# 17: ღ I Guess ღ

426 25 18
                                    


SIGRID

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SIGRID

 I've looked for love in every stranger
Took too much to ease the anger
All for you
  

-Selana Gomez & Marshmello, Wolves

~❤️~

Nagbalak ako na umalis na pagkatapos ng mini conert ng Euphemist pero nang dahil nakita ako ni Adira ay hinawakan nya ang kamay ko para hilahin papunta sa backstage kung saan naroon ang Euphemist.

Naabutan namin na magkakatabi sila at nakangiti habang nasa harapan naman nila ay yung CEO ng MMC na sa pagkakatanda ko ay Abraham ang pangalan.

"I was impressed on what you all did back there. I didn't expect much from this concert but you all did great." Sabi ni Mr. Abraham sakanila, halatang natuwa naman silang lahat sa narinig nila

"Wow, first time nila makarinig ng compliment dyan sa masungit nilang CEO" bulong sakin ni Adira na nasa tabi ko lang, napatingin naman ako kay Jude at kitang kita ko ang saya sa mukha niya, napatingin naman siya bigla saakin at ngumiti kaya naman napaiwas kaagad ako ng tingin. Bakit ba kasi bigla bigla siyang titingin?!

Nag bow silang lahat sa kanilang CEO at matapos nun ay tumalikod na ito sakanila at lumabas na ng kwarto. Bigla naman silang nagsigawan nang makaalis na si Mr. Abraham. Lumapit sa akin si Jude kasama si Liam at binigyan ako ng malapad na ngiti

"You came, Moira!" masiglang sabi ni Jude sa akin

"Uy long time no see Sigrid! Uy Jaze! Nandito yung number 1 fan natin oh!" sigaw ni Liam kay Jaze dahil mukhang hindi niya napansin na nandito ako ngayon.

Tumingin sa gawi ko si Jaze at ganun din si Kiel kaya ngumiti ako sakanila, nagmadali naman sila pumunta sa akin at niyakap naman ako ni Jaze. Nakita ko rin na lumapit si Keen sa akin at binigyan ako ng isang ngiti.

"Uy Sig! Sa wakas nakapunta ka na ulit sa concert namin. Akala ko kinalimutan mo na kami e" Sabi ni Jaze sa akin, umiling naman ako.

"Hindi ko kayo kinalimutan, naging busy lang naman ako sa pag aaral pero nakikinig pa rin ako ng mga kanta niyo at bumibili pa rin ako ng mga album niyo" sabi ko sakanila, lalo pang lumawak ang ngiti ni Jaze at pati si Liam ay loko lokong napahawak pa sa dibdib niya.

"Ayun naman pala hindi naman pala kayo kinalimutan." Sabi ni Kiel

"Ikaw yung lucky charm namin at pati na rin si Keen kaya binati kami ni Sir Abe, diba Quin?" sabi ni Jaze habang nakatingin kay Quin, kanina pa kasi hindi nagsasalita si Quin. Tinignan ko siya at ngumiti naman siya sa akin kaya nginitian ko na rin siya.

"Hi Sig" bati ni Quin sa akin habang nakangiti

"Hello Quin" bati ko pabalik sa kanya

"Aray!" bigla kaming napatingin sa gawi ni Jude na ngayon ay may tumutulong dugo sa kanyang kamay. Lumapit si Quin sa kanya at tinignan iyon

Ambivalence [Chiaroscuro Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon