Finally, after ng mahaba habang discussion, natapos na rin ang subject nilang Physics ay uwian na rin. Agad kinuha ni Aya ang kanyang cellphone at minessage si Jedric.
Ang dami na palang chat nito sakanya, matapos niyang replyan ay lumabas na siya. Madami pang lumalabas na estudyante kaya naghintay muna siya sa bench. Nang makalabas na ang karamihan saka na siya lumabas.
Gulat siya ng makitang naka-abang si Jedric sa tapat ng gate, may dalang chocolate bouquet.
"For you my Princess." nakangiting lahad nito.
"Nag abala ka pa, pero thankyou for this ha."nahihiyang sambit niya.
"Tara na, we will go to Korean Restaurant I'm sure gusto mong kainin mga menu dun?" he said and smiled widely, lalo tuloy siyang nainlove sa ngiti nito.
"Sige pero naka uniform pa ako eh." sabi niya at nginuso ang suot.
"Okay lang it doesn't matter now basta kasama kita at masaya tayo, ayos na ako." sabi pa nito kaya gusto niya tuloy iipit ang buhok niya sa tenga niya sa sobraaang kilig!
Umangkas na siya sa motor nito, medyo ilang nga lang siya, hindi tuloy siya makahawak.
"Hawak ka, di naman ako mabaho o wala naman akong sakit." sabi nito while driving.
Dahan dahan niyang nilapit ang kanyang kamay at yinakap niya ito. Amoy nanaman niya ang mabangong amoy ng lalaki.
She can't help but smile. Pumikit nalang siya at dinama ang simoy ng hangin kayakap ang lalaking mahal.
"SOBRANG SARAP! BUSOG NA BUSOG AKO!"
puna ni Aya matapos ang mahaba habang session na pagkain nila. Sobrang dami ng inorder ng lalaki para sakanila at hinayaan niya lang ito na makakain siya ng marami. Importante daw na mabusog ito, ayos na daw ito na konti ang kainin niya basta't makita lang siya. Kilig much!"Aya?" nakangiting tawag nito sakanya.
" Hmmm?"
"Pwede ba kitang ligawan?" diretsong sambit nito. Medyo nagulat siya pero inaasahan niya naman na sasabihin ito ng lalaki sakanya.
"Pwede naman. Basta lang wala kang ibang nililigawan ah." paninigurado niya.
Hinawakan ni Jedric ang kamay niya at hinagkan isa isa ang kanyang mga daliri.
" Wala akong ibang gusto, Aya ikaw lang. Maniwala ka man sakin o hindi, gagawin ko lahat para maparamdam sayo na mahal na mahal kita. Kakaiba ang naramdaman ko simula nung una kitang nakita. Hangga pag uwi ko, I can't stop thinking of you. Dun ko rin na realize na, I can't complete my life without you. Ilang araw palang pero ayoko ng mawala ka."
mahabang lintanya nito na siya naman nagpaiyak sakanya.Jedric was the man she dreamed of. At hindi niya aasahan na magugustuhan din siya ng lalaki gaya ng nararamdaman niya.
And she indeed believed him.. sana lang maging consistent ito mula sa una.
"DI KA MAN LANG NAGKWENTO SAKIN!" nagtatampong saad ni Amy. Ang tinutukoy nito ay ang panliligaw ni Jedric sakanya, pag-uwi nila kagabi, nawala na sa isip niya ang magkwento. Siguro nalaman nito kay Christian dahil paniguradong kinwento na ni Jedric sa kaibigan niya.
"Sorry naman po, balak ko naman talaga ikwento ngayon e naunahan mo lang ako." pangangatwiran niya.
"Hmp! Okay lang 'yon bes, I'm happy dahil finally! Tumanggap kana ng manliligaw mo, aminin mo, gusto mo rin ba siya? Knowing you,di ka tatanggap ng manliligaw kung wala kang interest sa lalaki."
Kabisado pala ni Amy ang likaw ng bituka niya.
" Sige aminin ko, tutal best friend naman tayo. Oo gusto ko siya.. simula nung makita ko siya i think na love at first sight ako bes. Walang oras na di ko siya naiisip at sobrang kaba, at iba sa pakiramdam pag kausap o kasama ko siya. Kaya tinanggap ko ang panliligaw niya." pag aamin niya.
Bigla siyang yinakap ni Amy, " Matino ang lalaking yun bes kaya botong boto ako sakanya. I'm sure di ka niya sasaktan well, matured enough na din kaya wala ng time magloko yan"
She is 19 years old samantalang si Jedric at 23years old na. Well age doesn't matter right? Hindi naman pinipili ang iibigin mo. Kaya tatanggapin mo ang lahat sa taong mahal mo. She tought to her self.
" Sana nga bes."
Sana, kapag sinagot niya si Jedric, magtagal sila. Ayaw na rin niyang pakawalan ang binata.
Gusto niya, isang beses lang siya magmahal at pang habang buhay na.
BINABASA MO ANG
PAUBAYA
Teen FictionAkala ni Aya si Jedric na ang makakasama niya pang habang buhay. Mahigit dalawang taon na silang nagsasama, walang problemang hindi nila nasosolusyunan. Everything seems prefect, but... Jedric cheated on her. Pinatagal pa nito ang relasyon nila Aya...