Chapter 5: Win or Lose?
Shanne's POV
Nakapalumbaba nalang ako habang pinagmamasdan si Tricia na naglalakad palabas nang cafeteria
Binuksan ko na nga pala yung regalo nya sakin kanina lang, at oh wao *o* isang set na mga dyamante hehe may hikaw, singsing, bracelet at kwintas ang ganda naman nito, mukhang branded na mamahalin
*triiinnnggg*
Anu bayan! Malapit na kong makatulog e! Konting konti nalang umepal lang yung bell, time na pala para sa next subject ko
Oo nga pala
Sila Nash, Nathan at Kristine kaya? Nakapag lunch break na kaya sila? *tampal sa noo* naku naku! Baka naman nagtatampo na yung mga yun kasi hindi ko sila isinasama kapag kakain
---
As usual natapos na yung dalawang subjects ko hay! Bat parang wala akong masyadong naiintindihan sa lessons
Inaantok na ako mayghad!
*tintin*
(Tunog nang selpon ko yan wag kayong ano)May nagmessage sa messenger ko nakabukas kasi data hay! Buti nalang di nalowbat pfft..
Nanlaki ang mata ko
Totoo ba to?
Si Charles daw nasa Gym nitong school na pinapasukan ko at nag papractice daw sila nang Basketball para mamaya
Paanong---
"Hoy Shanne, ano nanamang tinutulala mo dyan? Aba't! Wala ka ba talagang balak umalis dyan sa kinauupuan mo at pumunta na sa gym ha? Malapit na magstart ang game nila Nash at Nathan dun! Tingnan mo nga yung paligid ha wala na sila at tanging ikaw nalang ang nakaupo dyan!" Nakakabingi naman tong si Kristine,
*lingon_lingon*
Pfft Wengya! Oo nga no ako nalang pala ang nandito kung sakaling hindi ako tinawag
"Stop thinking a lot Shanne, para ka nang nalugi dyan sa inaasta mo ha" ano bang iniisip ko? Wala naman ah
At di ko namamalayang tumatakbo na pala kami at halos makaladkad na ako nitong si Kristine
Jusmiyo! Bat ba excited pa 'to
At kelan naman ako nanood ng Basketball aber? Tss...
Pero kahit ganon, i-ch-cheer ko nalang yung team nila Nash at Nathan hehe
*tintin*
Charles: Ashtyn, cheer mo team natin ha? Gaganahan ako nyan pag i-checheer mo ko Haha!
What the? Team natin? E hindi naman ako kasali sa basketball na yan, paanong naging magkateammate kami? Siraulo ba 'to?
Reply: paano kita ichecheer e hindi ko nga alam kung nasaan ka dito!
Charles: Just watch
Reply: hay nako! Sila nash at Nathan sana ang ichcheer ko e!
Charles; pwede naman ako?
Reply: ay nako! Bahala na
Charles: Cheer our team okay?
Reply: yeah ok
Pffffft Wengya!
**
8 minutes before we start
Nag laline up na ang mga team ng Red Bull at team namin na ang pangalan e Sharknado Warrior e? Sino namang poncio pilato ang nag isip nyang pangalan na yan, sa bagay pwede na rin.