Makalipas ang isang buwan,patuloy pa rin sa panliligaw si Jedric at Darwin kay Aya.Pero binasted na niya si Darwin dahil kung papatagalin niya pa ang panligaw, masasaktan din ito sa huli. Maluwag naman itong tinanggap ng binata. He even wish for her happiness, how sweet.
Hindi niya tuloy maiwasan malungkot, sayang lang hindi niya masuklian ang pagmamahal nito, kaya sana makahanap ito ng babaeng kayang mahalin siya kung paano ang pagmamahal nito.
Tinupad naman ni Jedric ang pangako niyang ipaparamdaman sakanya na mahal na mahal siya nito araw araw.
Hindi rin mapigilan ni Aya na mahulog ng sobra sa lalaki. Una palang mahal na niya ito lalo na ngayon.
Napangiti tuloy siya ng wala sa oras habang nag aayos, naghahanda na kasi sila dahil bukas na ang darating na kaarawan ng kanyang kapatid. Siya ang nag aayos sa decorations. Inaayos na nila ngayon para bukas kaunti nalang ang kailangangang asikasuhin.
Patapos na si Aya ng biglang tumawag ang binata sakanya."Hello"bungad niya.
"Kamusta naman ang bebe ko diyan?hindi kapa ba napagod?"paglalambing nito. Napangiti siya ng matamis sa sobrang kilig na nararamdaman.
"Hindi naman po ako napagod. Ikaw kamusta kana diyan sa work mo?"
"Heto, pagod at pawis pero nawala lahat ng 'yon dahil narinig ko na ang napakagandang boses ng mahal ko."banat pa nito.
"Nako!Jedric kota kana ah."pag aamin niya.
"Kailan mo ba ako sasagutin bebe?hindi naman sa hindi na ako makapaghintay pero gusto ko lang naman na maging official na tayo. Alam ko naman na mahal mo rin ako eh, pareho lang tayong nararamdaman."sabi nito kaya napapikit siya.
Matagal na niyang pinag isapan ito. Ngayon niya lang naranasan ang saya ng mundo niya. Araw araw pinaparamdam nito na mahalaga ito sakanya at mahal na mahal siya. Ginagawa ang lahat mapasaya lamang siya at lahat na ng effort. Wala na siyang mahihiling pa sa binata. Kumbaga complete package na ito.
Ayaw na niyang pakawalan kaya huminga siya ng malalim. Buo na ang desisyon niya.
"Alam ko naman na mahal na mahal mo ako diba? Kaya sige simula ngayon girlfriend mo na ako."sabi niya at ngumiti ng matamis.
Matagal na hindi nakapagsalita si Jedric sa kabilang linya kaya akala niya nawalan ito ng signal.
"Talaga? I'm sorry bebe nabigla lang ako. Pero napakasaya ko. Para akong nanalo sa lotto. Maraming salamat bebe,pangako sayo na aalagaan at hindi kita lolokohin o iiwan."sabi nito at humikbi. Natawa naman siya sa naging reaksyon ng binata.
Pero sobrang saya ng puso niya. Dahil finally! Meron na siyang boyfriend at alam niyang deserve niya ang lalaki.
"Promise mo yan ah at siguraduhin mo lang na sakin ka lang. Mahal na mahal din kita Jedric ng sobra. Una palang makita kita hanggang ngayon." pag aamin niya sa binata.
"Wow that's nice. Simula ngayon myloves na ang itatawag ko sayo dahil girlfriend na kita. Okay ba yun?"
"Hmm sige okay na kesa sa bebe! Hahaha ako naman itatawag ko sayo naesarang."
"Nahilig ka talaga sa korean no myloves. Osya sandali lang po ha, may client kasi dumating e. assist ko muna. Ikaw ituloy mo na ang ginagawa mo update nalang kita. I love you myloves."sabi nito.
"I love you too naesarang. Ingat ka diyan ah, sakin kalang."sabi niya bago niya pinatay ang tawag.
Gusto na niyang magtatalon at magtitili sa tuwa ngayon pero pinipigilan niya lang dahil maraming nakatingin. Isa pa, hindi niya pa sinasabi sa parents niya ang tungkol sa boyfriend niya.
"Ate bakit ka kinikilig diyan?"biglang sulpot ng nakakabata niyang kapatid.
"Alam mo ang malisyoso mo no! Tulungan mo na nga lang ako dito."pagsusungit niya kahit deep inside gustong gusto niyang ikwento ang lahat pero saka na. Baka bigla nitong sabihin sa mama niya, hindi pa siya handa.
HINDI MAPIGILAN ni Jedric ang magtatalon sa tuwa, paano official na sila ng pinakamamahal niya.
"Oh ang saya mo ata boss."puna ni Christian sakanya.
"Oo kasi sinagot na ako ni Aya kanina. Daig kopa ang nanalo sa lotto boss. Sobrang saya ko. Salamat ha? Kung di dahil sa inyo ng gf mo hindi ko makikilala ang gf ko."pasasalamat niya dito.
Buti nalang talaga at pumayag na siya sa lakad nilang yun matapos kulit kulitin. Tinatamad talaga siya that time. Pero siguro kung pinanindigan niya ang katamaran, hindi niya nakilala si Aya. Kaya simula ngayon magsisipag na siya sa lahat ng bagay!
"Sabi sayo eh. Pero masaya ako para sayo na nahanap mona ang babaeng mamahalin mo ng sobra. Grabe ah, inlove na inlove kana talaga."natatawang sambit nito kaya sinuntok niya ang kaibigan niya ng mahina sa kilig.
Wag na kayong kumontra, sobra sobra lang ang nararamdaman niyang saya ngayon, halo halo ang emosyon.
"Oo nga eh, kilala mo naman ako hindi seryoso sa pagdating sa babae."sabi niya at napailing.
Ibang iba talaga ang epekto ng gf niya sakanya.
"Believe na talaga ako kay Aya boss. Napabago niya ang fuckboy! Hahaha masaya ako para sainyo sana magtagal pa kayo."
Hindi lang yun sana. Gagawin niya talaga dahil si Aya na ang gusto niyang makasama pang habang buhay.
BINABASA MO ANG
PAUBAYA
Novela JuvenilAkala ni Aya si Jedric na ang makakasama niya pang habang buhay. Mahigit dalawang taon na silang nagsasama, walang problemang hindi nila nasosolusyunan. Everything seems prefect, but... Jedric cheated on her. Pinatagal pa nito ang relasyon nila Aya...