Nabigla siya sa ginawang pag halik sakanya ni Darwin pero hindi siya makagalaw. Kusang tumugon ang kanyang mga labi at sinagot ang mga halik ni Darwin.
Pero bago pa lumalim ang mga halik nila agad nang kumalas si Darwin." Pasensya kana Aya. Hindi ko lang napigilan...patawarin mo ako. Buti at nakontrol ko ang sarili ko baka may mas matindi pang mangyari. Tara? Matulog na ulit tayo?"
"Sige okay lang. Una na ako matulog ha? Goodnight."sabi niya at dumiretso na sa kama.
KINABUKASAN maaga silang hinatid ni Christian sakanilang kanya kanyang dorm. Nawala na ang lasing nito pero nandun pa din ang pakiramdam ng halik nilang dalawa. Pero hindi niya rin maiwasan maalala ang first kiss nila ni Jedric. Kahit smack lang yun, mas ramdam niya.
Hay ang gulo! Nahiga nalang siya sa kama at naisipan buksan ang kanyang cellphone. Gulat siya ng tumambad sakanya ang sandamakmak na messages and calls from Jedric.
Mostly sa mga ito worried dahil hindi siya nagrereply sa mga message nito kagabi.
Pero ang mas ikinagulat niya na puro crying emoji at binanggit ang tungkol sakanila ni Darwin!
Nakita nito na magkayakap at naghalikan sila!?o gosh! Paanong nangyari yun?
Bago pa siya mabaliw sa kakaisip biglang tumawag si Jedric na agad naman niyang sinagot.
Hindi ito agad nagsalita. Narinig niya ang paghikbi nito sa kabilang linya.
"Ano ba Jedric? Hindi ko naman expect na gagawin niya yun. Saka pareho naman kaming single kaya walang big deal dun okay?"sabi niya pero wala siyang narinig mula sa kabilang linya.
"Uy magsalita ka naman?"untag niya dito.
"Sorry ha?sorry kung nagagalit ako ngayon. Alam mo ba yung feeling na nag aalala na ako ng sobra sayo kaya gumawa ako paraan para malaman ang dahil bakit ka busy? Pinuntahan kita nagbiyahe ako kahit napakalayo at oras na para sunduin ka at ihatid sainyo. Dahil i care about you bebe. Tapos ganun madadatnan ko?"
mahabang lintanya nito at humikbi pa sa dulo."Para sakin kasi, tayo na eh. Saka nangako ka na sakin ka..pero bakit ganun? Alam mo ba? Simula nung niligawan kita, iniwasan ko lahat ng babae na kilala ko. Kahit kaibigan ko yan..pero ikaw? Hindi ko alam bakit mo nagasawa sakin to. Oo walang tayo alam ko yun pero umasa ako diba?"dagdag pa nito.
Hindi niya alam ang sasabihin. Nasaktan niya ng sobra si Jedric at hindi niya alam paano pa hihingi ng tawad dito.
"Sabihin mo lang kung gusto mo ng itigil ko ang panliligaw ko sayo ah? Kasi narinig ko na liligawan ka daw niya. Baka kasi makasabagal ako sa panliligaw niya sayo, halata din naman kasi na gusto mo siya eh. So talo ako bebe. Pasensya na kung heto lang ako."sabi pa nito at suminghot pa.
Naawa siya ng sobra. At the same time sobrang guilty niya sa nangyari. Hindi niya nalang inisip ang mararamdaman nito.
"Sorry. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung paano ko mapapagaan ang loob ko sayo. Pero wag kang mag-alala, hindi naman kita pinapatigil sa panliligaw eh."
"Para ano? Para makipagkumpitensya sakanya? Hindi ito laro na kung saan ikaw ang premyo bebe. Alam ko naman na talo ako eh. Gwapo yun at panget lang ako. Pero alam mo bang sobrang seryoso ko sayo? Yung tipong baliw na baliw na ako sayo. Kahit mga kasamahan o kaibigan ko pansin yun. Dahil sayo yun bebe. Dahil sayo kaya ako nagkaganto. Pero kung ganito man lang na may karibal ako, mabuti pang tumigil na ako."
Nagulat siya sa sinahi ni Jedric. Hindi niya expect na seryoso na talaga ito. Mukhang sobrang nasaktan sa nangyari. Siguro nga kung siya ang nasa kalagayan nito, aalis nalang siya ng walang pasabi.
Pero hindi naman nito kailangan tumigil sa panliligaw dahil ito ang gusto niya.
"Please Jedric..wag mo akong iwan. Promise ko na magiging magkaibigan lang kami ni Darwin.. dahil hindi ko pa naman siya pinapayagan..ikaw lang pinayagan ko na manligaw. Wag kana magalit pasensya na please? Kalimutan mo nalang ang mga nakita mo..babawi ako sayo please?"pagmamakaawa niya. Hindi niya kakayanin na mawala sa buhay niya ang lalaking nagparamdaman sakanya kung gaano mahalin at pinaparamdam nito araw araw kung gaano siya kahalaga dito.
Kaya walang makakatumbas sa mga nagawa ni Jedric para sakanya. Mahal na mahal niya ito.
"Pangako mo yan bebe, akin kalang ha? Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, Jedric."
BINABASA MO ANG
PAUBAYA
Teen FictionAkala ni Aya si Jedric na ang makakasama niya pang habang buhay. Mahigit dalawang taon na silang nagsasama, walang problemang hindi nila nasosolusyunan. Everything seems prefect, but... Jedric cheated on her. Pinatagal pa nito ang relasyon nila Aya...