Stella's POV:
Andito na naman kami sa tutoring room ni John na mukhang wala sa sarili ngayon."Hoy!nakikinig ka ba?",bigla ko nalang sigaw sa kanya kaya mabilis siya napalingon sa'kin
"Ha?may sinasabi ka ba?",nagtataka niya pang tanong
"Aba't kanina pa ako salita nga salita dito tapos lumilipad pala yang isipan mo,bukas na nga lang natin 'to ipagpatuloy.",naiinis kong sambit
"Pasensya ka na.",matamlay niyang sabi
"Ano ba kasing nangyari sa'yo at nagkakaganyan ka?"
"Ah wala 'to,marami lang talaga akong iniisip."-John
"Mukha nga,babae na naman yan noh?"
"Ha?Hindi ah,bakit selos ka?",pang aasar na naman niya
"Luh kapal neto."
"O siya bukas nalang natin 'to ipagpatuloy mukhang pagod na rin eh."
"Teka!may sakit ka ba?anong nakain mo?ikaw ba talaga yan?"pang aasar ko naman sa kanya
"Tch kinilig ka na naman."-John
"Hays di na nga ako makikipagsagutan sa'yo."
"Ayan kasi,talo pa rin naman."-John
"Whatever."sabi ko sabay irap,"Sige alis na ako."dagdag ko pa
"Hatid na kita."pang ooffer niya pa
"Di na,nag aantay pa yata si Angelo sa labas."
"Ayy oo nga pala,andyan na pala yung baby mo."matabang niyang sabi
"Bye na."sabi ko at nagsimula na akong maglakad sa pinto pero di pa ako tuluyang nakakalabas ay liningon ko siya ulit.
"Kung wala kang ibang makakausap at kailangan mo ng taong makikinig sa'yo,sabihan mo lang ako,bye!"I added and I left
Alam kong may bumabagabag sa kanya ngayon dahil kanina pa siyang umagang ganyan,actually simula nung Monday ganyan na siya.
Which bothers me,dahil di na niya ako masyadong inaasar at iniistorbo tulad noon.
Ok lang naman sa'kin if gusto niya ng may makikinig,willing naman ako pero if ayaw niyang mag open up edi di nalang ako mamimilit.
"Babyyyy!"biglang sigaw ni you know who
"Wag ka na ngang maingay.Kitang nagagabi na tapos ang ingay ingay mo."
"Antagal mo kasi eh,pero mukhang napa aga ka yata ngayon?"nagtataka niyang tanong
"Pagod yata yung isa kaya napaaga."
"Pansin ko rin na mukhang lumulutang yung isipan niya these past few days."sabi niya pa
"Pansin mo rin pala."
"Tara na,kanina pa tayo hinihintay ni tita mommy dahil nagluto daw siya ng favorite mo."sabi niya na nagpasaya sa'kin
"Let's goooo!"sabi ko at nagmadali ng pumasok sa kotse
____________________________________________
"Anak gumising ka na."panggigising ni mama
Kaya gumising na rin ako..
"Anak,pupunta ka ba sa daddy mo mamaya?"pagtatanong ni mama
"Teka po,ano pong araw ngayon?"
Kaya pinakita ni mama yung phone ko at nakita ko kung anong araw ngayon.
"Ah opo mama kaya baka magabihan na po ako mamaya."
"O sige mag ingat ka anak "sabi ni mama sabay kiss sa aking ulo "I love you,Happy Birthday."dagdag pa niya
BINABASA MO ANG
Our Fated Encounter [Completed]
Fiksi RemajaFormerly "Mr. Popular Meets Ms. Intelligent" One tragic incident, two different kinds of people, a popular and a nerd meet for a certain reason, but what could that reason be? Their paths will cross eventually for tutorial sessions that may lead to...