Chapter 1 : Account
Shanne's Point Of View
Narito na ako malapit sa room na dapat kong pasukin ngunit nakasarado ito, at alam kong nagkaklase na sila sa Science na favorite subject ko pa mandin! Bungad saakin ang mukha ng aking kaibigan na si Nash, Nathan, at Kris na nakaupo malapit sa bintana kaya nakita ko sila, at syempre nakita din nila ako kaya labis ang hiya ko dahil 30 minute's na pala akong late!
Kinatok ko ang pinto at nasa kalagitnaan na ng dicussion kaya pinagbuksan ako ng pinto ni Teacher Marie.
"H-hi mam,Good Morning.., I'm sorry I'm late, may I come in?" Nauutal kong sambit kay Teacher dahil labis ang hiya ko sa mga oras na ito shit!.. alam ko namang mabait ito kaya agad nya akong binati at pinapasok na sa loob.
"Ms. Savixon!, you are 30 minute's late! So that you need to explain, Why are you late?" Sambit nito na medyo naiinis dahil naki epal ako sa discussion na ginagawa nila. Akala ko panaman mabait ang bruhang to!..,
"Ma'am! Wag kang mainis! Papangit ka nyan sigi ka! Late lang naman ako dahil malayo ang bahay namin dito e... sorry na mam kiss kita later..," pang iinis ko sa kanya hahaha yung reaction ng mga kaibigan ko e parang tanga..., uyy! Wag nga kayong ganyan! Nahihiya rin ako sa sinabi ko kay Teacher Marie hahaha...,
"Okay! Class dismiss" sambit ni Teacher... talagang sinuswerte nga naman! Nag mala anghel ako sa mata ng kaibigan at mga kaklase ko dahil napaalis ko si mam dahil sa 'kin,... hahaha..,
"Oyy Shanne! Hahahahha pano mo nagawa yon?! Kaya idol kita e!" Natatawang sambit sakin ni Kris na nakaakbay sa akin.
"Simple lang! Ambait ko kase e" wika ko na biglang ikinatawa ng mga kaibigan ko, grabe naman kayo sakin! Mabait naman talaga ako ah?...
Si Kristine Anne Bratz ang isa sa babaeng kaibigan ko, napaka bait nito naminsan ay may pagkahalong masungit na Demonyo rin minsan at maaasahan sa oras ng pangangailangan.
Si Nash Matthew Marquez ay kaibigan na may pagtingin kay Kristine, alam ko naman na ito simula palang, At inilihim nya ito sa kanya dahil nga torpe sya, gaya ni Kristine maaasahan din ito sa lahat ng bagay.
At last but not the least ay si Nathan Kurt Lee na krass ko ahi, hahaha pero hindi ko pinapahalata ang pagtingin ko sa kanya syempre! Baka pag nalaman nya e lumayo sya saamin at mailang sa isa't isa.., pogi ito e... ooopsss! Nathan is only mine Darling!..
At sa haba ng aming pag kekwentuhan ay nalagpasan na namin yung canteen haha, so yun pumasok na kami sa loob para mag order ng pagkain, ako naman si tanga nabunggo si kuyang pogi at alam ko naman na masungit ito base sa pag kakakita ko sa kanya.
"WHAT THE HELL YOU'RE DOING?" inis na sambit nito kaya naman mabilis napunta saamin ang atensyon ng mga studyante.
"I am sorry, h-hindi ko sinasadya, eto kasing katabi ko e ang likot likot." Sabay turo kay Kris.
"Hoy! Ang layo ko sa'yo ah!, teka? Bat ka nga ba nag sosorry dyan e sya yung nakabangga sayo?! Sya dapat ang mag sorry at hindi ikaw!" Naiinis na wika nito alam ko namang ako may kasalanan e, at dahil sya yung sinisi ko napunta kay kuyang pogi na demonyo ang sisi namin.
"Don't you dare, Fucking Bitch!" Wika nitong may halong pag babanta. Akala mo naman matatakot ako sayo?.
"Che! Akala mo naman pogi ka!?" Natatawang wika ni Kris na sinabayan ko nang palo sa braso nya.
"Pre! Babae yan ano gusto mo? Bugbug o Dignidad?" Wika ni Nathan na akala mo naman kakayanin nya. Tsk!..,
"Maiwan ko na kayo mga hangal!" Sambit ni kuyang Demonyo kaya mabilis na sinundan ni Nash at Nathan si Demonyo at agad namin itong pinigilan para wala nang gulo, nakakainis naman kasi e simpleng pag bunggo lang naman yun, Big deal na sa kanya. Masakit ba yon? Grabe sya.
"Peste naman! Nakakainis yun ah! Pag nakita ko ulit yun humanda sya!" Wika ni Kris na halatang naiinis na.
"Shhh! Ako yung may kasalanan, walang kasalanan yun" wika ko na may halong kahihiyan, bwiset kasi e Ugh! Nakakairita yung demonyong yun!..
"Ayy ewan ko sa 'yo." Bulong ni Kris , bubulong bulong pa e naririnig naman namin, siraulo talaga yung babaeng yun.
At dahil sa nangyari kanina lang ay isyu na kaagad sa karamihan na studyante na nakakita saamin. Hindi tuloy ako makakain ng maayos, nawalan na rin ako ng gana.
After 3 hrs...
Psh! Bumuntong hininga ako dahil medyo sumasakit ang ulo ko sa mga pinapagawa saamin including projects, Assingments etc. Sa wakas! Natapos na rin ang klase at taeng tae na kong umuwi dahil gusto kong makapanood ng Oggie And the Cockroaches, Favorite Cartoon ko...,
Habang pababa ng Hagdan kasama ang mga kaibigan ay nahinto ako ng naisip kung saan ko nailagay ang phone ko.. hindi ko alam kung nasaan at dahil mahinahon naman ako ay inisip nalang na baka naiwan ko ito kanina sa bahay, sinabi ko na sa mga kaibigan ko na mauna na silang umuwi.
At ngayon nagiisa akong naglalakad sa buwan. Buwan? Oo dahil para akong naglalakad sa buwan na napaka bagal na maglakad. Naagaw ko ng pansin ang lalaking nakatalikod di kalayuan sa akin kaya namukhaan ko ito, ito yung demonyong nabunggo ko kanina sa may canteen, ano kayang binabalak nito?..,
"Psst! Hoy!" Sigaw ko sa kanya dahil hindi ko naman alam ang pangalan nun. Pagkatawag ko sa kanya ay bigla naman itong lumingon at tinignan ako syempre ako yung titignan ako yung tumawag e..,
Lumapit ito sa kinaroroonan ko "What is your problem Ms. Bitch?" Malabig na boses ang tumambad saakin pagka bigkas nya non, problema agad? Bitch agad? Grabe to!..,
"Ah-eh, wala lang gusto ko lang sanang mag sorry ulit kanina dahil sa ginawa ng mga kaibigan ko hehe.." bat ba ang bait ko pag kausap ko 'tong hinayupak na to..,
"I don't fucking care! I don't also need your sorry." Nanatili itong kalmado at bumuntong hininga.
"Ahh ganun ba? Edi wag! Nagsosorry na nga e, pakipot pa 'to" nakakairitang sambit ko sa pesteng to..
"Jake Lawrence Zion"
"Shanne Mitch Savixon"
"I have to go, see you...." yan ang huling salitang lumabas sa kanyang bibig, anong ibig nyang sabihin? ... ayoko nang makita ang lalaking to,..
20 mins. Later...
Finally! Nasa bahay narin ako, agad akong kumatok sa pintuan at iniluwa nito si papa na halatang kakauwi lang din nya, nagmano ako at saka hinanap si mama na nagluluto at nagmano narin, umakyat ako sa aking kwarto sa taas alangan namang umakyat ako sa baba diba? Haha, at padabog kong binuksan ang pinto nito pagod na rin kasi ako,
"There you are! Gotcha!" Masayang sambit ko na nahagilap ang aking cellphone at agad na nagbihis at naghilamos, sandali kong binuksan ang aking account sa RPW na kagabi ko lang ginawa, tumambad sa akin ang napakaraming Friend Request dito, na halos lahat ay hindi pamilyar sa akin, may isang nagmessage dito,nag wave at Nag chat sya ng "HI" ..
Sino kaya ito?...
Napaka daming tanong...
Maraming iniisip...
Inaatake nanaman ako ng kuryosidad..
Sa simpleng hi? Lang... parang tumigil ang mundo dahil lang 'don alam kong may pakay saakin ang isang to, OA ko naman, hindi ko muna Nireplyan dahil naka Log out ito 1 hr ago...
At sa halip na mag Cellphone ay ginawa ko nalamang ang dapat kong gawin para bukas...,