A/N: Warning: May mga foul words po dito pero don't worry wala naman bs. haha.. Pavote and comment po. Happy reading! :)Ace POV
“Pre anong balak mo?” hindi ko sinagot si Kian at nagpatuloy ako sa paglalakad. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Masaya na sana ako dahil magiging alipin ko din sa wakas si Robyn pero binawi din nang dahil sa mga punyetang pictures na to. Ang tapang din ng gumawa nito sa kanya. Wala silang karapatan pahiyain siya ng ganon dahil ako lang ang may karapatan! Sisiguraduhin kong magbabayad siya.
“Pre kalma lang. Halos mapunit na yang mga pictures sa higpit ng pagkakahawak mo. Mawawalan na tayo ng ebidensya nyan.” Napatingin ako sa kamay ko at saka huminga ng malalim. Masyado akong nadadala ng emosyon ko. Dapat makapag focus ako sa pag huli ng salarin.
“Alam mo wag mo naman masyadong ipahalata na nagseselos ka. Baka mabuking ka ni Robyn nyan.” Ang daldal talaga nito parang bakla eh.
“Sino ba nagsabing nagseselos ako?” nakakapikon na talaga siya.
“Amin-amin din pag may time dre. Alam ko naman na matagal ka ng may gusto sa kanya eh. Kilala kita Ace.” Hindi ba niya talaga ako titigilan? Nakakbuwisit. Dapat hindi ko na lang siya sinama eh.
“Ang dami mong alam, bakit hindi ka mag doktor.” tumawa na lang siya. Buti naman at hindi na siya nagsalita pa. Papasok na kami sa student council room nang makasalubong namin siya. Bwisit!
“O Sean. Anong ginagawa mo dito?” oo nga pala, magkakilala din sila ni Kian dahil magkapitbahay lang sila dati.
“I came here because of Blair. I asked them to remove those pictures and make sure it won’t be posted online. She doesn’t deserve that.” Tss. So close na sila ngayon ni Robyn??
“Sinong Blair? Tska magtagalog ka nga. Sumasakit ulo ko sayo eh.” Reklamo ni Kian.
“You know why I don’t speak tagalog. I suck and I have an accent.Anyway, si Blair yung classmate nyo, si Robyn.” Derecho naman siya magtagalog. Daming arte. Psh.
“Ahh... ngayon ko lang nalaman na close na pala kayo. May--”
“Anong sabi nila? Nasabi ba nila kung sino gumawa non?” putol ko kay Kian. Baka kung ano pang sabihin niya e masasapak ko talaga siya.
“Sabi nila na they did post those picturess pero hindi sila yung nagpost ng masama kay Blair. It could be one of those crazy fan girls who did that to her but they assured me that they will remove it.”
“Hindi na nila kailangan gawin yun dahil tinanggal ko na. Ito oh, ibigay mo sa kanila o itapon mo.” Binigay ko na sa kanya yung mga pictures. Wala din naman akong gagawin dun. Pasikat siya masyado eh… e di siya na!
“Oo nga pala. Layuan mo si Robyn kung talagang concern ka. Malamang dahil sayo kaya nila nagawa yun sa kaniya.” Sabi ko sa kanya sabay talikod. Wala na kong balak makipag-usap sa kanya.
“Who are you to say that? You are not her boyfriend so don’t act like one.” Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko yun inaasahan na sasabihin nya yun. Ano bang gusto niyang palabasin?
“ Anong sabi mo?! Bakit may gusto ka na ba sa kanya ha?!” pakiramdam ko napunta lahat ng dugo ko sa ulo ko. Sinusubukan talaga niya ako.
“That’s none of your business.” Hindi na ko nakapagtimpi at kinuwelyuhan ko na siya. Fvck! Babasagin ko talaga mukha niya!
“Teka mga tol tama na yan. Sean ako na kakausap kay Ace.” Kung hindi ako pinigilan ni Kian e malamang magpupulot siya ng ngipin nya!
Lumayo naman siya ng konti sa amin at inayos ang polo niya. Magpasalamat talaga siya at naisip ko pa kung asan kami ngayon. Fvck sht!
“You can’t stop me Ace. We both know who will win in this game.” Natigilan ako sa sinabi niya. Anong tingin niya kay Robyn, isang laro? Fvcksht! Hindi ko hahayaan na mapunta siya sayo!
--------------
Kian POV
“Tama na yan.” Awat ko kay Ace. Pagkatapos kasi ng mainit na usapan nila ni Sean kanina e nag-aya siya mag-inom. Ito nga nakaubos na siya ng isang bucket, samantalang ako isa pa lang.
Iba talaga si Robyn. Alam ko naman na matagal ng may gusto si Ace sa kaniya dahil siya lang naman ang lagi niyang kinukuwento noon tuwing magkikita kami, pero nagtataka ako kay Sean. May gusto din ba siya kay Robyn? So kung magkataon, tatlo na kaming admirers ni Robyn! Aba matinde!
“Tang*na nya! Mamatay na siyang hayup siya!” panay mura naririnig ko dito. Ibang klase talaga magalit tong si Ace, parang wala ng bukas eh. -_-
“Pre, ano bang ikinagagalit mo? Tsaka nagtataka ako, matagal na bang magkakilala sila Sean at Robyn?”
Kru kru kru
k. nice talking dre.
After 1234 seconds …
“Batchmate namin ni Robyn si Sean.” Okay batchmate lang pala eh.
“Oh, matagal na ba silang magkaibigan?”
“Hindi. Never silang nag-usap nun high school.” Sabi niya sabay simot ng pang pitong bote.
“E yun naman pala eh. Bakit ka ba masyadong apektado sa sinabi ni Sean?” nagiging exciting to. Mapapaamin ko na din si prinisipe Ace hehe. Ma videohan nga.
Kanina pa naka on ang video ng phone ko pero itong si Ace nakakatitig lang sa bote na hawak niya. Lasing na talaga siya. Pero ok yun para makaamin na siya haha.
“Kasi… kasi…” pabitin pa eh!
“Ano nga?! Kasi ano?!” sinigawan ko na. Lasing naman na siya eh, di naman niya mapapansin yun haha
“Kasi matagal ng may gusto si Robyn sa kanya. Fvckingsht!” mabilis niyang ini-straight yung pang walong bote niya. Kung hindi ko lang kilala to malamang natakot na ko sa kanya.
“Teka, pano mo naman nalaman? Sinabi ba niya sayo?” tanong ko pa sa kanya. Pipigain kita ngayon. Minsan lang to eh :D
“Hindi. Pero alam ko dahil napapansin ko. Taena! Alam ko dahil siya lang naman ang napapansin ko. Taena talaga. Alam ko kung paano niya sundan ng tingin yung hayop na yun! Alam ko kung pano siya kiligin tuwing nakikita niya siya. Alam ko kung pano siya ngumiti sa kanya! Tangina alam ko lahat yun!” napalunok na lang ako sa narinig ko. Hindi ko inaasahan na masasabi niya to. Si Ace na suplado at mapride, biglang nag confess? Ayos toh!!! Haha
“Aminin mo na kasi na maygusto ka sa kanya. Para malaman na niya ang totoo.” Umiling lang siya sa sinabi ko. FYI lang po, torpe po si Ace. ( -_-)”
“Hindi ko siya gusto.” In denial pa eh. Badtrip.
“Wag mo ng lokohin sarili mo pre! Aminin mo na may gus—
“Hindi ko siya gusto dahil … MAHAL KO SIYA! Mahal ko siya matagal na!”
O_O speechless.
Toot toot
A/N: umamin na din si Ace sa wakas. hehe.. sana narecord ni Kian haha. Pasensya na kung medyo maiksi at may mga bad words hehe.. ganon talaga si Ace astig eh haha. Pa vote and comment nalang po thanks!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ChickLit"The best relationships usually begin unexpectedly." Anong klase kaya ang magiging first boyfriend ng babaeng NBSB na maganda pero di kaseksihan, matalino pero shunga sa math at mukhang mayaman lang? Kay ideal man kaya siya mahuhulog o sa kabaligta...