#24: ღ Would You Dare? ღ

311 21 29
                                        

QUIN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

QUIN

 Tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind  

-Secondhand Serenade, Fall For You

~❤️~

Nagising ako na nasa loob ng isang kwarto, napalingon ako sa paligid ko pero wala ako lang ang naririto. Nasaan sila? At paano ako napunta dito?

Naalala ko na buhat buhat ako ni Keen kanina patungo sa hotel na sinasabi nila hanggang sa nakatulog ako. Aish! Nakakahiya ka talaga Quin! Nagpakarga ka na nga, nakatulog ka pa!

Nagtakip ako ng unan at gumulong gulong sa kama dahil sa sobrang kahihiyan, hindi na nga ako makapagsabi ng 'thankyou' sakanya gawa ng awkward kaming dalawa tapos kung ano ano pang kahihiyan ang ginagawa ko.

"Hay nako! Nangyari na e, act cool na lang Quin" sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim. Kinuha ko yung phone at bag ko at lumabas ng kwarto. Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin sila Blair pero wala akong nakita na katao tao sa hallway.

Naglakad lakad ako hanggang sa mapunta ako sa garden, nakita ko naman na nagpipicture sila sa may gilid kaya tumakbo ako papunta sakanila

"Oh Quin, gising ka nap ala. Kanina ka pa naming hinihintay, nagugutom na kami!" sabi sa akin ni Hadley

"Edi dapat ginising nyo na lang ako, saan ba pwede kumain dito? Nagugutom na rin ako e" sabi ko sakanila

"May maliit na bar sa tabi! Tara doon na lang tayo para chill" sabi ni Blair, sumang ayon na kami ni Hadley doon at tumungo papunta sa bar na sinasabi nya

Pagkapasok namin sa loob ay bilang lang ang mga taong naroon, kung sa bagay ang mga nakakapunta lang dito malamang ay turista o kaya yung mga hikers. Pumwesto kami na naupo sa parte na patago dahil may harang yung lamesa. Nakalagay na para sa mga VIP customers lang 'yun pero doon kami idinala ng babae na nag-assist sa amin

Matapos nilang um-order ng makakain, napansin ko na um-order rin si Hadley ng isang baso ng alak.

"Iinom ka?" tanong ko sakanya

"Titikman ko lang kung ano lasa ng alak nila dito" sabi nya sa akin, pinabayaan na lang namin sya tutal malaki naman na sya.

"Tara punta tayo doon, picturan mo 'ko!" sabi ni Blair kay Hadley habang nakaturo sa dingding na may mga ilaw ilaw.

"Sama ka Quin?" tanong ni Hads sa akin

"Ah hindi, dito lang ako" sabi ko sakanila, tumango na lang sila at umalis na para mag picture

Tumingin tingin ako sa paligid at namangha sa disenyo nito. Napaka aesthetic talaga ng ambiance kapag bar. Ang daming mga ilaw, ang linis ng paligid.

Ambivalence [Chiaroscuro Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon