A/N: Pasensya po kung ngayon lang naka update. Malapit na kasi ang big event ko hehe. Anyway, enjoy. Happy reading! :)
Robyn's POV
Three days had passed simula ng tawagan ko si Mr. Stalker at kinikilabutan pa din ako hanggang ngayon sa tuwing maalala ko yung boses nya. Pinagsisishan ko na tinawagan ko sya kasi dahil kasi dun e para akong naging praning. Alam nyo yung serial killer sa movie na Scream? Parang sya yun… kaboses nya eh!
Dapat naikuwento ko na yun kina Casey kaso hindi ako makahanap ng tiempo at nadivert na din ang utak ko sa ibang bagay. Mabuti na lang at hindi na siya nagparamdam o nagtext dahil baka mas lalo lang akong ma praning kung nagkataon.
Oo nga pala. Dumating na din pala ang kontrabida ng buhay ko, si Amanda. Ang pinaka iinisan ko na babae sa lahat! Alam nyo yung kahit na walang ginagawang masama sayo yung tao pero presence palang nya e nakakainis na? Siya un! Siya din ang ex ni Nigel.
Hindi pa man sila ni Nigel noon e banas na ko sa kanya, basta di ko lang talaga sya trip. Mas nadagdagan ang inis ko sa kanya nun naging sila dati. Ewan ko ba dun kay Nigel kung bakit siya pa yung nagustuhan nya e mas maganda naman ako dun. Charot! Mayaman lang sya eh tapos mas matangkad tapos mas sexy tapos … umm… basta lamang lang siya ng 1 paligo sakin!
Pero sa totoo lang, campus sweetheart si Amanda nun high school kami. Sabi ng iba whole package na daw siya – maganda, mayaman, sexy at mabait pa! Pero parang hindi naman ako naniniwala. Feeling ko kasi nasa loob lang ang kulo nya eh.
Ang alam ko din siya yung nakipag break kay Nigel dahil lang daw sa walang time si Nigel sa kanya. Ang arte! Kaya lang naman busy si Nigel dahil na din sa business nila. Sinasama siya lagi ng papa nya sa mga business meetings kaya bihira na lang din siya noon pumasok. O diba ang dami kong alam sa kanya.. hehehe ... pero hindi ako stalker ah!
Anyway, akala ko pa naman lagi ko ng makakasama si Nigel simula ng naging friend namin si Ashley. Pinagkanulo ko pa si bakla yun pala may sagabal pa din. Simula kasi ng pumasok siya e lagi na silang magkasama ni Nigel. Dakila talaga syang epal, bagay sila ni Ace eh!
Enough about her. Nandito na ko school at napansin ko na may mga nagkukupulan dun sa bulletin board. Oh well.. malamang yun yung mga pictures namin sa acquaintance party. Mamaya ko na lang yan titingnan kapag wala ng tao. Hindi naman ako excited makita yan baka nga wala ako dun eh.
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad pero pakiramdam ko maraming matang nakatingin sa kin. Yung iba pa nga pagktapos ako tingnan e saka sila magbubulungan. Weird. Na conscious naman ako bigla dahil baka may dumi o kulangot ako sa mukha. Nakakahiya. >_<
Binilisan ko na lang ang lakad ko papunta sa room kaso natigilan ako ng biglang may humawak sa batok ko. Tiningnan ko naman kung sino yun at hindi na ko nagulat sa nakita ko. Malamang si Ace lang naman ang dakilang papansin sakin eh. May crush siguro talaga sakin to haha.
“Nu na naman??” sabi ko sabay tanggal sa kamay nya. Ginagawa pa kong tuta neto eh.
“Nakita mo na ba yung naka post sa bulletin board?” tanong niya.
“Hindi pa. Mamaya na lang pag wala ng tao. Ayy! E diba ipopost naman nila yun sa website ng school?Dun ko na lang titingnan mamaya.”
“sus. Asa ka naman na may picture ka dun. E puro magaganda lang at sexy yung pinituran nila.” Ang aga-aga mag-umpisa nito ah. Bwisit.
“ Yabang mo! Asa ka din no. Feeling mo may picture ka dun? Che!” kala naman nya andun siya. Hindi naman siya kagwapuhan no. hmp. Naglakad na ko ng mabilis bahala sya dun.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ChickLit"The best relationships usually begin unexpectedly." Anong klase kaya ang magiging first boyfriend ng babaeng NBSB na maganda pero di kaseksihan, matalino pero shunga sa math at mukhang mayaman lang? Kay ideal man kaya siya mahuhulog o sa kabaligta...