#21: ღ Intuition ღ

224 20 21
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JUDE

If love's an adventure filled with fear, I will walk
as long as it leads me to your warmth

-Ysabelle, Love Exist

~❤️~

Sinubukan kong tawagan si Quin pero kanina pa ito cannot be reached. Ilang araw na rin sya hindi nag oonline at nagpaparamdam kaya gusto ko lang malaman kung ano ng ginagawa nya, kung ayos lang ba sya? Siguro sobrang busy lang talaga nya, sana magpahinga rin sya kahit paano, sakitin pa naman sya.

Inilapag ko yung phone ko sa lamesa at tinitigan si Monica na nakahiga sa hospital bed. Ilang araw na rin nandito si Monica sa hospital gawa ng nahimatay sya, sabi ng doctor stressed daw at mukhang hindi nagkakain ng maayos si Monica. May fatigue daw sya

"Nics, gusto mo bang bumili ako ng paborito mong cake?" tanong ko sakanya pero nakatalikod sya sa akin at hindi ako sinagot.

Ilang araw na halos hindi kumakain si Monica kaya hindi ko mapigilan na magalala, sinubukan ko na rin tawagan si Cameron ilang beses na ngunit hindi nya ito sinasagot. Ayoko naman ipaalam pa sa parents namin 'to dahil panigurado mag aalala sila at malalagot lang rin si Nics dito.

Pakiramdam ko may kinalaman si Cameron sa nangyayari kay Monica ngayon pero ang pinagtataka ko bakit pati ako hindi nya kinakausap? Sa sobrang dami na ng iniisip ko, sinubukan kong tawagan si Moira dahil alam ko naman na mag bestfriends sila at baka makinig sakanya ito

Ilang sandali lang ay sinagot na ni Moira yung tawag ko

"Hello?"

"Moira"

"Jude? Bakit ka napatawag?"

"Can you do me a favor?"

"Ano yun?"

"Si Monica kasi, halos hindi na kumakain. Kakain lang kapag wala ako dito sa hospital hindi ko alam kung may nagawa ba 'kong kasalanan sakanya, pero wala naman e. Can you please explain to me what happened?"

"Teka, anong nangayri kay Monica? Hindi ko kasi sya nakakausap na nung mga nakaraang araw ang alam ko lang nag date sila ni Cameron pero sumunod nun hindi na sya nagparamdam"

"She's in the hospital now, fatigue daw"

"Ano?! Saang hospital yan? Pupunta ako" sabi nya mula sa kabilang linya

"Susunduin na lang kita" sabi ko sakanya

"Hala Jude, wag na, mag-co-commute na lang ako sabihin mo na lang kung saan hospital yan"

"I'm on my way" sumakay ako sa kotse ko at pinaandar na ito, mukhang narinig naman nya yun kaya napabuntong hininga sya

"Ikaw talaga.."

Ambivalence [Chiaroscuro Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon