#8: ღ Worth It ღ

482 30 24
                                    


Chapter 8: Worth It

Chapter 8: Worth It

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARCHER

Kahit pa ako'y bahagi na lamang ng nakaraan mo, andito lang ako sa'yo. Hanggang kailan aasa? Hanggang kailan magdurusa?

-Hanggang Kailan, Michael Pangilinan

~❤️~


"Archer pala, hindi Vinz."

Matapos kong sabihin 'yun ay napangisi ako habang nagmamaneho. Hanggang ngayon mukha pa rin siyang espasol, psh. Lumalabas pa ba ng bahay 'yun? Sobrang puti e. Dinaig pa si Edward Cullen.

Tinignan ko si Sigrid na tahimik lang sa tabi ko, mukhang malalim nanaman ang iniisip.

"Kumusta ka?" mukhang nahimasmasan siya kaya naman tumingin siya sa akin.

"Ha? Ayos lang naman, bakit?"

"Mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Ahh hindi naman. Oo nga pala sa Koryan Coffee Shop daw natin puntahan si Monica" sabi niya

"Kala ko wala ka ng balak sabihin sa'kin." Biro ko.

"Hala e hindi ka naman kasi nagtatanong, drive ka ng drive d'yan"

"Baka kasi naghihintay lang ako sa'yo" Napatingin siya sa akin ng seryoso kaya napatigil ako nang mag sink in sa utak ko yung sinabi ko, umubo ako ng mahina at nagsalita muli "—naghihintay na ikaw ang magsabi kung saan."

Hindi na siya sumagot at iti-nuon na lang yung pansin niya sa labas. Nang makarating na kami sa coffee shop na sinasabi ni Monica ay naabutan namin siyang picture ng picture sa sarili niya at mukhang enjoy na enjoy.


"Oh ate Sigrid! Halika dito!" hinila niya si Sigrid at nilagpasan ako, hindi man lang ako pinansin. "— Ito 'yung sinasabi ko sa'yo na Korean coffee shop! O-m-g!!! Tignan mo ang daming posters! Tapos 'yung menu nila naka—"

"Let's go somewhere, Nics." Sabi ni Sigrid.

"Ha? Pero 'di pa nga ako nakaka order. Ayaw mo ba dito?"

"Gusto kong uminom." Tumingin kami ni Monica sa kanya pero seryoso lang siya nakatingin sa amin. Alam ko na kung anong inom 'yun.

Hinatak niya kaming dalawa ni Monica palabas ng coffee shop at sumakay sa kotse.

"Sig." hindi niya 'ko pinakinggan at dire-diretsong sumakay sa driver's seat kaya wala na 'kong nagawa.


Ambivalence [Chiaroscuro Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon