BDL IS BACK!

784 8 0
                                    

BEA POV

" Bat wala kang sinasabi sa akin?" Nagtatakang tanong ko.

" Wala lang talaga akong time na sabihin sayo at tsaka hindi naman sya ganun kaimportante para makilala mo pa" She answered.

" Sorry na nga po babe. Promise sasabihin ko sayo kung once na ihahatid ako ni Nico" Dagdag nya.

" Promise?" I asked.

" Opo kaya don't be sad na" Sagot nya habang niyayakap ako.

" Ehem ehem tama na yan, training muna" Parinig ni Maddie kaya natawa naman kaming lahat.

" Ay oo nga pala Babe, alam mo ba na sa February 16 na ang start ng season? " She asked.

" Yes Babe kaya nga I went here na kaagad para I can train na din" Sagot ko.

" Ganun ba? Sige " She replied.

" Okay get your things then put it inside the bus na. Coach O called na, he's there na daw sa BEG kaya let's go!" Sabi ni Maddie kaya kaagad na kaming kumilos.

JHO POV

So ayun nga, nakauwi na si Bea galing ibang bansa. Muntik pa kaming magaway dahil kay Nico.

( beep )

Speaking of Nico........

From: Nico E.

Hi jhooo! My classes will be finished earlier today, so pwede kitang sunduin tapos dinner tayo?

Noooooooo! A big nooooo! Magagalit si Bea, andito na sya kaya she's my first priority now.

To: Nico E.

Sorry pero I can't ehh. Si Bea na kasi ang kasabay ko umuwi from now on.

From: Nico E.

Okay, next time nalang?

Hindi ko na sya rereplyan baka makita pa ako ni Bea.

" Babee!" Sigaw nya kaya naihagis ko yung phone ko shet!

Sya ang nakapulot, kaya kaagad ko itong hinablot at tila nagtaka sya.

" Sino katext mo?" She seriously asked.

" Ahhh ehhh si Jaja lang yun, nang aasar kasi" Palusot ko.

" Sige tara na daw sa court " She replied while bringing my phone back.

Same routine lang naman ang ginawa namin.

Spike......

Dig......

Set......

Vise versa........

" Well done guysss! Mas lalo na tayong nagiimprove at buti nalang bumalik na nga rin sa court si BDL" Maddie said.

" Oo nga Te Mads, baka I can't play well pa sa game if wala si Ate Bea kasi I used to set kasi Ate Bei palagi haha" Dagdag ni Deanna.

" Syempre I will not let this team down noh, kaya Deanns don't worry na. I will stay pa rin sa Wong to Deleon connection hahahaha" Biro ni Bea.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" Tawa nila maliban sa akin.

" Babe may problema ba?" Tanong nya.

" Wala Babe, madami lang akong iniisip about sa acads ko ngayon. Alam mo na malapit nanaman ang year end" I answered.

" Wag ka na magworry. Alam kong maipapasa mo ang year na ito, ikaw pa" She said with matching smile.

" Thank you Babe ha? Pero madami ka pa rin talagang utang na kwento sa akin ihh" Sabi ko habang nakangisi.

Forever In A LifetimeWhere stories live. Discover now