Pearl's POV
"Hanggang kailan mo ililihim to ma? Hindi mo ba alam na pwedeng masira ang pagkakaibigan namin ni Hayle dahil sa issue nayan?"
Pamimilit ko kay mama."Nak, may tamang panahon para jan. Hindi naman masisira ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa maling nagawa ko."
Sabad nito ."Pero ma, Kailan nga?"
Pangungulit ko."Ako nang bahala."
Walang ganang tugon nito.Hayle's POV
Papunta ako ngayon sa bahay ni Pearl, Di padin ako makapaniwala sa pinagsasabi sakin nung Ezekiel nayun. Di ko maalis sa isip ko siguro magkakilala sila?
"HayleLabs!"
Sigaw ni Kurt."Oh ikaw pala kurt. San ka pupunta?"
Tanong ko."Huh? Ikaw ang san pupunta. Di kaya to papunta kila pearl, tsaka bakit ka naglalakad? Nakalimutan mo naba na di na siya taga rito?"
Mahinahon na tugon nito."Teka paano mo nalaman na siya ang pupuntahan ko? Tsaka anong lumipat na?"
Naguguluhang tanong ko."Oo, Hindi ba siya nagsabi sayo? Lumipat na sila."
Sabay kamot sa ulo nito."KAILAN PA?"
Gulat na reaksyon ko."kahapon lang. Tsaka alam ko na sa kanya ka pupunta kasi nakita ko kayo ni Sir Ezekiel kahapon, Di mo naman sinabi sakin na siya pala ang type mo."
Halata sa tono ng boses nito ang pagtatampo."As if naman na gusto ko yun duh!"
Sabay irap ko."Hayaan mo na hayleLabs, Joke lang syempre! So tara samahan kita kila Pearl?"
Biglang akbay nito sakin."Oh! Teka wag ka na umakbay wala namang ibang makakakita tara na."
Pagpayag ko.Naninibago ako kay Pearl dahil matagal na kaming di nag-uusap, Hindi ko din siya maintindihan kung bakit.
"Dito naba yun?"
Sabay turo ko sa magandang bahay."Yep!"
Tugon nito."Sinong magdodoor bell? Ayokong makita niya ko baka di niya ko harapin. Di ko kasi alam kung ano talagang mali kung bakit ganto eh."
Mahinahong tanong ko. Gulong gulo nako."Sige Labs, Ako na!"
Sabay kindat nito sakin."Pearl? Ano ba talagang problema? Ayaw mo naba ako maging bestfriend?" syempre namimiss ko na ang bestfriend ko kaya kailangan ko magtampo.
"Hayle, marami lang akong dapat asikasuhin. Tsaka wag ka ngang umastang parang bata."
Mataray na saad nito."Nakakapanibago ka Pearl. Di ka naman ganyan dati."
Malumanay na sagot ko."Yes! Di naman ako ganto talaga, Pero sana huwag ko mababalitaan na nilalandi mo ang kapatid ko."
Saad nito."Sinong kapatid?"
Pagtataka ko dahil sa tagal na naming magkaibigan wala naman siyang binanggit sa akin."Si E-ezekiel!"
Sigaw nito.Gulat na gulat ako dahil nakakapagtaka talaga kasi kung magkapatid sila bakit hindi ko alam bilang bestfriend ni Pearl?
"P-paano? Eh hindi naman kayo magkaapelyido?"
Takang tanong ko.Hindi niya ko sinagot tumalikod agad ito.
"labs? Ayos kalang ba? Tara na umuwi na tayo. Siguro may problema lang si pearl."
Pagyaya sakin ni Kurt. At hindi ko namamalayan na unti unti na palang sumasama ang katawan ko sa pag-alis namin sa bahay nila Pearl.Kapatid niya?
Bakit ngayon ko lang nalaman?
BINABASA MO ANG
My Husband is My Professor
Teen FictionSi Hayle Ramirez ay isang studyanteng walang sipag sa pag-aaral ngunit magbabago ang lahat ng dahil lang sa isang professor na dumating sa buhay niya. walang ginawa kundi ang pag initan siya, walang ginawa kundi utos-utusan siya, at walang ginawa k...