Kabanata 4(CALLSIGN)

1.4K 36 5
                                    

Mag aalas dyes na ng gabi ng makauwi si Amy, matapos ang kanilang mahaba habang kwentuhan.

Pahiga na si Aya ng tumunog ang kanyang cellphone. It was Jedric.

" Hello Aya buti gising kapa? Dapat maaga kang natutulog, para healthy ka." bungad nito ng may banyad na panenermon.

" Kakauwi lang kasi ni Amy eh, napakwento kami, teka dinidiktahan mo ba ako?" nakataas na kilay na tanong ni Amy.

"Actually, yes. Dahil ayaw kong magpuyat ka, masama ba?"

" Hindi naman, pero ikaw nagpupuyat." pairap na sagot ni Aya.

" Hindi po, heto na po patulog na nga kaya tumawag ako sayo. Sabay na tayo, wag kanang manood ng kung ano ano dyan." he said with an teasing tone.

" Baliw! Hindi ako nanonood ng kung ano ano no! Bahala ka nga diyan!"

"Sorry na po, wait bago ko iend ang call, gusto ko munang itanong sayo kung anong gusto mong call sign natin? Suggest ka."

" Hmm friend?" biro niya.

" Friend ka dyan! Isip kang magandang call sign natin." pangungulit ni Jedric.

"Hmmm diko alam e, hindi naman ako sanay sa gantan wala pa kasi akong naging boyfriend since birth." sabi niya.

"Bebe nalang! From now on tatawagin na kitang bebe. Ayos ba?"

Muntik ng mapatawa si Aya ngunit pinigilan niya lang, bebe talaga! Ang corny lang ah.

"Wala nang iba?" nakangiwi niyang tanong.

" Syempre ayaw mo magsuggest eh,o tara na bebe tulog na tayo maaga kapa bukas. I love you." biglang namula ang pisngi ni Amy sa huling sinabi nito.

Gustuhin man niyang sumagot pero magpapachoosy muna siya. Bahala siya!

"Oo na tara na goodnight." sabi niya at pinatay na ang tawag.

AGAD NAGISING SI AYA. Agad niyang chineck yung phone niya if may message sakanya si Jedric. Di niya alam kung madidisappoint siya o hindi. Bakit niya nga ba inaasahan na imessage siya ng lalaki? Hindi naman siya obligasyon nito. Maybe nasanay nalang siya na ganun kaya hinahanap hanap niya?

Nagready na siya para pumasok sa school. Nagulat nalang siya ng makita niya ang lalaki sa tapat ng kanyang dorm.

"Anong ginagawa mo dito?"bungad na tanong niya. Nginitian siya ni Jedric.

" Ihahatid na kita sa school bebe. Goodmorning"nakangiti pa rin ito sakanya.

"Ano ba! Baka matunaw ako niyan ha!"kinikilig na sambit ng pasaway niyang isip.

"Oh nakangiti ka diyan bebe? Kinikilig ka no, aminin mo na."tukso nito.

"Che! Asa ka! Natawa lang ako sa endearment mo sakin pero hindi ako kinikilig no."depensa niya.

"Weh? E halos maihi kana sa kilig eh!"kontra ng isip niya. Naiinis na siya ah! Kanina pa to.

"Why so defensive?nga pala before tayo pumunta sa school, mag breakfast muna tayo. Tutal maaga pa." yaya ni Jedric kaya tumango na lamang siya.

Sumakay na siya sa motor nito. Wala man 10 mins ang biyahe nila at nakarating na sila sa isang restaurant.

"Grabe, breakfast lang dito pa?"puna niya ng makababa na siya.

"Syempre bebe gusto ko special ang lahat. A very special girl, deserves a very special treat."banat nito sabay kindat sakanya.

Ang epal naman na isip kinilig nanaman! Okay aminin niya, nadadala na siya sa mga banat ni Jedric. Ayaw niya lang ipahalata, nagpapachoosy lang siya.

Nilahad nito ang kamay niya na kinuha naman niya kaagad at sabay silang pumasok sa restaurant.

"What's your order po ma'am/sir?"tanong ng waiter sakanila pag-upo palang nila.

"Pili ka bebe, ako ayos na ako sa kahit ano. Makita lang kita busog na ako eh." sabi ni Jedric, ayan nanaman po ito sa banat!

Automatico na napangiti siya. Napatingin siya sa waiter na tila kinilig din sa banat ng binata.

"Dami mong alam!"sabi niya at sinabi na niya sa waiter ang gusto niya.

"Seryoso bebe,totoo lahat ng to. Baka akala mo linoloko kita. Minsan lang ako magkaganito bebe kaya ayaw na kitang pakawalan."seryosong sambit nito at hinawakan pa ang kamay niya.

Bigla namang tumulo ang luha ni Aya. Hindi niya iyon mapigilan.

Siya rin naman, minsan lang siya makaramdam ng kakaibang saya, na kay Jedric niya lang naranasan. Kaya nga wala pa siyang nagiging boyfriend. But with Jedric arms, she feel like she is the luckiest girl in the world. Wala na siyang mahihiling pa bukod sa good looking ito, mabait, sweet at seryoso ito sakanya.

"Hindi ko minamadali ang panliligaw ko sayo bebe. Hayaan mo lang ba iparamdam ko sayo araw araw na mahal kita. At hihintayin kita kahit gaano pa yan katagal. Basta ipangako mo sakin na, sakin ka lang. Please bebe."puno ng pagsusumamo ang boses nito kaya wala sa sariling napatango siya agad.

"Pangako yan."

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon