Pagtapos nilang mag breakfast agad naman siyang hinatid sa school.
"Ahh! Ano yon ha?"tili ni Amy. Kanina pa ito kinikilig ng makita niyang kasama niya si Jedric.
"Baliw ka talaga no? Alam mo naman na nanliligaw sakin yung tao." natatawang sambit niya.
"Pero pansin ko day by day ha, parang hulog na hulog na yun sayo eh. Ngayon lang yan nagkaganyan sa babae kaya naku!ang swerte mo bes."nakangiting sambit ni Amy na ikinangiti niya.
Alam niya. Napakaswerte siya dahil siya ang nililigawan ni Jedric. Sana man lang ay mahintay siya nito at hindi magsawa sakanya.
Nang matapos ang class nila agad naman niyaya ni Amy si Aya sa kung saan.
"Hoy ano nanaman gimik mo no."inis na sambit ni Aya. Gusto na niyang magpahinga sana kaso napuslit siya ng kaibigan niyang expert sa galaan.
"Wag ka nga bes I'm sure na mag eenjoy ka. Hintayin nalang natin si Christian dito,kasama niya mga pinsan niya."
"Ha? Baliw kaba baka ano pang mangyri satin no, baka masasamang tao mga yan. Naku bes ikaw kahit kailan di ka talaga nag iingat."sermon niya sa magaling niyang kaibigan pero hindi siya pinansin nito dahil busy siya sa kakatext sa kung sino.
"O ayan na pala sila, tara bes."saka siya nito kinaladkad papunta sa mga boys.
"Oh hi Amy, Aya. Heto pala mga pinsan ko, si Darwin." pakilala nito sa lalaking nakaputing damit at chinito.
"Infairness cute ah."bulong ni Aya sa sarili na agad naman siyang natauhan sa sinabi. Hindi to pwede dahil may Jedric na siya!
"Baket kayo naba? Hindi pa naman diba?"bulong ng intimidating part ng kanyang isip.
"Hello nice to meet you girl."nakangiti na ito, lalo tuloy nawala ang mata nito!
"Heto naman si Ronald."turo naman nito sa morenong lalaki at chinito din. Ngumiti rin ito at kinamayan sila.
Pagkatapos ng pakilala session dumiretso na sila sa restobar na favorite tambayan ng barkada.
Nag-order na sila ng foods and drinks habang siya naman ay nag scroll lang sa kanyang fb. Kainis, hindi niya magawang makapagdaldal dahil sa lalaking katabi niya.
"Ang tahimik mo naman."puna nito sakanya, kaya ngumiti nalang siya. Hindi niya alam kung paano dugtungan ang usapan nila eh.
Salamat nalang sa kwelang pagsingit ni Christian, muling nabuhay ang grupo. Joker pala sila kaya nag enjoy na rin siya. Napainom na sila kaya dumeretso nalang sila sa bahay nina Darwin.
"Ahm mauna na kami ni Christian sa kabilang kwarto bes ha, ayos lang ba kung samahan ka ni Darwin?"sabi ni Amy, nabubulol na ito salita dahil lasing na ito ng sobra. No choice na siya kung di tumango.
Mukhang mabait naman si Darwin kaya ayos na sakanya yun.
"Ah tara na sa loob?"nahihiyang sambit nito sakanya. Tumango lamang siya at tinanggap ang kamay na nilahad nito sakanya.
Humiga na sila sa kam medyo na-conscious siya kung tama ba ang ginagawa niya na katabi niya ang ibang lalaki?
Nevermind. Sambit niya sa isip. Wala na siyang plano na makipagtalo dito. Single naman siya at walang problema yun. Isa pa wala naman silang ginagawang masama. Tabi lamang silang matulog dahil wala ng available kwarto. Yun lang.
Medyo matagal bago niya napakalma ang sarili. Pero hindi siya makatulog. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang yakapin ni Darwin.
Hindi tuloy siya makakilos. Hindi niya alam ang gagawin. Paglingon niya mahimbing na ang tulog nito pero mas lalong humigpit ang yakap nito sakanya kaya hinayaan niya na lamang at natulog na rin.
Nagising na lang siya ng kumakalam ang sikmura. Ganun pa din ang posisyon nila kaya dahan dahan siyang tumayo pero nagising na ito.
"Saan ka pupunta?"tanong nito.
"Nagugutom kasi ako eh."nahihiya niyang sambit.
"Ah ganun ba, upo ka muna pangkukuha kita, may spaghetti dun gusto mo yun?"tanong nito sakanya kaya tumango na lamang siya. Wala pang limang minuto bumalik na ito dala ang dalawang plato ng spaghetti.
"Tara at kumain muna tayo."sabi nito ag binigay sakanya. Walang nagsalita sakanila habang kumakain pero binasag ng lalaki ang katahimikan.
"Aya?"
"Yes?"nilingon niya ito, pero bigla nalang nitong hinawakan ang kanyang kamay.
"Ngayon ko lang naramdaman yung ganito. Pasensya kana." sabi nito kaya naguluhan siya sa kung anong tinutukoy nito.
"Magulo ba? Sorry pero gusto ko lang sabihin sayo na inlove at first sight ako sayo Aya. Mas lalo kitang nagustuhan nung nakasama at nayakap kita syempre. Kaya kung pwede sanang humingi ng permission at liligawan kita?"sabi nito na ikinagulat niya.
"Nakakagulat ka naman pero seryoso ka ba diyan? Baka salitang lasing lang yan."
"Oo seryoso ako Aya. Sige tanungin mo ako bukas pag hindi na ako lasing. Pero sa ngayon?alam mo na ang nararamdaman ko."sabi nito bago siya hinalikan.
BINABASA MO ANG
PAUBAYA
Teen FictionAkala ni Aya si Jedric na ang makakasama niya pang habang buhay. Mahigit dalawang taon na silang nagsasama, walang problemang hindi nila nasosolusyunan. Everything seems prefect, but... Jedric cheated on her. Pinatagal pa nito ang relasyon nila Aya...