#29B: ღ Two Years Ago ღ

488 22 11
                                    

[Warning: baka may mga typo ako, nakakatamad mag proofread mga bebe, magrereview na ko para sa exam ko bukas. Mwaps ❤️]

 Mwaps ❤️]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JUDE

~❤️~

Narito ngayon si Moira habang kinakausap si Monica tungkol sa nangyari nung mga nakaraan. Hindi pa kasi sila nagkaayos nung nalaman ni Monica na si Moira pala yung gusto ni Cameron. Yung loko na 'yun, pag aawayin pa yung dalawang magkaibigan.

"Ano ka ba Sigrid, kahit kalian hindi ako magagalit sayo. Hindi mo naman kasalanan na nagustuhan ka nya, sya yung gago e. Ikaw pala gusto nya edi sana ikaw nilapitan nya hindi ako." Sabi ni Monica kay Moira. Good thing, hindi nasira yung pagkakaibigan nila. Tinignan ko si Moira at nakita ko na halos maiyak na sya sa mga sinabi ni Nics.

"Still, I'm sorry Nics!" sabi ni Moira, pinunasan naman nya yung mga luha nya na tumulo. Lumapit si Monica sakanya at niyakap sya ng mahigpit

"Ano ka ba Sig! Wala kang dapat ika-sorry dyan. Hindi naman ako galit sayo diba, at isa pa wala akong pake kay Cameron na. Oo hindi pa 'ko nakaka move on, aaminin ko gusto ko pa rin sya kahit na ginago na 'ko. Pero hindi ako kahit kailan nagkaron ng sama ng loob sayo kasi ikaw yung taong gusto nya, bestfriend kita e. Chicks before dicks, ano!" napatigil sa pag iyak si Moira at nagulat sa mga sinabi ni Monica, natawa na lang ako bahagya sa mga narinig ko at napailing.

"Oh my gosh Nics!" napailing na lang rin si Moira at niyakap ng mahigpit si Monica.

"What? It's the truth naman" tugon ni Monica. Nagtawanan naman silang dalawa.

Matapos nilang mag-kwentuhan, sinabi ni Monica na aalis muna daw sya at may pupuntahan sa school nya. Ilang araw rin yung na-miss nyang klase gawa ng na-hospital sya

"Samahan na kita!" sabi ni Moira, piniglan naman sya ni Monica

"Wag na, gusto ko lang i-handle 'to mag isa ko. I'm strong independent woman no! Dyan ka lang muna, mag usap kayo ni kuya" kinindatan naman ako bigla ni Monica bago sya tuluyan umalis kaya bigla akong napatingin kung saan saan. Bahagya ko ring sinulyapan si Moira na ngayon ay tahimik na.

"Uh, gusto mong makita yung music room namin? Maliit lang pero kumpleto doon" pagbasag ko ng katahimikan. Bigla naman lumiwanag yung mukha nya

"Sige ba!" sabi nya sa akin, sumunod sya sa akin habang patungo kami sa music room. Pagkapasok pa lang sa loob ay nakita kong namangha na sya. Naglibot libot sya sa loob habang ako naman ay pinagmamasdan sya

"Matagal na ba kayong may ganito?" tanong nya

"Oo matagal na, dito kami minsan nag-p-practice tumugtog nila Jaze nung mga baguhan pa lang kami. Dito rin kami minsan tumutugtog tuwing gusto namin kapag nandito sila sa bahay" sabi ko, napansin ko naman na nakatingin sya sa piano kaya lumapit ako doonat tinanggal yung tela na nakabalot rito

Ambivalence [Chiaroscuro Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon