagawin ngunit sa pagliko ng kotse ay bigla na lang silang may narinig na kalabog at ang mukha ng batang noon ay puno ng tuwa ay napalitan ng pagkagulat at takot.

Pati ang mukha ni Mang Berto ay puno na ng takot at pagkakabigla kaya agad agad siyang lumabas ng kotse at tinignan kung ano nga ba ang nagyayari sa labas.

"Dito ka lang iho ha"nag aalalang sabi niya

Ngunit sa takot at pag aalala ng bata ay lumabas rin siya ng kotse at bigla nalang siyang napaluha sa nadatnan

Isang lalaking nakabulagta sa kalsada na mukhang napadpad sa isang parte ng kalsada.Nakatingin ay lalaki sa batang umiiyak na tila ba humihingi ng tulong.

Dahil sa pagkakataranta ay nilapitan ng bata ang lalaki at paulit ulit na sinambit ang salitang "sorry"

Nung tuluyan ng maintindihan ni Mang Berto ang nagyayari ay dali dali siyang tumawag ng tulong.

"B-bata,paki usap t-tulungan mo a-ako."panghihingi nito ng tulong

"Sorry po!Sorry po talaga."umiiyak na sambit nung bata

"Shh wag ka ng u-umiyak.Di mo to ka-kasalanan."

"A-ako po yung nakabangga sa inyo,pasensya na po talaga."patuloy niya pang hikbi

"T-tahan na,gusto mo namang ma-makabawi sa akin diba?p-pwedeng humingi ng pa-pabor?"naghihina niyang tugon

"Kahit ano!Kahit ano po!"patuloy paring umaagos ang kanyang luha

Biglang may kinapa sa bulsa ang lalaki at binuksan ang kamay ng bata at may inilagay rito.

"N-ngayon kasi ang ka-kaarawan ng a-anak ko,paki hanap at pakibigay naman 'to sa kanya.Sabihin mo sa kanyang pa-pasensya na at di na yata makakdalo si papa at na ma-mahal na mahal ko siya at ng mama niya s-sobra."umiiyak na bilin ng lalaki bago tuloy tuluyan na itong manghina habang nakahawak sa kamay ng bata

"Ku-kuya?kuya?!"natatarantang sigaw ng bata ng makitang unti unti ng nanghihina at unti unti ng nalalagutan ng hininga

"Huwag niyong iiwan ang anak niyo!gumising po kayo!"tuluyang sigaw at iyak na nung bata nung tuluyan ng sumara ang kanyang talukap

Our Fated Encounter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon