A/N: Sorry po kung natagalan ang update. May part 2 pa po ito hehe .. pasensya na po sa typo errors di ko pa kasi ma edit medyo busy hehe. Pa vote and comment po. Happy reading! :)
Robyn's POV
Andito na ako ngayon sa party dahil sa wala na din akong magawa. Kahit na sinabi ko na kay Casey na shokot ako pumunta sa party dahil sa stalker ko e pinilit pa din nya ako. Binatukan pa nga nya ako at halos kaladkarin na mapasakay lang ako sa kotse nya.huhu T_T
"Bex pinasahan na kita. 50 petot yan ah! Wag ka ng umarte. Text mo na sya maya para mahanap na natin yan." Sinuhulan pa ko. Tsk
Now Playing: Party Rock by LMFAO
Pumasok na kami sa loob at sobrang nganga ako. Ang sosyal ng function hall ng school namin at may red carpet pa! Ang taray ng mga chandeliers.. Feeling ko nasa after party ako ng Oscars hehe. Nawala na tuloy ang takot ko dahil masyado akong naaliw dito. Hmm.. Mag eenjoy na lang muna ko dito.. bahala sya kung magttxt sya hehe
"Wow shoray! Ansabe ng dress mo teh? Nahiya naman ang red sayo!" ang ganda ng bati sakin ng baklang to talaga. If I know naiinggit na naman yan haha.. naka tuxedo kasi sya e.. Ang gwapo parang hindi beki haha
"Hahaha.. Tseh! Ikaw bakla ang pogi mo! pa kiss nga!" Gwapo naman talga sya e sayang talaga. Laking kawalan nya sa kababaihan haha
"Eeeew kilabutan ka nga!" haha choosy pa sya ah!
"Hahaha.. tara pa picture muna tayo bago tayo umupo." Aya ni Liz na sobrang sexy sa halter nyang dress.
Nagpicture picture muna kami at syempre di mawawala ang solo pic sa red carpet. F na F talaga namin rumampa haha. May pa kaway kaway pa kami para kunwari artista kami haha.
Ang OA naman ng iba dito, akala mo JS prom e. Gown kung gown. Yung iba talagang inipit pa mga dede nila para lang magkaron ng cleavage e halata naman na flat haha .. Pero infairness, madami palang gwapo dito hehe. Masyado kasi akong hook kay Nigel kaya di ko napapansin yung iba hihi :’>
“Bakla.. may mga suffer si reyna din pala dito. Tingan mo yun..” sabi ko sa kanila sabay nguso dun sa mga babae na sobrang kapal ng makeup. Nagmukha tuloy silang bakla! Tsk.
Mukhang napalakas ata ang pagsabi ko nun kasi bigla silang tumingin samin at umirap. Hala! Dagdag sa mga haters na naman namin to.
“Ay bat andito ang mga inday? Saturday palang ngayon ah. Bukas pa dayoff nyo.” sabay sabay naman kaming tumawa. Hahaha.. Palaban talaga tong bakla na to .. Di kami warfreak ah or bully pero kasi sila lagi yung parang since day one eh mainit na dugo samin. Tapos mga feeling popular pa eh mga chaka naman! haha
"Meron pa dun teh! Foundation day lang ang peg?" HAHAHAHA ang bilis talaga ng mata ni Poli basta sa kasiraan ng tao. haha .. Kahit sosyal tong school namin may mga panabla pa din!
“Gurl si herma.. mukhang Barney! Purple talaga? Para syang puto bumbong haha.. grabe pa makaliyad para lang masabi na sexy back sya. Haha” turo naman ni Liz kay Herma – ung bumangga sakin dati. At talagang tinuro pa nya di man lang sya naging discreet. Nalaman na nya tuloy na sya ang pinag uusapan namin. Tapos sakin pa talaga sya masama ang tingin. Grabe di naman ako nag nanlait sa kanya e nakitawa lang! :p
Ganito kami lagi tuwing may party or ano man event. Lagi na lang kami may comment haha.. Maski nga kapag nanunuod kami ng mga local variety shows, wala ka ng maiintidhan sa mga pinagkakanta or sinasayaw ng mga artista kasi puro panlalait lang ang mga nasasbi namin hahaha
“Guys! May mga partners na ba kayo? Kung wala pa e you better start looking for your partner na before pa kayo maubusan!” nagulat kami sa nagsalita. Bigla kasing sumusulpot tong classmate naming na si Trisha.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ChickLit"The best relationships usually begin unexpectedly." Anong klase kaya ang magiging first boyfriend ng babaeng NBSB na maganda pero di kaseksihan, matalino pero shunga sa math at mukhang mayaman lang? Kay ideal man kaya siya mahuhulog o sa kabaligta...