Today ang hectic ko masyado dahil baka kulangin ako sa oras ng pagprepare at maabutan ako ni John.
He actually was trying to ask me out today dahil aalis na nga sila bukas ng madaling araw at hanggang new year daw sila dun. But I told him that I can't come dahil kesyo tinutulungan ko si mama for noche buena, sabi niya naman ay ayos lang pero halatang nagtampo kaya perfect na rin yun haha.
Ngayon nagpapatulong ako kay mama sa pagbake ng cake. I planned on baking a cake for him instead of just buying outside in which nagkakaubusan na siguro ngayon. Hinihintay nalang naming ma bake yun dahil kanina pa naming yun isinalang sa oven at eto namang si Angelo ay busy sa pagkain ng mga binake ding cookies ni mama para mamaya.
"Hoy! Huwag mo ngang ubusin yan at magtira ka pa mamaya."
"Magbake ka nalang ulit!" sabi niya pa habang patuloy na kumakain
"Hayaan mo nalang siya Stella hanggang sa magsawa, meron pa naman akong itinago at ibibake." Sabi nalang ni mama kaya binelatan nalang ako ni Angelo.
"Bahala ka at baka tumaba ka diyan kakakain." Pananakot ko sa kanya
"Nah, a bit of work-out wouldn't be a problem." He said kaya inirapan ko nalang.
"O anak, tabi muna at mainit itong cake mo." Sabi ni mama kaya umiwas ako doon at nakita kong mukhang maayos naman ang pagkaluto nung cake.
"Bango naman, pahingi!" sambit ni Angelo pero pinalo ni mama ang kamay niya
"Sabi ng mainit pa eh!" saway niya kay Angelo kaya napasabi nalang siya ng, "Sabi ko nga po mainit pa."
"Ma maliligo po muna habang pinapa cool down muna yung cake." Paalam ko pa kay mama
"O siya, mabuti pa nga. Ikaw rin Angelo, maligo ka na at para masamahan mo si Stella at matulungan sa pagbitbit ng mga dadalhin niya." Sabi pa ni mama kaya napabusangot naman siya
"Sus, tinatamad pa naman akong maligo. Mag boyfriend ka pa kasi tapos ako aabalahin mo,tsk."
"Anong sabi mo?" nag gagalit galitan pang sabi ni mama
"Joke lang po, tita mommy hehe. Maliligo na nga po ako at sasamahan si baby." Sabi niya nalang habang napapahawak sa batok
"Kaya ka walang jowa eh." Pang-aasar ko pa sa kanya at tumakbo na papunta sa kwarto ko
"Walang personalan!" rinig ko pang sigaw niya nung nakapasok na ako sa kwarto ko.
Pumili na nga ako ng susuotin kong damit tapos pumasok na sa banyo upang maligo at gawin ang routine ko tapos nagbihis at nag-ayos kaunti sa aking sarili.
I looked at myself on the mirror wearing a plain white blouse with dark washed ripped jeans and white chunky sneakers for a bit of height, without the troubles of wearing heels. I lightly curled my hair and fixed a messy ponytail. I also did a light coverage make-up that I learned from his sister. I guess this looks good enough? I then grabbed my bag and the things I needed for the set-up I'm going to do for today.
When I went downstairs, Angelo still wasn't there kaya alam ko ng nagbibihis pa yun sa loob ng kwarto niya o tinititigan na naman ang sarili sa salamin ng kay tagal.
"Here's the cake, I finished it for you." Sabi ni mama sabay lapag nung box ng cake sa center table kaya nilapitan ko siya at niyakap. "Thank you, ma."
"No problem, just for my Angel's happiness." She said and kissed the top of my head.
"At anong yakapan na naman ang nagaganap at hindi na naman ako isinali?" rinig naming sabi ni Angelo na pababa na ng hagdanan.
BINABASA MO ANG
Our Fated Encounter [Completed]
Teen FictionFormerly "Mr. Popular Meets Ms. Intelligent" One tragic incident, two different kinds of people, a popular and a nerd meet for a certain reason, but what could that reason be? Their paths will cross eventually for tutorial sessions that may lead to...