#23: ღ Drunk ღ

397 21 13
                                    


QUIN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

QUIN

Di mo ba naririnig
Pintig ng aking dibdib
Lumalayo na sa'yo
Ang damdamin ko

-December Avenue, Dahan

~❤️~

Maaga natapos ang shooting namin at ganun rin si Keen, kaya naman bilang regalo ko daw para sa first ever album ko ay pinayagan kaming sulitin ang natitirang isang linggo na pananatili namin dito sa Canada.

Kaya heto kami ngayon, nag aayos para sa hiking na magaganap mamaya at sasusunod na mga araw. Naka ready na yung mga dadalhin naming gamit at sa ngayon ay nag aayos na kami ng aming mga sarili. Tinignan ako ni Blair at inusisa an gang itsura, nilagyan nya ko ng kung ano ano sa mukha samantalang si Hadley ay pinilian ako ng isusuot. Ewan ko ba kung ano trip nila, palagi nila ako ginagawang manika nila.

"Ganders naman ng babaeng 'to, mana sa akin" sabi ni Blair, nag ayos na rin sila samantalang ako ay nagmadaling kinuha yung phone ko at nag iwan ng message kay Jude, hindi kami nakakapag usap ng matino dahil bukod sa busy ako palagi nung mga nakaraang araw, ay magkaiba ang oras namin. Kapag umaga kasi dito ay gabi na sa Pilipinas kaya naman kapag gising ako ay tulog na sya.

Matapos naming mag ayos ay lumabas na kami ng hotel room na tinutuluyan namin habang bitbit ang mga gamit na dadalhin namin. Napansin naman namin na kanina pa naghihintay yung tatlong lalaki sa labas na mukhang naka porma pa. Napansin kong nakatitig si Clave sa amin kaya naman nawalan sya ng balanse nang makita nya si Blair. Napansin ko rin na nakatingin si Keen sa akin kaya hindi na 'ko nagtangka pang tignan sya.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa sasakyan, tinulungan naman kami ng mga lalaki na bitbitin yung mga dala naming gamit. Hindi naman nakasama si manager Zack dahil may importante daw syang pupuntahan kaya naman ang nag-le-lead sa amin ngayon ay si Keen dahil sya naman ang nakatira dito at malamang kabisado na nya ang mga lugar dito.

"Ano 'yung titigan na 'yun ha?" sabi ni Hadley, napalunok naman ako at tumingin sakanya

"Huh? Ano, w-wala naman" kumunot ang noo nya habang nakatingin sa akin

"Anong wala!? Grabe kaya magtitigan si Blair at Clave! Hindi mo alam kung nag aano ba sila sa mga utak nila e" napatulala naman ako sa sinabi nya pero nang ma-realize ko kung ano ang ibig sabihin nun ay natawa na lang ako. Akala ko naman kasi ako yung tinutukoy nya

"Hoy, ano yang pinagtatawanan nyo? Binabackstab nyo nanaman ba ako?" sabi ni Blair, hindi nya kasi narinig yung sinabi ni Hadley kanina dahil nahuli pa sya maglakad gawa ng kaka selfie nya

"Buti alam mo" tugon naman ni Hadley, nag bangayan nanaman sila ni Blair kaya napailing na lang ako, kahit kailan talaga, wala nang nagbago sakanila.

Ambivalence [Chiaroscuro Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon