Chapter 11: arrgh this day!

238 17 4
                                    

A/N: Salamat po sa mga readers neto. Keep voting po hehe... Happy reading! :)

Robyn POV

Monday na naman! Parang tinatamad akong pumasok ngayon. Start na kasi ang pagiging alipin ko kay Ace huhu. Kainis. Hindi ko nadaan sa galit-galitan!  Masyado siyang seryoso sa usapan namin kahapon tapos parang may black aura siya. Paano pa kaya ako hihirit non? T_T Matitiis ko pa na maging utusan niya e pero yung ililibre ko siya  ng pagkain?! AYAW! Nag-iipon pa naman ako para sa birthday ko, malapit na yun eh. Badtrip talaga.

 Mamaya na nga ako pupunta ng room, maaga pa naman.  Dito muna ako sa garden, mag-iisip muna ako kung paano ako tatakas kay Ace hehe.

 “Hi. How are you?” nagulat naman ako sa nagsalita.

 “U-ui. I-ikaw pala. O-ok lang naman ako.” Shet. Nauutal pako! Nakakagulat naman kasi itong si Nigel. Bigla na lang sumusulpot.

 “Good. Bakit mag-isa ka dito?”

 O_O

 “Ah.. kas—pfft.”

 “Are you laughing at me?” hala naoffend ko ata siya. Nagpout pa. Ang cute *O*

 “H-hindi. Hahaha. Sorry… di kasi ako sanay na nagtatagalog ka. Hahaha… ang cute mo may accent ka pa. hahaha” hindi ko na talaga nakayanan. Sorry Nigel haha..ok lang yan cute ka pa din naman eh!

 “Really? E di lagi na lang ako magtatagalog para ma –kyutan ka sa kin.” Ano daw?

 “Ha? … haha sira. A-ano nga palang gingawa mo dito?”  Awkward. Change topic na lang.  >_<

 “Nakita kita na mag-isa lang so nilapitan na kita agad. Gusto lang kitang kamustahin. I heard what happened last week.” Wahhh. Kinikilig ako. Is it real??

 “Ah…naku ok lang naman ako hehe. Di ko na iniisip yung nangyari last week. Hindi naman totoo yun eh haha.” Puro ako tawa kahit wala naman nakakatawa. Nababaliw na ata ako.

 “Yeah. Alam ko naman yun. Hindi ka pa ba pupunta sa room? Gusto mo sabay na tayo if it’s okay with you.” Di ko na kinakaya to. Sasabog na ko sa kilig.

 “Hmm.. medyo maaga pa kasi eh. Mamaya ng onti pa ko aalis dito.” Ang arte ko shet! Sana antayin niya ako hihihi

 “Ah… okay … Anyway, kamusta na pala kayo ni Ace?” Kilig overload na sana ako kaso biglang nagbago eh. Bakit ba niya biglang nasingit yung bwisit na yun?!

 “Pwede ba, don’t say bad words! Siya ang dahilan kaya ayaw kong pumasok eh.” Nahighblood naman ako bigla. Nasigawan ko tuloy si Nigel myloves.

 “Haha… why is that?” medyo FC lang ah haha

 “Basta. It’s a long story. tara na nga.” Shet.Nakapag English ako dun ah.

 Sinabayan naman ako ni Nigel maglakad papunta sa room namin. Kung nakakasugat lang ang tingin malamang kanina pa ko patay. Tss. Inggit lang kayo. Bleh!

 “Nigel!” epal. Kailangan talagang sumigaw? Tsk. Napalingon na din ako kahit hindi ako tinawag. Tumakbo siya papunta sa amin at lumingkis kay Nigel. Ahas lang teh?

 “I passed by at your house and they said you already went here. Why so early?” ang arte! Siya pa talaga sumundo kay Nigel. Huh.. cheap!

 “Wala lang. Gusto ko lang pumasok ng maaga.” Nakapoker face na sagot ni Nigel sabay tinanggal niya ang brasong nakalingkis sa kanya haha. Ano ka ngayon? :p

 “oh okay. Why are you speaking in tagalog? Are you sick?” nagtagalog lang maysakit na agad? Tumikhim naman ako para mapansin niya na andito pa ako. Tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon