Kabanata 2( FEELINGS)

1.6K 36 2
                                    

Nakatulog ng mahaba si Aya dahil sa sobrang kapuyatan, nagising na lamang siya ng alas tres ng hapon. Agad siyang bumangon at nagluto na para sa kanyang makakain, while cutting ingredients, hindi maiwasan ni Aya na isipin ang "First Kiss"nila ni Jedric. Miss na rin niya ang binata.

Pero ayaw niya naman umasa masyado. Baka may nililigawan na ito, hindi siya sigurado.

Matapos magluto, kumain na siya at nag-browse ng facebook. It's been a week simula ng makapag-open siya dahil wala rin naman siyang inaasahang mag memessage sakanya. Wala naman siyang boyfriend or kaflirt man lang.

Sa sobrang pagkabored, naisipan niyang istalk si Christian at hanapin sa friendlist nito si Jedric, she don't know what she feel pero gusto niyang makausap si Jedric.

Finally a few minutes later, nahanap niya narin ang facebook nito. Medyo alangan siya kung ichachat niya ba ang lalaki.

May part kasi sa isip niya na, " Babae ka, dapat siya ang mag first move."

May parte sin sa isip niya na nagsasabing, tuloy niya nalang kung anong balak niyang gawin.

"Bahala na." she took a deep breath at nagsimula na siyang i-message ang lalaki.

Aya Tolentino: Hi kuya

"Gosh! Ikaw pa talaga mag first move! Pero di bale.. ayos lang atleast... Well, makausap ko siya." bulong ng kanyang isipan.

Wala pang limang minuto, nakatanggap na siya ng reply mula sa lalaki.

Jedric Ching: Hello Aya, kamusta ka😁

Napangiti siya ng mabasa ang reply nito at impit na kinilig. Sobra, ganto lang napasaya siya ng lalaki.

Marami silang napag usapan at feeling niya, gusto din siya ng lalaki. Pero ayaw niya muna mag assume. Sa ngayon, masaya siya na malapit na silang maging close ni Jedric, ang lalaking nakapag- patunay sakanya na totoo ang LOVE AT FIRST SIGHT.



BINUKSAN NI AYA ANG PINTO NG DORM NI AMY. hindi kasi ito sumasagot ng mag doorbell, tutal pala may duplicate naman siya. Sabay silang papasok sa school, at hindi sila pwedeng malate. Knowing Amy, kapag may gaalan, talagang ayaw ng tumayo sa kama.

" Bes! Gising na, 1 hr nalang before class ano ba!" pang gigising niya dito pero umungol lang ito.

" Hmm antok pa ako bes. Pagpaalam mo nalang ako..masakit pa ulo ko" sabi nito at nagtalukbong pa ng kumot.

"Hays! Bahala ka nga pag nakamiss ka ng lesson." sabi niya at umupo sa study table nito. Gagawan niya ng excuse letter ang magaling niyang kaibigan.

Best in Galaan goes to Amy Delos Santos.

" Got to go bes, nagawan narin kita excuse letter. Just message me if you need help okay?" pamamaalam niya sa kaibigan. Umungol lang ito bilang pag sang-ayon.


MAG ISA LANG KUMAIN NG LUNCH si Aya sa cafeteria. She has no friend except Amy. Okay na sakanya ang isa atleast totoo. Habang kumakain, nag ring ang phone niya.

Then she saw the caller name. It was  Jedric.

Dali dali niya itong sinagot. "Hello Aya. Naistorbo ba kita?" bungad agad nito.

"No don't worry, I'm eating lunch lang naman."
sabi niya at inabot ang tubig sa mesa. Nakakauhaw ang tagpong 'yon para sakanya. Pinilit niyang maging kalmado sa kabila ng kaba.

'Di na siya magtataka isang araw ay mabingi siya.

" Sinong kasama mo?"

" Ako lang mag isa. Wala si Amy, puyat siya e."

" Mag iingat ka diyan ha?sabihan mo lang ako kung gusto mong pasundo mamaya." he said, he seems like.. concerned?

" Okay na ako mag cocommute nalang ako." nahihiyang sambit niya.

" Well, nag insist na ako bebe. Susunduin nalang kita para safety ka. Sabi ni Christian, 7:30pm palang ang labas mo sa school kaya delikado na para sa isang binibini ang magcommute."

"Hmm sige sabi mo eh. Salamat sa concerned"
shocks! She didn't know kung ano pang idadagdag niya sa sinabi niya.

"Ganito pala ang feeling kapag kausap mo ang taong gusto mo" sabi niya sakanyang isip.

" Always akong concerned sayo Aya. Kung pwede lang sana na.. ligawan na kita." may sinabi pa ito bandang dulo pero hindi na maintindihan ni Aya 'yon dahil sa sobrang hina.

" Anong sabi mo?" naguguluhang tanong niya.

" Wala, sabi ko kumain kana. Pakabusog ka, wag mong papabayaan sarili mo. Chat mo nalang ako kapag palabas kana, I'll be there in 10 mins."

" Okay sige. Bye" sabi niya at pinutol na niya ang tawag.

Feeling ni Aya, pulang pula ang kanyang mukha. Pero isinantabi niya muna iyon at kumain na.. mamaya na siya kikiligin pag wala ng nakakakita.

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon