A/N: Sorry for the late update. Been busy lang po talaga .. anyway.. happy reading po! :)Robyn POV
Hinahanap ko pa din sila Casey pero hindi din naman ako makapag focus kasi nga sobrang naguguluhan ako sa inaakto ni Ace. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila Casey kapag nakita nila kami na magka hhww.
Pinilit kong ayusin ang utak ko at sakto nakita ko na nasa dance floor sila. Sila na masaya!
“Nakita ko na sila! ... Casey!” sigaw ko sabay bitaw kay Ace. Whoo! Akala ko di nya ko bibitwan eh. Nagmadali akong pumunta kina Casey na enjoy na enjoy sa pag wiggle wiggle!
“Hoy bex! Ang saya mo ah!” sabi ko sabay hila sa buhok nya. Kainis di ako pinapansin eh porket kasama nya si Riley!
“Bex! San ka ba napunta? Kanina ka pa namin hinahanap eh.” sabi nya habang gumigiling. Tsk tsk. Pabibo talaga sa harap ni Riley na sobrang nag eenjoy din naman. Manyak din tong isang to eh. Tsk.
Parang hindi naman nya ko hinanap. Mukha ngang nawala na sa isip nya na kasama nya ko eh
--_____--
“Malamang naghanap ng partner! Asan na ba sila Liz at Poli?” Sigaw ko.. sobrang lakas kasi ng music eh feeling ko matatanggal na eardrums ko dito.
“Ayun si Liz oh!” nguso nya sa bandang kaliwa ko. Tumingin ako at ang babaitang to parang pinakuluan. Ang lambot ng katawan eh.
“Si Poli di ko makita. Sino partner mo bex?” tuloy pa din sila sa pagsayaw. Nagmumukha tuloy akong tuod dito kasi naman ako lang and di nasayaw eh >_<
“Ako. Naawa na ko sa kanya kasi walang nag-aaya eh. Pinagbigyan ko na.” Sabat naman ni Ace. Kanina pa kaya to andito? Akala ko iniwan ko na sya dun eh.
“luh! Kaya pala may she’s already with me ka pang nalalaman kanina. Lam mo bex hijkhgdsgjsdlgs----“
Peste talaga. Tinakpan ba naman bigla ang bibig ko! Malay ko ba kung san sya nagsuot kanina.. baka kagagaling lang sa cr! Eewww!
“Dami mong alam. Bakit ka ba andito? Wag mong sabihin sasayaw ka?? Bigyan mo naman ako ng kahihiyan!” kapal talaga netong kups nato! Sya pa talaga ang nahiya ah! Hmp. Maasar nga :D
N/P: Put it down on me by 50 cent & Jeremiah (Chorus part)
Nabitin sa ere kung ano man ang sasabihin ni Ace ng pumuwesto ako sa harap ni Casey na non-stop sa pagsayaw at nagsimula ng gumiling ng onti. Gosh nakakahiya! >_< Pero dedma na lang ako... gusto ko talaga maasar si Ace eh hehe
Tumingin ako kay Ace habang sinasayawan si Casey. Yung tipong tinitease ko siya na mapang akit haha. Oo marunong ako nun. Kahit nbsb ako hindi naman ako pinanganak kahapon haha.
Nakakatuwa reaksyon niya ngayon. Sobrang pula nya mukha na syang kamatis! Tapos nakanganga pa sya haha
“Wohooo! Nice Bex!” pag chi-cheer ni Casey habang sinasabayan ako sa pag giling. Wala talagang kapaguran tong babaeng to!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ChickLit"The best relationships usually begin unexpectedly." Anong klase kaya ang magiging first boyfriend ng babaeng NBSB na maganda pero di kaseksihan, matalino pero shunga sa math at mukhang mayaman lang? Kay ideal man kaya siya mahuhulog o sa kabaligta...